Chapter 1

2.3K 23 0
                                    

"Late si maam?!" masayang bungad ni Dweynn sa kanyang mga kaklase pagdating niya sa kanilang classroom. 15minutes na ang nakalipas sa klase dapat nilang iyon. Nagtaka siya dahil inaasahan niyang mahuhuli siya ng pasok nang umagang yon,pero hindi niya akalain na mas late pa pala ang teacher nila kesa sa kanya.

Tila nabunutan tuloy siya ng tinik.Kilalang terror pa naman ang teacher nilang yon.Kaya pinapangako talaga niya sa sariling maging mabait siya dito at huwag aabsent o mala-late man lang sa klase nito.

Terror man ito kung tawagin ng iba,pero so Dweynn ay hangang-hanga dito. Ewan ba niya pero mas gusto niya yong mga teacher na pinapahirapan siya, kesa don sa halos i'spoon feed nalang lahat ng topiko.

"Papalitan na ng ibang guro si Mrs.Cruz."  yon ang sagot ng isa sa kanyang mga kaibigan habang ang mga mata nito ay nakatuon sa cellphone na hawak din nito.

Buti naman may isa na sumagot sa mga ito! maktol niya sa isip. Halos wala kasing pakialam ang kanyang mga kaklase dahil abala sa pag-iinternet.

"Teka! Anong papalitan? Bakit siya papalitan? " buong panghihinayang bagamat nagtatakang tanong niya rito.

"Papalitan na daw siya.. May bagong teacher na ilalagay sa subject na to."

"At bakit nga?! Parang tanga ka namang kausap eh!" inis na wika niya bago hinablot ang hawak nitong cellphone. "Akin na nga muna yan!"

"Bakit nga papalitan si Mrs. Cruz?" muling tanong niya rito.

"Abay malay ko? Pumunta ka don sa office at subukan mong magtanong don." sarkastikong turan ng kanyang kaibigan saka mabilis na binawi ang cellphone nito sa kanyang kamay.

Tila gumuho ang mundo niya sa narinig.
Isa sa paboritong teacher niya yon,tapos bakit papalitan? Sino na naman ang ipapalit? Yong ilan sa mga teacher nilang walang ginagawa kundi magpaprovide ng module? Magpa-project?

"Guys! Parating na si sir Gonzales!" Sigaw ni Devine.Isa sa kanyang kaklase.

Automatikong napalingon naman si Dweynn sa likod at hinanap ang ibig sabihin nitong magiging teacher nila sa subject na yon. At nakita nga niya.

Isang makisig na guro ang papalit kay Mrs.Cruz. At ito pala si Sir Gonzales.? Inusig niya ang kabuuan nito.Sa anyo pa lamang nito ay parang diskompyado na si Dweynn dito. Pakiramdam kasi niya,si Mr.Gonzales ang tipo ng gurong puro pa-gwapo lang ang mas pinagtutuonan. Di nga niya maimagine na magsasalita ito sa harap nila upang ipaliwanag ang topiko nila.

"Dweynn! Halika na dito!"  pukaw na sigaw sa kanya ni Devine.Nakita kasi siya nitong tinititigan ng parang walang kumpiyansa ang kanilang bagong guro.

Nasa 4th year college na siya pero ngayon pa lamang niya nakita at naencounter ang guro niyang ito. Sa dinami-dami ba naman ng estudyante doon,pati faculty staff ay hindi mo makikilala lahat. Hindi nga niya alam kung bago ba ito sa department nila o matagal na doon. "Ano bang ginagawa mo diyan?Ba't mo tinitingnan si sir nang ganyan?" tanong nito sa kanya habang hila2x siya papunta sa upuan nilang magkatabi."Nastarstruck ka sa bagong teacher natin? Ang gwapo niya diba? At ang kisig pa!" parang malanding ipis na sambit nito.

Automatiko namang napataas ang isang kilay ni Dweynn sabay ikot ng kanyang mga mata."Parang hindi nga niyan maexplain ang isang Article sa Revised Penal Code!"ani Dweynn.

My Handsome ProfessorWhere stories live. Discover now