Chapter four

217 21 3
                                    

Nagtaka na lang si Lorence dahil biglang may nagkagulo sa may gilid ng gym at dahil doon ay natigil ang kanilang game. Pinuntahan nilang magkakabarkada ang lugar kung saan maraming tao ang nagkukumpulan.

"Mukhang may nag-aaway ah" wika ni Tom sa kanila.

"Oo nga, tara puntahan natin" aya ni Carlo sa kanila.

Nang makapunta sila dun ay nagulat sila ng makita kung sino ang nag-aaway.

Parang nakita ko na ang babaeng ito ah! Hmmmm...Tama! nakita ko na nga ito! siya yung babaeng nabunggo ko kahapon.Bakit kaya ito nakikipagaway?

"Teka di ba siya yung nakabunggo mo Lorence kahapon?" gulat na wika ni Mark ngunit hindi kumibo si Lorence.

"You pig! ang lakas ng loob mong kalabanin kami!" galit na wika ng babaeng kaaway nito.

Nagulat sila ng biglang sinampal ng babaeng nakabangga ni Lorence ang babaeng kaaway nito dahil sa sinabi nito.

SLAPPED!

 

 

"Ouch! ang lakas ng pagkakasamapal niya sa babae ah!" gulat na wika ni Tom

"Oo nga! Napatumba niya lahat yung apat!" pagsang-ayon ni Carlo kay Tom. Nang mapatumba na nito ang mga kaaway ay biglang may lumapit ditong lalaki.

"And the winner is no other than this brave pig!" wika ng isang lalaking nasa likod nito sabay taas ng kamay. 

PACK! 

Bigla itong bumagsak dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok nito sa mata nito.

Nagulat ang lahat ng nanunuod dahil sa ginawa nito sa lalaking lumapit dito.

"Don't dare call me pig or else I will kick your butt out of this school." galit na sabi nito sa lalaki. 

Manghang napatitig ang magbabarkada sa babaeng nakilala nila kahapon.

"Wew! Ibang klase din ang babaeng ito ah!" manghang wika ni Mark.

"Grabe! bilib na talaga ako sa kanya!" dugtong ni Carlo.

Tahimik lang na nakikinig si Lorence sa mga kaibigan. Nabilib siya sa babaeng iyon. Kahapon lang ay umiiyak ito tapos ngayon ay nakikipag-away na ito. Kala pa naman niya ay mabait ito dahil sa maamo nitong mukha.

Nakakachallenge ang babaeng ito ah! Ang tapang!  wika niya sa isip tsaka ito ngumiti. Ngunit agad din naglaho ang ngiti niya dahil narinig niya ang sinabi ng isang babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stop breaking my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon