Chapter 1

477 2 0
                                    

 I love you, Bunso

Written by: isaakongbabaengbakla © 2012

---------

“Bunso, paano pag sinabi kong ‘I love you, Bunso’?”

 

“Hmmm.. Edi sasabihin ko po na, ‘I love you too, Kuya.’”

---------

“Kuuuuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa~” bulong ko sa tenga niya.

“Kinsh… mamaya nalang tayo maglaro okay? Pagod si kuya.”

“Gusto ko lang naman po tumabi sa’yo.” Nakakatampo naman. Puro laro lang ba alam kong gawin? :((

Dinilat niya ang isa niyang mata at tinignan ako saka sinenyasan akong lumapit sakanya. Lumapit naman ako at umupo sa lap niya.

“Bunso, wag ka na mag-pout. Tabi ka na kay kuya dali.” Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kaya love ko si kuya e, ayaw niya akong nagtatampo sakanya.

“Ang bigat na ng bunso ko. Siopao na yung pisngi oh.” Sabi niya sabay tusok sa pisngi ko. “Ang sama mo! Hmp!” nagpabigat ako lalo kaya napa-aray siya dagdag mo pa na hinahampas ko siya. Ang dali lang kaya magpabigat lalo na’t nakapatong lang ako sakanya. Bwahahaha! “Oh ano ka ngayon kuya? Sakit di ba? Weak ka pala e. Bleeeeeeeeeeeh~”

 

“Weak pala ha. Tignan natin kung sino ang totoong weak.” At yun na nga ang pinaka-hate kong part, yung kilitian part. Nakakainis. Talo ako lagi dyan. :3

Ganyan kami lagi ng kuya ko. Nagiinisan na madalas napupunta sa kilitian kung saan lagi akong talo pero nagmamahalan at kapag napagod na kami, tulog lang katapat niyan. Spoiled ako kay kuya kaya nga love na love ko yan. Halos lahat ng gusto ko binibigay niya hangga’t kaya niya. Ang bait ng kuya ko di ba?

Yung kuya ko? Gwapo, payat, matangkad, sweet, mabait, gentleman, habulin ng mga babae at… marami pang iba. Ang dami kasing pwedeng pang-describe tungkol sakanya kaya baka abutin pa tayo ng 100000 years.

Gusto mo din ba ng kuya na tulad niya? Sige, pagppray kita. :D

---------

I love you, BunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon