**Nicole's P.O.V**
Aking malaking pag tataka kung bakit biglang gumaling ang kanyang sugat ng ganon ganon lang?....nais ko sana ito tanungin ngunit may malakas na pag sabog nanaman kaming narinig...at si Dwine ay bigla na lang lumabas mag isa ng kwarto kahit mapanganib..
Sinubukan ko siyang pigilan..kahit hinihigpitan ang aking yakap sa kanya ay patuloy pa rin ang kanyang lakad..malakas siya pumalag kaya wala na akong nagawa kundi pabayaan na lang siya
At sinubukan ko siyang sundan at pumunta siya sa Main Hallway...at pumasok sa magarang pinto na gawa sa ginto...at nakita ko na lang sa bintana na....
Haluh?!?....nandodoon pala si Bryce nakagapos...dugo dugo ang mukha niya at ang mga kamay at braso ay punong puno na ng pasa...
Napukaw ako sa isang babaeng nakaupo sa itaas na parang trono at iba ang kanyang yuniporme ito ay itim na may necktie na blue at may diyamante ito sa mga dulo...at may suot na korona...
At nakita ko si Dwine na hawak hawak ng isang maskuladong tao at bigla na lang bumaba ang malditang iyon at humarap kay Dwine
hinalikan niya ito..At si Dwine ay mas lalong pumalag at ang yuniporme niya ay kunti kunti nang nababago....nagiging itim na din ito...at ang kanyang kwelyo ay may dyamante...at may korona din siya??
Nakakapagtaka na pangyayari..ano kaya ang mangyayari?
At nakita ako ng isang lalaki at unti unti niya akong linapitan ng linapitan
Habang sa napatakbo na lang ako papunta sa aking kwarto..at nakita na wala na ang kanyang gamit doon....at nakakapag taka ay may liham nanaman na naiwan....at binasa ko ito kung hindi ko mamarapatin
*************************
Dear: Ms.Andres
Ang iyong kasama sa kwarto ay napili sa isang pag huhukom ng Korte ng Paaralang Ito...kami ay humihingi ng paumanhin..... pero kung gusto mo ng kasama sa kwarto permahan mo lang ang lathalain na ito....muling nag papaumanhin kami sa pag pili kay Dwine Enriquez.
*************************
Kay laki ng panghihinayang ko kasi sa dinami-dami ng lalaki dito sa Eskwelahang ito siya pa talaga ang napili?...kung may ganon ganon din naman dito sa eskwelahan dito aba'y di nalang pala dapat ako na fall sa kanya..
Pero ang gwapo niya eeeh.....kahit anong gawin ko na pag iwas sa kanya napupukaw parin ako ng kanyang angking ka gwapuhan..
pinirmahan ko na lang iyon at hindi ko na alam kung ano ang sususnod na mangyayari dahil permaham lang daw naman ang gagawin kung gusto ko ng kasama....at mag tatanghali na...pupunta na ako sa pantry ng eskwelahan nito at...kukuha na lang ako ng mga sangkap sa aking iluluto....
kinuha ko ang aking listahan at lumabas na ako ng aking kwarto
Ingredients
· Manok
· Papaya
· Paminta
· Sibuyas
· Luya
· Asin
· Repolyo
· Bawangako ay nagplaplano na mag luto ng tinola..baka dito malimutan ko ang nangyari kanina pero di ko malilimutan si Bryce na nakagapos doon...
At tuluyan na akong pumunta sa pantry...
nabunyag sa akin ang malaking hardin...at malaking selda na gawa sa yelo...
kinuha ko na lahat ng kakailanganin ko..
Habang bumabalik ako sa aking kwarto ay nakita ko na lang namay Guardiya na nag lilibot sa buong eskwelahan at nakita na lang na may dinidikit silang poster sa mga pader....
Habang papalapit ako ng papalapit sa aking kwarto ay binasa ko na ang poster na kanilang dinikit sa pader at ito ang nakalagay
--------------------------------------------------
ANNOUNCEMENT
WHAT: Coronation
WHERE: At the Royal Hall
WHEN: TOMMOROW NIGHT--------------------------------------------------
nag tataka ako baka si Dwine ang kokoronahan bukas ng gabi...tumuloy nalang akong pumunta sa aking kwarto..at itinuloy ang aking lulutuin
*pag katapos mag luto..at kumain
May biglang kumatok sa aking pintuan ko..
ako naman na mabait malamang pinagbuksan ko ng pinto..at nakita ko ang nerdy like na babae sa harap ko at banggit nito"H-Hi! ako nga pala si Kristel Figarido your new roommate..=)
At malugod ko siyang tinanggap sa aking kwarto at sinabi ko sa kanya na doon siya sa kaliwang banda ng kwarto...
may dala din siyang tatlong maleta na katulad sa akin ang laki..tinulungan ko na lang siyang makapag ayos..
tinanong ko siya..kung bagong pasok siya dito..at sagot naman nito ay "Katulad mo rin" =) ....
tinanong ko din siya kung ano ang plano niya sa event mamayang gabi...sinagot nalang niya ako ng "kinakabahan"..at tinanong ko siya kung bakit siya kakabahan
Sagot naman nito na "may naririnig akong usapan na ang campus queen ay si Aira na isang sakim na reyna at makasarili..kung sino man ang mapili niyang hari ay lalasunin niya ang isip nito..at sa lahat ng kaibigan ng napili ay papatayin niya ito sa harap ni Aira"
Kinabahan din ako kasi isa ako sa kaibigan ng napili na si Dwine..
Tanong niya kung bakit daw ako namumutla..
Sagot ko lang sa kanya ay kilala ko na ang napiling hari..at banggit sa kanya na "si Dwine ang aking kaibigan"...at namutla pa ako ng todo habang unti unting tumutula ang luha ko..
At pinunasan ko to bigla....6:30 na pala na wala ako sa oras..at hinanda na ang gamit ko at pati narin ang aking yuniporme at maliligo na ako...at sinabi sa akin ni Kristel ay wag ko daw gaano tagalan sa banyo at susunod rin siyang maligo at nakita ko na handa nadin pala yung gamit niya at ligo na lang ang kulang sa kanya..
Natapos na kaming dalawang maligo...tapos na din mag bihis at handa na kaming pumasok...
At hinawakan ko ang kamay niya upang hinde ako medyo kabahan...
BINABASA MO ANG
Loving You Until The End (Discontinued)
Misteri / Thriller"Dito mapapaliwanag ang Katagang" 💜 "Ugali muna bago Itsura" 💜 Don't let your Heart loose your Objectives 💜 Isang disenteng Babae na ang gusto lang ay matinong mga kaibigan....ngunit nalipat siya sa eskwelahan na nababalot ng mahika at sakim....E...