(Extra Chapter)
Kyungsoo's Pov
"Kyungsoo-yah!" ang ingay. Kanina pa ako naririndi sa lakas ng boses netong si Chan.
Hindi ko siya pinansin.
"Kyungsoo-yah!"
"kyungsoo-yaah..."
"Kyungsoo....."
"D.O-Yah!" sigaw niya."Ano ba Chan! Ang sakit sa tenga ng kakatawag mo sa pangalan ko."
"hindi ka naman kasi sumasagot kaya inulit-ulit ko nalang." sagot niya.
"ano bang problema mo? At naandito ka sa bar?"
"wala. Dinadalaw lang kita."
"uwian niyo na. Diba? Bakit hindi kapa dumiretso sa bahay niyo... anong problema ha Hyung?" tanong ko. Alam kong may problema to eh. Hindi naman nagpupunta to sa bar ng walang problemang dahilan.
Oo naandito kami sa Private room namin sa Bar na ito. Exclusive lang ito para samin daw mga bagong tagapagmana. Hindi ko alam sa mga Teachers namin sa mga pinagsasabi nila.
"Yun kasing classmate nating kinukwento ko sayo... Men! Gusto ko na yata."
"ah... si"
"ssshhh...! Wag kang maingay." pagputol niya sa sasabihin ko.Magclassmate kami niyan ni Chan. Since nung may mga kumuha sakin at dinala ako dito. Transferee ako at siya old student na dito sa Wolf U.
Biruin niyo yon First day ko palang sa dati kong school pero heto may bago nanaman ako pinapasukang school.
May bigla akong naalala....
Sa dati kong school,
Sa Bahay,Sa-sa bahay...
Sa Bah....Flashback..
Im sorry minah. Im sorry Mom, Dad. Pero hindi ko na po kaya pagod na ko sa araw-araw na panglalait at pananakit ng mga tao sakin... patawarin niyo sana ako Lord, im sorry... gusto ko na magpahinga. gusto ko na pumikit ng tuluyan. gusto ko ng makapiling kayo Mom, Dad... miss na miss ko na kayo.
"Pagod na ako." dahan-dahan kong inilapit ang cutter sa pulso ng kamay ko handa na rin ako sa ano mang mangyari.
Nakalapat na ang blade ng cutter at lalaslasin ko na ito ng may biglang pumigil na pwersa dito. Kahit anong pilit at lakas kong galawin ang kamay kong may hawak ng cutter ay hindi ko parin ito maigalaw.
Nagtaka ako tumingin ako sa paligid.
"si-sino kayo? Papaano kayo nakapasok?" tanong ko sa babae at lalaking nasa gilid ko na pala.
Papaano silang nakapasok dito nang hindi ko manlang namamalayan.
"ako nga pala si Beatrixe at siya ang kaibigan ko si Manchan." sagot ng babaeng nakaputi na may koronang bulaklak sa ulo.
"nakabukas kasi ang pinto mo kaya pumasok na kami" sagot nung lalaki na Manchan ang pangalan.
Binatukan siya nung Beatrixe ang pangalan.
"Hindi naman tayo sa pinto dumaan eh!" sabi ni Beatrixe.
"Ay oo nga pala!" malakas na sabi ni Manchan. Sabay palakpak at batok sa sarili niya.
Napanganga nalang ako sa ginawa niya.
Ng makabawi ako... Nagtanong ako sakanila."Anong kelangan niyo sa akin?" tanong ko sakanila.
"Kayo rin ba may gawa nito? Bakit hindi ko magalaw ang mga kamay ko?" pinilit ko ulit igalaw ang kamay ko. Nakakaramdam na rin ako ng sobrang lamig na para bang may yelo na nakapatong sa mga kamay ko."Magic." sabi ni Manchan.
"Ginamitan kita ng Froze Magic para hindi mo maituloy ang gagawin mo." sabi ni Beatrixe.
"Gagamitan na sana kita ng Fire power kaso naawa ako baka malapnos kamay mo."
"Ha.Ha. alam kong may pagkanerd ako. Pero Hindi ako naniniwala sa magic o power na iyan. Ha.Ha" sabi ko at pumekeng tumatawa.
"maniwala ka man o hindi may Totoong may magic o powers. Hindi lang kasi yan nage-exist sa mundo niyo."
"Bakit may sarili ba kayong mundo? Ano kayo Alien? Hahahaha" sabi ko.
"Oo tama ang sinabi mo may sarili kaming mundo pero hindi kami alien. Mga tao rin kami na may kapangyarihan nga lang." paliwanag ni Beatrixe
"eh ano ngang kelangan niyo saakin?!" muli kong tanong.
"Good Question." may biglang sumulpot na lalaki out of nowhere.
"June." sambit ni Marchan. Yun siguro ang pangalan niya.
"Kelangan mong sumama sa amin. Kelangan ka ng aming mundo. Ng Ating Mundo Kyungsoo." sabi nung June.
"ng ating mundo? Naloloko kanaba? Pinagsasabi mong Atin?" naguguluhan kong tanong.
"Isa ka rin saamin Do Kyungsoo. Isa ka ring taong may kapangyarihan. Kapangyarihang hindi mo pa natutuklasan." sabi nito
"paano ako maniniwala sainyo?"
"Mga Kaibigan kami ng iyong Ina. Sa kalagitnaan ng digmaang nangyayari nuon sa mundo namin namatay ang kasintahan ng iyong Ina. Pagkatapos ng digmaang iyon Nagpasya siyang umalis sa Labyrinth at mamuhay ng normal dito sa mundong ito."
"Sa labis na pag-aalala ko bilang bestfriend ng iyong Ina. Lagi akong nagpupunta dito sa mundo niyo para hanapin siya. Nung mahanap ko siya Pinipilit ko siyang bumalik ng labyrinth. sa Blue planet. pero lagi siyang tumatangi naaalala lang daw niya ang kasintahan niyang namatay. Nalaman ko rin na buntis siya. Ilang buwang pagbubuntis niya sayo dumating ang panahong nanganak na siya, at ikaw yun Kyungsoo. " sabi ng babaeng pumutol sa sinasabi ni June kanina.
Lumapit si June sa babaeng nagsalita at hinalikan niya ito sa pisngi. Nalaman kong siya si Charlene asawa ni june.
Nalaman ko rin na itinago ni Charlene sa mga tao sa mundo nila kung nasaan ang aking Ina. Pero ngayong nasa tamang edad na ako para sanayin at tuklasin ang kapangyarihan ko sinabi niya na daw ito sa mga kaibigan niya. At ngayon daw ang tamang araw para sumama na sakanila.
Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Wala na rin ang pwersang nilagay nila sa kamay ko.
Tinignan ko ang humawak sa kamay ko. Nagulat ulit ako ng makita kong may malaki siyang bag na hawak at nakalagay duon ang mga damit ko.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay na naging dahilan sa pagpikit ko. Pagdilat ko, Nasa ibang lugar na ako. Naandito na ako sa labyrinth world sa blue planet na sinasabi nila.
Nabighani ako sa kagandahan ng lugar.
Ipinasok rin nila ako sa Wolf U sa mortal world at dito sa Wolf U sa Labyrinth.
End of FlashBack
"Kyungsoo. Hoy!"
"ah-ah Oh ?"
"kanina pa kita kinakausap di ka pala nakikinig." sabi ni Chan.
"ahhh... Sorry." sabi ko nalang. Masyado palang na occupied ang isip ko.
"D.O kamusta pala si Minah? May balak ka bang magpakita sakanya?" Naikwento ko sakanya si Minah.
"Hindi ko alam hyung. Siguro? Kapag Ok na ang lahat. Kapag may Time." sabi ko.
Magkikita rin tayo Minah. Pangako yan Bestfriend.
=END.=
A/N: ayun tapos na po ang Short story ko kay Do Kyungsoo.
Siningit ko tong Extra Chap na to may gagawin kasi akong Fantasy Story. Exo rin ang bida. :)) first time kong gagawa ng ganung genre sana kayanin ko. Haha full of magics kasi ang pumapasok sa isip ko ngayon.
Baka malay natin guys isingit ko rin si Minah at pagtagpuin ko sila ni kyungsoo sa Fantasy Story na yun.
Maraming salamat po at natapos niyo to ang hanggang dulo :) Thankyou.
Next Exo Short Story:
Presents:
Park Chanyeol
" Happy Virus' Stalker "
BINABASA MO ANG
Bestfriends [EXO SHORT STORY] -Do kyungsoo
NouvellesBook 1: Best Friends Starring: Do Kyungsoo