Chapter 2 - End

382 3 16
                                    

-----------

Alam niyo mga friends, okay naman buhay namin ng kuya ko. Bati naman kami lagi, masaya kaso yung girlfriend niya lang talaga yung problema. Nang dahil sa girlfriend niya kaya palaging puyat, pagod at problemado si kuya ko. Halos gawin na nga niyang uripon at eto namang kuya ko, nagpapaalipin kesyo mahal daw niya. Ang sarap sabihin tuloy sabihin sa gf niya na,


"Ate, BOYFRIEND mo po ang kuya ko hindi ALALAY. Pasalamat ka mahal ka ni kuya ko kaya di kita pinapatulan. Hmp!"


Nakakainis talaga siya! Tulad nalang ngayon...

Mahimbing kaming natutulog ng...


*Bzzzzzt Bzzzzzt

"Hmmmmm... bunso," sinundot sundot niya psingi ko hanggang sa magising ang diwa ko.

"Bakit po?" tanong ko habang nagkukusot ng mata ko.

"Abot mo nga cellphone ko since dinaganan mo na din naman ako." Utos niya na nakapikit pa din.

Kinuha ko naman phone niya at ayun! May message galing kay ate gf.


From: Jess

Ji, nsan ka?

Nireply-an ko naman, 'nsa bhay. Bkit?'

From: Jess

Pwde psundo? Sge na. tpos gala na dn tyo after. Nsa campus ako. Main gate. Hntayn kta.

"Oy kuya. Nagpapasundo si Ate Jess. Campus main gate daw po." Tumayo na ko at binigay sakanya phone niya. Nagumpisa naman siyang mag-ayos ng sarili niya at kalaunan ay umalis din.

Ba't kaya ganun nalang katanga yung mga nagmamahal?



Kasama ba talaga yun pag nagmahal ka? Ayaw ko na atang ma-in love. Nakakatanga.



Tignan mo nga kuya ko, 16 years old na yan. Oo, ang bata niya pa para magka-gf pero anyway, ang tanga tanga niya. Nagpapaalipin siya dun sa sosyalera niyang girlfriend. Kumukulo talaga dugo ko dun sa babaeng yun. Bukod sa pineperahan na niya kuya ko, ginagamit niya pa bilang props para inggitin yung mga babae kasi boyfriend niya ang #1 heartthrob ng school nila. Leche talaga! Ayaw naman maniwala ni kuya sa akin kasi nga daw bata pa daw ako at hindi ko pa naiintindihan ang mga ganyang bagay. Heller, kahit 14 years old lang ako, hindi ako bobo at may alam din naman ako tungkol sa pesteng pag-ibig na yan lalung-lalo na sa katangahan niya. Tsk.

-----------------

Nagdaan ang ilan pang mga araw, linggo at buwan. Sila pa din ni Ate Jess at tanga pa din si kuya. Ang tatag nila no? Best Actress kasi si Ate Jess kaya ganyan. Sarap bigyan ng trophy made of plastic. Grr. Feeling ko nga hindi na tungkol sa samin ni kuya 'tong story na 'to kundi tungkol nalang sa katangahan niya sa walang kwentang babae.

...at heto ako~ basang basa sa-- Joke lang. Tawa ka na sige. -_________-"

I love you, BunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon