Chapter one

653 21 6
                                    

Umiiyak si Cassie ng datnan siya ng kaibigang si Faith sa isang bench ng kanilang paaralan. Tinawagan siya nito sapagkat may problema daw ito kaya nagmadali siyang pumunta sa lugar kung saan ay naroroon ang kaibigan.

“Oh! Friend why are you crying? What’s wrong? Tell me” nag-aalalang wika ni Faith sa kanyang kaibigan. Sa totoo lang ay ayaw niyang nakikitang umiiyak ang kaibigan. Parang kapatid na rin ang turing niya dito kaya kapag may problema ito ay lagi siya ang karamay nito.

“Nakipagbreak na sa akin si Nathan, inamin niya sakin na pinagpustahan lang daw nila akong magkakaibigan” hindi na napigilan ni Cassie na mapahagulgol ng iyak sa harap ng kanyang kaibigan. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon.

“Damn that man! Pinagkatiwalaan mo siya tapos yun lang ang gagawin niya!” napupuyos sa galit si Faith dahil sa ginawa ng kasintahan ng kaibigan. Noon pa man ay alam niya nang hindi gagawa ng maganda si Nathan pero hindi niya sinabi sa kaibigan sapagkat ayaw niya itong masaktan. Alam niyang ito ang unang pag-ibig ng kabigan and unfortunately first heartbreak.

“Tapos sinabi pa niya na sakin na hindi daw ako ang tipo niyang babae. Hindi daw ako katulad ng mga naging girlfriends niya na maganda at sexy” wika ni Cassie na patuloy pa din sa pag-iyak.

      May pagkachubby kasi ang kaibigan niya ganoon pa man ay hindi nabawasan ang angkin nitong ganda.

“Friend wag kang magagalit ha pero nung nagpunta ako sa mall ay nakita ko si Nathan na may kasamang babae, nung una akala ko kaibigan niya lang kaso nakita kong hinalikan ni Nathan yung babae” wika ni Faith sa kaibigan. Hindi na sana niya sasabihin sa kaibigan dahil alam niyang makakadagdag lang ito sa sakit na nararamdaman nito pero kailangan niyang malaman ito.

“Why didn’t you tell me?!” nanlulumong sabi ni Cassie.

”I chose not to tell you because I don’t want to hurt you friend.I’m sorry” awang awa sabi nito sa kaibigan.

“Shit! All this time pala naglolokohan lang kami! I love him  and yet he chose to hurt me! Ang tanga tanga ko! I hate myself for loving a stupid man like him!” tsaka ito umiyak ng umiyak.

“Friend stop crying. He’s not worth it. Wag mong ubusin ang luha mo sa isang walang kakwenta-kwentang lalaki.” pag-aalo nito sa kaibigan. Biglang namutawi ang katahimikan. Napaisip bigla si  Cassie  at agad nitong binasag ang katahimikan.

“Alam mo friend tama ka. Maybe naging tanga nga ako but I will make you sure that he will regret for hurting me!” wika ni  Cassie  na tumigil na sa pag-iyak.

“Ganyan nga! Be strong! He’s not the right guy for you” wika nito sa kaibigan. “Oo nga, hindi muna ako magtutuon ng pansin sa mga lalaki, mag-aaral muna ako” wika ni  Cassie . “Tama ka dun pero pwede ba magpapayat ka na, tigilan mo na ang pagkain ng marami,nakita mo nga ung sinabi sayo nung bwisit na yun” pang-aasar ni Faith sa kaibigan, tsaka sila malakas na nagtawanan.

Stop breaking my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon