CHAPTER 1

40 8 1
                                    

Tam's POV

"Wait for it! Wait for i- arghh! What the!"

Kanina pa nag sisisigaw si Lena dahil isang oras na syang talo sa online game na nilalaro nya. Halos pag tinginan na kami ng mga tao sa loob dahil sa nakakairita nyang boses.

Nandito kami ngayon sa comshop malapit sa 7/11 store dito mismo sa kanto ng subdivision namin.

Dahil summer naman ngayon, nag hahanap kami ng malilibangan. Nakakabagot narin sa bahay, puro nalang tongits ginagawa. Since wala na kaming pasok, nagagawa nanaming umalis ng bahay ng walang iniisip na assignments or project.

"Tam, Ice cream tayo please!" Halos isang oras na syang di kumakain tapos ice cream lang gusto nya?

"Lena! Seryoso ka? Hindi ka pa kumakain tapos mag a-ice cream ka? Papatayin mo ba sarili mo? Tara na umuwi na tayo"

Aangal sana sya kaso naunahan ko ng hilahin sya pabalas ng com shop.

Sigh

Dapat talaga may work na kami, kaso hanggang ngayon nag hihintay pa kami ng tawag galing sa agency na sinasabi ng HR.

Hanggang ngayon, tambay parin kami.

Sakto naman na pag labas namin sa com shop. Nakita ko ang pinaka ayaw kong makita sa lahat, si Jeremy.

"Tam, Kamusta kana?" Huh! May gana pa syang mangamusta at mag tanong pag katapos ng ginawa nya sakin. Ang kapal ng mukha!

Kalma lang self! Masasampal mo ulit sya sa tamang panahon.

"Ah! Ito okay lang. Wasak na wasak to ng dahil sayo" Saad ko habang itinuro ko ang puso kong wasak na wasak sa pag ibig. Corny!

Sa hindi inaasahan, biglang bumalik lahat ng sakit na ginawa nya saakin. Mga bagay na gusto ko ng kalimutan pero di ko magawa.

Nag hihintay ako sa labas ng cafe ng tawagan ako ni Jer. Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang excited akong makita sya.

Ilang araw narin kasing hindi sya nag paparamdam. Pero okay lang, atleast ngayon may time na sya saakin.

Ilang minuto at oras akong nag hintay pero, walang jeremy ang dumating.

"Baka nalate lang sya, wait ko pa" Isa sa mga kahinaan ko pag dating sa pag ibig ay ang pagiging MARUPOK.

Ramdam ko ring ilang araw syang hindi nag paparamdam. May hinala na si Lena na nang bababae daw si Jeremy, pero di ako naniniwala.

Ayun? Mang babae? Mahal na mahal kaya ako nun.

Limang oras akong nag hintay simula 3pm to 8PM, pero walang Jeremy na dumating.

Nag decide akong pumunta sa condo nya para icheck kung nanduon sya. Surprise visit kung baga. Since alam ko naman yung passcode ng condo nya pumasok na ako.

Habang papasok ako, maraming ideyang pumapasok sa isip ko.

Tahimik sa loob ng condo nya. Kinakabahan na ako sa totoo lang.

Hindi ko inaasahan na ako pala ang masusurpresa sa nakita ko. Hindi ko na mapigilan pang lumuha sa aking nasaksihan.

Si Jeremy na mag kasamang babae sa kama na naka hubad.

Almost A Love Story [BXB] (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon