Chapter two

215 18 2
                                    

Kinabukasan ay tanghali ng nagising si  Cassie  sapagkat napuyat ito sa kakareview para sa exam nila.

“Oh my! Late na ako! May exam pa kami!” gulat na sabi ni  Cassie . Hindi niya narinig ang alarm ng cellphone niya kaya hindi agad siya nagising.Nagmadaling gumayak si Cassie sapagkat hindi siya pwedeng malate.

“O anak bakit yata tinanghali ka na nang gising?” tanong sa kanya ng kanyang mama.

“Hindi ko po kasi narinig yung alarm ng cellphone ko eh” sagot niya sa kanyang ina.

“Kumain ka muna anak bago ka pumasok, masama ang pumapasok ng walang laman ang tiyan” wika ng kanyang papa.

“Oo nga anak, lagi ka na lang umaalis ng walang laman ang tiyan mo” dugtong ng kanyang mama. Kaya naman mahal na mahal niya ang kanyang magulang kasi napakamaalalahananin nila sa kanya.

“Eh may exam kami ngayon mama, papa kaya kailangan ko ng pumasok, umalis na ba yung mga kapatid ko?” wika niya sa magulang.

“Oo kanina pa, kala ko nga mas nauna ka pa sa kanila” wika ng kanyang ina.

“I have to go,malalate na po ako” paalam niya sa kanyang magulang sabay halik sa pisngi ng kanyang magulang.

Tatlo silang magkakapatid. Siya ang panganay sa kanilang tatlo. Ang pangalawa ay nasa second year high school na at ang bunso ay nasa first year high school. Dalawa silang babae at ang bunso ay lalaki.

Pagdating niya sa eskuwelahan ay nakita niya ang kanyang pinsan na si Kathleen.Matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang pinsan dahil na rin siguro busy sila sa kanilang studies. Nasa third year high school na din si Kathleen ngunit mas matanda siya dito ng isang taon, maaga lang itong nag-aral kaya nasa pareho silang year ngayon.

“Ate tin! kamusta ka na?” masayang wika nito.

“Eto okay naman, bakit kindi ka na pumupunta sa bahay?” wika ni  Cassie  sa pinsan.

“Eh kasi madaming ginagawa sa school” paliwanang ng kanyang pinsan.

“Ah ganun ba? Mamayang break time na lang tayo ulit mag-usap, malalate na ako eh, may exam pa kami ngayon” wika nito sa pinsan.

“Ah sige ate, dun na lang tayo magkita sa bench malapit sa canteen” wika nito.

Stop breaking my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon