Kyungsoo's Pov
Tumayo ako. Nakayuko akong naglakad papuntang room ng may makabangga ako
"Sorry" sabi ko sa taong nakabunggo ko ng hindi ko manlang siya tinitignan.
"What The Hell Kyungsoo!! Nadumihan mo yung bago kong dress!! F*ck!!" galit na galit niyang sabi sakin.
"Hindi ko sinasadya. Hindi ko nakita" paghingi ko ng paumanhin sakanya. Nakayuko pa rin ako.
"Eh paano mo nga makikita! Kung nakayuko ka! kahit kailan ang tanga tanga mo!!" Bulyaw niya sa akin sabay tulak sa ulo ko
"Hindi na mauulit" sabi ko
"Dapat lang na hindi maulit!!" Tinulak niya ako ng buong pwersa na dumating sa point na tumalsik ako sa gilid ng sasakyan at napaupo.
Tumunog ang alarm ng sasakyan.
Pagkamalas malas ka nga naman Oo. Biglang dumating yung may ari ng kotse.
"Hoy! Anong karapatan mong dikitan at dumihan ang sasakyan ko! Tumayo ka nga diyan!"
Pilitin ko mang tumayo. Hindi ko kaya. Napakasakit ng tadyang ko tumama kasi to sa side mirror.
"Tumayo ka sabi diyan! O gusto mo ako pa magtayo sayo?" galit na sigaw niya sakin
Pinilit ko ulit tumayo pero ang hirap. Napapaupo ulit ako
"Sinabi kong umalis ka sa kotse ko!!" Lumapit siya sakin at hinatak ako patayo sabay tulak niya sa akin sa may basurahan. Napadapa ako. Natumba sa akin ang basurahan. Natapon lahat ng laman nun saakin.
Napatingin ako sa paligid ko lahat sila nakatingin at pinagbubulungan lang ako. Napatingin ako sa lalaking tumulak sakin nakangiti siya na para bang tuwang tuwa siya sa ngyayari.
Napatingin nalang ako sa sahig. Napaluha. Ang tangi ko nalang iniisip ngayon ay si minah, wala na akong paki sa bulung bulungan sa paligid ko. Si minah na dadarating para ipagtanggol at tulungan ako. Si minah na bestfriend ko. Si minah na iniwan ako para sa iba ;((
Pinunasan ko ang luha ko at pinilit tumayo. Pinagpagan ko rin ang uniform ko.
Naglakad na ako papunta ng room. Bawat estudyanteng madaanan ko. Tinatawanan at pinag-uusapan ako.
Nandito na ako sa tapat ng room. Huminga ako ng malalim.
Naririnig ko ang maiingay kong classmates. Bigla silang tumahimik nung pumasok na ako.
Naghanap ako ng mauupuan. Nung uupo na ako bigla itong hinila ng kaklase kong lalaki. Napaupo ako sa sahig.
Nakarinig nanaman ako ng tawanan. Pero yung iba halatang naawa at gusto akong tulungan. Hindi lang nila magawa dahil natatkot sila.
Tumayo ako at saka kinuha ang upuan ko. Umupo ako.
Ilang sandali pa lang pinagtatadyakan na ng mga nasa likod ko ang upuan ko. Hinawakan ko ang armchair ko ng mahigpit.
Classmate1: "yuck! Ang dumi dumi mo!"
Classmate2: "Ang bahoo mo. Umalis ka nga dito!"
Classmate3: "hindi ka nababagay dito"
Classmates4,5,6,7: " ang baho mo. Amoy basura ka!! Umalis ka!"
Classmates: "alis. Alis. Alis."
Ngayon. Pinagbabato na nila ako ng crumpled papers. Pinagtatadyakan parin ng mga nasa likod ko ang upuan ko.
"aaaaaaaAaah!!!! Tumigil na kayo! Ano bang kasalan ko sa inyo at ginaganto niyo ko! Kayo ang tunay na mabaho at hindi bagay dito. mga halang kaluluwa niyo!! mga anak mayaman nga kayo pero hindi kayo tinuruan ng magandang asal ng mga magulang niyo.!!!!" *hingal *hingal.... napatahimik sila sa sinabi ko
Binuhat ko yung upuan ko saka ko binato ng ubod ng lakas sa mga lalaking nasa likuran ko. Hindi nila inaasahan yon dahil mabilis ang pagkilos ko kaya lahat sila natamaan at siguradong nasaktan.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung ganung lakas.
Pinulot ko yung bag ko saka umalis sa impyernong room na yon!
Habang naglalakad sa corridor pilit kong sinira at tinanggal ang polo ko. Saka itinapon sa basurahang nadaanan ko.
*to be continued...
BINABASA MO ANG
Bestfriends [EXO SHORT STORY] -Do kyungsoo
Short StoryBook 1: Best Friends Starring: Do Kyungsoo