Chapter three

186 17 0
                                    

"Pupuntahan na natin si Lorence para makita mo na siya." paliwanag nito sa kanya. Hindi na niya nakuhang magsalita sapagkat bigla na lang nitong hinatak ang kamay niya.

Dinala siya ng kanyang pinsan sa gym malapit sa St. Joseph Building, bawat building kasi may mga pangalan. Merong  apat na building sa St. Mary's College, ang St. Joseph Building, Assumption Building, Mother Ignacia Building at Sacred Heart Building. Inooccupy ng buong first year ang St. Joseph Building, second year naman ay Mother Ignacia Building, third year ay Sacred Heart building at ang fourth year ay St. Joseph Buiding.

Maraming tao ang nagkukumpulan sa gym dahil may naglalaro ng basketball. Sobrang ingay dahil maraming babae ang naghihiyawan.

"Go Lorence! We love you!" sigaw ng mga babaeng nanunuod ng basketball.

Grabe naman tong mga babaeng ito! Patay na patay naman sila sa Lorence na yun! Nacucurious na ako sa itsura nun ha! nakakaloka! bulong niya sa kanyang sarili.

"Aaaaaahhhhhh!!! Go Lorence! Ang gwapo mo talaga!" sigaw ng pinsang si Kathleen. 

"Aray naman! ang sakit sa tenga ha! ang ingay naman dito! nabibingi na ako!" angal niya sa pinsan.

"Eto talagang si ate, napakaKJ!" wika ng kanyang pinsan.

"Asan na ba kasi yung Lorence na yun, puro Go Lorence na lang ang naririnig ko! naririndi na ang tenga ko ha! ituro mo na nga sakin ng para makabalik na ako sa room namin!" iritang wika niya sa kanyang pinsan. 

"Ang sungit mo naman ate! meron ka yata eh!" natatawang wika ng kanyang pinsan. Tinitigan niya ng masama ang kanyang pinsan dahil sa sinabi nito. Gusto niya ng umalis sa lugar na iyon. 

"Oo na sasabihin ko na kung nasan siya! Nakikita mo ba yung nakajersey?" itinuro niya kung nasaan.

"Heller! okay ka lang?! lahat kaya sila nakajersey? may nakikita ka bang nakat-shirt ha?!" sarcastic na sabi niya sa kanyang pinsan.

"Ay oo nga pla..hahaha, ayun ung may surname na Lee, ung number 23" turo niya sa kanyang pinsan.

Hindi niya masyadong makita ang mukha dahil nakatalikod ito at tsaka gumagalaw.

Teka parang nakita ko na ito ah!  Pero hindi bka nagkakamali lang ako bulong niya sa kanyang sarili.

Hinintay niya ulit na humarap ang lalaking sinasabi nilang gwapo DAW na estudyante ng SMC. Nung humarap ito ay nagulat siya sa nakita nito.

OMG! eto yung lalaking nakabunggo sa akin na ang yabang yabang! Kala mo kung sinong gwapo eh napakapanget naman ng ugali! feeling niya gusto ko siyang hubaran!!! Yuck! Isipin ko pa lang nandidiri na ako! Pasalamat siya at wala ako sa mood na awayin siya! inis na wika niya sa kanyang sarili.

"Hoy! okay ka lang?" biglang sabi ng kanyang pinsan

Stop breaking my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon