CHAPTER TWO

455 24 0
                                    

"Infra tayo later?" aya saakin ni Adri habang inaayos ko ang gamit ko.

"Sure, love. Sila Lena at Cha?" I asked.

"G na agad yung mga 'yon!" wika nito at saka ako hinatak palabas ng room.

"Halika, maghahanap tayo ng gwapo!" sabi niya saakin at umupo kami sa bench. Nag-ayos ako ng kaunti dahil nastress ako sa lesson kanina. Sinuklay ko ang mahabang buhok ko, naglagay ako ng powder sa mukha at kaunting liptint.

"Oh, shit! Aiyana, tingnan mo 'to! Si Theo, shit. Ang gwapo!" napalingon ako sa tinuturo ni Adri. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na mukha.

"Ang gwapo,'no?! Pag iyan naging boyfriend ko, shit talaga!" sigaw ni Adri.

"What? Gwapo yan?" I rolled my eyes.

"Hoy, gaga ka! Aba, napakagwapo. Kung makapagsalita ka parang hindi ka mahilig sa gwapo?!" wika nito saakin.

"Fine, gwapo nga pero gago. No thanks, Adri." wika ko. Binatukan naman ako nito.

"Hoy, close kayo? Feeling ah." irap nito.

"ANO?! SINAKAY KA NIYA SA KOTSE NIYA. PUTANGINA KA, SANA ALL!" napasigaw siya nang nalaman ang nangyari kagabi.

"Ano ba, nakakahiya. Huwag ka ngang sumigaw." bulong ko sakaniya.

"Shit ka, anong feeling? Anong amoy sa loob?! Oh my gosh!" tanong niya, niyugyog pa ang balikat ko.

"Mabango naman..." sagot ko. Kinurot kurot ako ni Adri.

"Mukhang mananalo ako sa deal, Aiyana." kindat niya.

"Kahit si Archer nalang, ah!" tawa nito. Sineryoso niya talaga ang deal kahapon.

"Hoy, Aiyana. Hindi ka na lugi kay Theo ha. Kung makaarte ka r'yan!" she rolled her eyes.

"Uy, tangina mo baka sinadya mo lang talaga sumakay sa kotse ni Theo!" akusa ni Cha saakin nang ikwento ni Adri yung sinabi ko sakaniya kanina. Nagtawanan naman si Lena at Adri.

"Hey, no ah! Akala ko talaga taxi yon e." depensa ko.

"Mukha bang pang taxi ang car ni Theo?" Adri rolled her eyes.

"Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong nagsisinungaling ka lang na napagkamalan mong taxi yung nasakyan mo." tawa ni Lena. I rolled my eyes. Grabe, ano ba 'tong mga kaibigan ko.

"Gaga ka, ang swerte mo. Sana lumandi ka na." pumikit pa si Cha at nag sign of the cross. Pinagdarasal niya daw talaga na magkaboyfriend na ako.

"Asa naman kayo. Theo is not my type." wika ko dahilan para sabunutan nila akong tatlo.

"Kakainin mo yang sinabi mo. Sure ako." Lena winked at me.

Hinayaan ko nalang sila na pagpantasyahan ang love life ko.

Seven o'clock nang magsimula akong mag-ayos. Nagsuot lang ako ng white bralette,black highwaisted jeans at black heels. Kinulot ko ang mabaha kong buhok at naglagay ng light make-up.

Nagpahatid ako sa Infra at hinanap ang table namin.

"Hi, Aiyana!" bati saakin ni Lena nang makaupo ako.

"Sayang outfit mo kung hindi ka lalandi ngayon." ngisi saakin ni Cha. Tinawanan ko lang siya.

"Lasingin natin si Aiyana." rinig kong bulong ni Cha kay Lena. Nagpanggap akong hindi ko narinig. Baliw talaga sila.

Napapansin ko na balak talaga nila ako lasingin dahil kanina pa sila bigay nang bigay ng shot saakin. Hinayaan ko nalang sila at sinakyan ang trip nila.

Nakakaramdam na ako ng hilo kaya nagpaalam akong mag ccr muna.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Gosh, I'm so wasted." I whispered. Inayos ko ang buhok ko. Naglagay ako ng lipstick at powder atsaka ako bumalik sa table namin.

"Hoy, Aiyana. Sinong susundo saiyo? Driver niyo?" tanong ni Adri.

"I don't know..."bulong ko, hindi na rin ako makasagot nang maayos dahil sa hilo.

"Sis, bagsak na 'to." wika ni Lena.

Umayos ako ng pagkakaupo.

"Girls, ayos pa ko!" wika ko. Ngumisi ako sakanila at tumayo.

"Hoy saan ka pupunta?!" tanong ni Cha. Kinindatan ko lang sila.

Ewan ko kung ano ang pumasok sa sistema ko, pumunta ako sa dancefloor at sinabayan ang musika. Hindi naman ako ganito dati, ganito pala ang epekto ng alak.

Habang nagsasayaw ay may humawak sa bewang ko. Nakita ko ang isang morenong lalaki. Napangiti ako.

"Hi!" I smiled.

"Hey, pretty." hawak hawak niya pa rin ang bewang ko at masaya kaming sumasabay sa musika. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa ingay kaya tumatango nalang ako.

Ramdam ko ang labi niya sa leeg ko. Napatawa ako nang makaramdam ng kiliti roon.

"Hey.." tawa ko.

Ilang saglit pa ay ramdam ko na ang labi niya sa labi ko. Sinabayan ko lang siya sa ginagawa niya. Hindi ko na alam ang ginagawa ko.

"You want to go to my place?" he whispered.

"I think that's not a good idea." I laughed. I tried to push him pero hindi siya natinag.

"Babe, I'm not going to harm you." he whispered while touching my back.

Magsasalita pa sana ako nang may biglang kamay ang humatak sa braso ko.

"Hey!" I shouted.

"Who are you?!" I asked but he stayed silent.

Dinala niya ako sa kotse. Pumikit naman ako dahil nakaramdam na ako ng antok.

"You're wasted." he whispered.

"Who are you ba?" I asked. Nakapikit parin ako dahil wala akong gana na dumilat at tingnan ang mukha niya.

"Tss... I'm Theo." he said kaya bigla akong napadilat!

"Fucking asshole, ikaw pala." wika ko sakaniya at kumindat. He rolled his eyes.

"Iuuwi na kita." wika nito.

"Thank youuu!" I said and I close my eyes.

"Hey." naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko kaya napadilat ako.

"Oh, I'm here na pala samin. Thank you, Theo!" ayan sinabi ko na ang pangalan niya dahil naging mabait naman siya saakin ngayong gabi.

"Nakakadalawa ka na." wika niya kaya napalingon ako sakaniya.

"What?" I asked. Pinagsasasabi nito?

"Dalawa na utang mo saakin."

"Hello? Bakit sinali mo to, ikaw kaya ang nagkusa." inirapan ko siya.

"Kasali 'to at wala ka nang
magagawa." he rolled his eyes too!

Bumaba na ako at malakas na isarado ang pinto ng kotse niya.

"Ang panget mo!" sigaw ko nang paandarin niya na paalis ang kotse niya.



_______________________

Against The Wild Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon