Chapter 3

18 1 0
                                    


I am currently arranging my things dahil kakatapos lang ng klase ko. It's already quarter to 5pm na pala, nag extend ng 15 minutes ang prof. namin. I sighed, nakakatamad talaga paminsan ang mag-aral. Kaya papunta na ako ngayon sa gym namin para mag practice.

Bago ako umalis sa classroom ay nilapitan ko muna ang kaklase ko na group mates ko sa upcoming na presentation namin. Akala ko talaga makaka-graduate na ako sa mga presentation slash reportings ngayon na 3rd year college na ako.

"Hi!" I greeted them. "Saan tayo mamaya?" tanong ko sa mga kagrupo ko.

Nathan smiled. "They've decided na sa bahay nalang daw ni Aimi gumawa para daw we can focus on our presentation kesa sa mga café." sabi niya.

"Where do you live pala Aimi?" I asked.

"The same subdivision as yours." she smiled.

"Oh! Nasa iisang subdivision pala tayo? Sige text me nalang the complete address mo para doon nalang ako dumiretso agad after ng practice namin."

"Okay, I'll just slide through your Messenger later!" sabi niya.

"Wait, who are our group mates again? Sorry I kinda dozed off at kayo lang ni Nathan naalala ko." I smiled apologetically.

"It's okay alam naman natin ang boring ng subject na 'yun as well as the professor. So we're with Jonathan, Therese and us." she said. I'm not really close when it comes to my classmates pero friends ko naman silang lahat. Hindi nga lang halata.

"Oh, okay. I'll see you later then?'Saka pasensya na rin ah? Hindi ako makakasabay sa inyo ngayon dahil may practice pa kami, pero promise I'll catch up with you guys."

"Ano ka ba? We understand kaya, hindi din madali maging student athlete at Dean's Lister ka pa!" sabi ni Aimi and Nathan nodded in agreement.

"So, see you later. " sabay na sabi ni Nathan at Aimi and I bid my goodbyes to them. At naglakad na ako papuntang gym. I took my cellphone out from my pocket para tignan kung may messages ba at para iinform na rin si Charles— which is ang captain ball namin na I am going to be late dahil late na natapos si Prof. Jimenez, but when I turned it on dead battery pala. Kaya nagmadali na akong pumuntang gym para makahabol sa practice nila

Nakarating naman ako agad sa gym at ang unang nadatnan ko ay ang mga basketball players na naglalaro at may iba naman na nag warm up pa kasi late kaya 'di nakasabay sa warm up ng ibang players kanina since 'yan naman ang ginagawa din namin kapag late kami. Pumunta na ako sa pwesto ng volleyball players pero when I got there, there was no one present. Pero may naranig akong tumawag sa akin mula sa direksyon papuntang locker room.

"Bakla! Ba't ka nandito?" sigaw ni Chan habang naglalakad papunta sa'kin.

"I thought may practice tayo? Since upcoming na ang ICSP?" takang tanong ko.

"Hindi mo ba nabasa sa group chat na'tin na wala tayong practice ngayon kasi may emergency si coach at absent naman si captain ball?" sabi niya sa'kin at agad ko namang kinuha ang aking cellphone para ipakita ang cellphone kong deadbatt.

I just waved my cellphone at him."Deadbatt girl, sorry." hilaw na ngiti ko sa kanya.

"Ayan kasi, ciao girl! Uwi nako. Ikaw ba?" he asked.

"Pupunta muna ako doon sa kabila para humiram ng powerbank sa mga friends." sabay turo ko sa side ng basketball.

He teased me. "Ikaw ha? Baka naman pupuntahan mo lang ang jowa mong si Rodriguez." sundot niya sa gilid ko.

"Stop it nga!" 'saka ako tumawa. "Hindi nga ako papatol sa lalaking 'yon! I'm too pretty for him, chos!" 'saka ako tumawa ulit. "Isa pa kailangan ko talagang humiram ng power bank dahil may presentation kaming gagawin ng blockmates ko sa bahay nila. Magpapahatid ako sa driver namin."

Until The EndWhere stories live. Discover now