Chapter 3

1.3K 33 14
                                    

Klent's POV

Kasalukuyan siyang nakahiga sa kanyang kwarto nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang damputin niya iyon ay mabilis niyang sinagot ang tumatawag doon.-Ang kanyang kapatid na si Archelle.

"Ohh,kmusta?" unang bungad niya nang sagutin ang tawag ng kanyang kapatid.

"Kuya,kailangan ko po ng pera." anitong mahihimigang nahihiya ito nang bigkasin ang mga salitang iyon.

"Magkano ba at aanhin mo?" tanong niya rito.

"May babayaran kasi kami para sa OJT namin next month." Ahhh! Mag-oOJT na pala ang kanyang kapatid. Apat na buwan na lamang ang kanyang hihintayin at ga-graduate na ang kanyang nakababatang kapatid sa kinuha nitong medical course.

Apat na buwan na lamang ay maaabot na nilang magkapatid ang pangarap nilang makapagtapos ito.

Apat na taon na kasi simula nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa car accident ay siya na ang tumayong magulang nito. Bagamat nag-aaral sa kolehiyo nang pumanaw ang kanyang mga magulang ay naituloy niya ang kanyang pag-aaral habang nagpapart-time job sa gabi bilang security guard ng isang companya.

Hindi madali para sa kanya ang ipagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho pero alam niyang kailangan niyang gawin iyon lalo na't nasa 1st year college na rin ang kanyang nakababatang kapatid.

Gamit ang mga naiwang pera ng mga magulang sa bangko at ang kanyang kinikita sa pagse-sekyu ay sa wakas natapos niya ang kinuha niyang kurso. Nais pa sana niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Law School pero pinagpasyahan niyang saka na lamang niya ipagpapatuloy ang pag-aaral dito kapag nakapagtapos na ang kanyang kapatid.

Upang mas lalong makatulong dito ay pinasok niya ang pagtuturo dahil masakit sa bulsa ang kursong napili ng kanyang kapatid. Pero kahit ganon,hindi naman ito nagpapabaya sa pag-aaral at sa mga allowances nito.

Sa tulong ng pagiging scholar nito ng kanilang eskwelahan dahil sa pagiging athlete nito ay napapagaan ang buhay nilang magkapatid.

"Okay. Ipapadala ko sayo mamaya." aniya bago tinapos ang tawag nitong iyon.

Kunting kembot na lang at lilisanin na niya ang pagtuturo upang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang ganap na abogado.

Kapag naging isang ganap na siyang abogado,ay saka na lamang niya iisipin ang pagbuo ng sariling pamilya.

Gusto niyang makabuo ng pamilyang marami bagamat masaya. Hindi tulad ng pamilya nilang dalawa na nga lang silang magkapatid ay binawi pa sa kanila ang kanilang mga magulang.

Napakalungkot ng pamilya nila para sa kanya pero hindi yon naging dahilan upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap sa buhay. Kasama na rito ang makatagpo ng tamang babaeng mamahalin siya habang-buhay.

___________________________________________

Kasalukuyang nakaupo sa loob ng paborito niyang coffee shop si Klent pagkatapos niyang maipadala ang perang kakailanganin ng kanyang kapatid nang may biglang lumapit sa kanya.

Dahil bahagya siyang nakayuko noon,ay mas una niyang nabalingan ang suot nitong puting rubber shoes. Hindi siya nag-aksaya ng panahon na tingnan ang mukha nito hanggang sa ito ay nagsimula nang magsalita.

"Can I join sir?" wika nitong hindi paman siya nakakasagot ay kusa na itong umupo sa upuang nasa kanyang harapan. Lumipad ang kanyang tingin sa mukha nito. Particular sa pabungisngis nitong pagngiti. "May kasama ka po bang iba?" tanong nito habang patingin-tingin sa paligid.

"Wala." matipid na sagot niya rito. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito.Nakasuot ito ng puti ring jacket na may hood at salamin sa mga mata nito. Kung hindi lang niya ito kilala at minsan nang nakitang walang suot na salamin sa eskwelahan,iisipin niyang nerd ito dahil sa porma nito ngayong araw.

"Ikaw Miss Marquez,sinong kasama mo?" balik tanong niya rito.

"Ehhhhh,mag-isa lang po ako sir ehh." sagot nito bago binaling ang tingin sa labas. Pansin niyang hindi ito mapakali.

"At bakit nandito kapa sa labas alas sais na ng gabi? Hindi ka ba hinahanap don sa inyo?" tanong niya rito habang sinisipat ang suot niyang relo.

"A-Ahhh kasi,nasira kasi y-yong kotse naming dala ko sir." sagot nito saka binalingan siya. "K-Kung pwede sana akong magpahatid nalang sayo sa bahay." anitong bahagyang nakangiwi habang nakatingin sa kanya't hinihintay ang kanyang magiging sagot.

Biglang teacher ay responsibilidad niya rin ang kaligtasan ng kanyang estudyante kaya walang pag-alalangang tinanggap niya ang "Walang problema." ang naging sagot na nakapagpabago sa ekspresyon ng itsura nito.

Masaya itong nagpasalamat sa kanya. "Maraming salamat ho sir."

"Shall we go?" wika niya rito matapos sulyapan ang tasa ng kapeng kanyang iniinom.

"A-Ahhh, b-baka nagkakape ka pa ho. U-Ubusin nyo ho muna yang kape ninyo-"

"Im done." simpleng wika niya bago tumayo at naglakad palabas ng coffee shop na iyon..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Handsome ProfessorWhere stories live. Discover now