Melanie Mendez 👆👆👆
Ako si Melanie Mendez bente uno anyos tawagin nyo na lang akong melai, panganay sa tatlong magkakapatid. Si makoy ang sumunod sa akin kinse anyos at si biboy ang bunso otso anyos. Ang nanay ko ay aling Rosa na labandera sa pinagtatrabahuhan ng aking amang si mang gener bilang isang driver ng pamilyang Reyes. May anak ang mga Reyes tatlo ang anak nilang lalaki,sina John bente tres anyos.,Edward bente uno anyos at Billy sampung taong gulang.
Melai's P. O. V
"Nay kamusta po ang paglalabada ninyo kina Mrs. Reyes gusto ko pong tumulong sa inyo?" Nag aalalang tanung ni melai." Ay naku bata ka maayos lang ako mababait ang mga Reyes sa amin ng tatay mo kaya wag ka na mag-alala. Tugon naman ni aling Rosa ang ina ni Melai. Gusto ko lang po makatulong sa gastusin dito sa bahay, at isa pa po ay dapat na nagpapahinga na po kayo ni tatay dahil may edad na rin po kayo. Salungat naman ni Melai. "Eh san ka naman magtatrabaho aber,?pagtatanong naman ni aling Rosa. "Ako po ang papalit sa inyo magiging katulong po ako ng mga Reyes.May diterminasyong saad ni Melai. "Talaga bang gusto mong magtrabaho sa mga Reyes ha". Paniniguro ni aling Rosa kinakabahan lang siya sa kahihinatnan ng anak na dalaga sa kamay ng mga anak ng amo. Kilala nyang pilyo ang mga ito lalo na ang dalawang matanda. Si John at si Edward. "Opo nay ok lang po sa akin at ok lang po ako wag nyo po ako alalahanin dahil kaya ko po ang sarili ko". Tugon naman ni Melai.
Kahit na tutol ang ina ni Melai ay tumuloy pa rin siya sa bahay ng mga Reyes at namasukan bilang katulong.
"Magandang umaga po Gng. Reyes, ako po si Melanie Mendez tawagin nyo na lang po akong melai anak po ni aling Rosa na inyong labandera mamamasukan po sana ako bilang katulong ninyo? Pagpapakilala ni melai.
"Ako naman si Mrs. Gina Reyes at ito naman ang aking asawang si Mr. Gio Reyes. Ahhh ang ganda mo naman hija para mamasukang katulong". Wika naman ni Gng. Reyes sa dalaga." Ok lang po sa akin kahit na anong trabaho gusto ko po makatulong sa mga magulang ko dahil may edad na rin po sila kaya ako naman po ang magtatrabaho para makapagpahinga naman sila". Pagkukumbinsing wika ni melai sa Gng. "Sobrang sipag mo namang bata at ang bait mo pa swerte ang nga magulang mo at naging anak ka nila. Buweno tutal ay anak ka naman ni aling Rosa gagawin na lang kitang personal maid ng aking panganay na si John masyado siyang maselan sa mga bagay bagay kaya dapat may personsl maid siya ok lang ba iyon sayo or kay Edward masyado kasi siyang careless kung kay Billy naman naku baby ko yun ako lang ang dapat sa mga pangangailangan nya mamili ka na lang sa dalawa kong anak. Naguguluhang wika ng Gng.A/N
Dahil hindi pa makapili ang dalaga ay hinayaan muna siya ng Gng. na magtrabaho sa kusina upang tumulong sa ibang kasambahay. Nakilala nya si aling Mercy na tagapagluto ng pamilya Reyes at dahil kasing edad lang ito ng kanyang ina ay napalagay agad ang loob ng dalaga sa kanya. May isa pang kasambahay ang pamilya at ito ay si jean disi nuwebe anyos na sya kaya parang nakahanap na rin siya ng pamilya sa katauhan ng mga kasama..
****************************************
A/N
Hi guys sana po support nyo ang short story ko newbie here sana po ivote nyo rin. This story is my own creation kung may pagkakatulad man sa story ng iba sorry po pero malikot lng po imagination ko kaya ko ito nagawa...
😊😊😊😊😊😊😊
Your author's own work
BINABASA MO ANG
Unang Halik (short story) On Hold
RomancePaano magiging masaya ang isang probinsyana sa kamay ng isang supladong amo... Unang kita pa lang nya dito ay sinabi na nya.... Ikaw sana ang aking maging UNANG HALIK..... Samahan natin si Melai sa kanyang unang halik.......