Copyright©
ALL RIGHTS RESERVED.No part of this story may reproduced,distributed or transmitted in any form or by any means,including photocopying,recording, or other electronic or mechanical methods,without the prior written permission of the author.
Plagiarism is a crime.
This is work of fiction. Names,characters,businesses,places,events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner . Any resemblance to actual persons ,living or dead ,or actual events is purely coincidental.
________
Napatitig ako sa bill board na nasa harapan ko. Nakatingala ako dito habang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha. Mahigit isang taon na din ang lumipas simula ng mangyari ang aksidenteng iyon. Kamusta ka na? Masaya ka na ba? Mapait akong napangiti. Kung nagawa mo sana akong paniwalaan noon eh di sana hindi ako naghihirap ngayon. Yung kailangan kong magtago sa karamihan para 'wag lang mahusgahan. Na pati pamilya ko ay iniwan ko para hindi lang sila madamay sa problema ko. Masakit man pero kailangan kong magtiis at magsakripisyo.
Pinahiran ko ang luhang tumulo sa aking pisngi at napagpasyahan na umalis na lang sa lugar na iyon. Kung patuloy kung titingnan ang mga larawan niya na nakapaskil sa iba't ibang lugar ay mas lalo lang ako masasaktan kaya ngayon pa lang kakalimutan ko na siya. Tanga lang dahil ngayon ko pa lang ito gagawin.
Pagdating ko sa condo na inuupahan ko ay nanghihina akong napasalampak sa sahig. Umiyak ako hanggang sa naging hagulhol ito. Tama, ito na ang huling beses na iiyak ako sa iisang lalaki at bukas . . . pagbabayarin ko ang sumira ng buhay ko.
Angeline Razor
"SINO KA?" Dahan-dahan akong humarap kay Angeline ng marinig ko ang boses nito. Kadadarating lang niya galing sa date nila ni Paul. Nginisian ko ito at dahan-dahan kong inangat ang baril na hawak ko. Itinapat ko ito sa kaniya dahilan para mamutla siya.
"Kamusta ka na Angeline? Hindi mo ba ako nakikilala?" Mapanganib na tanong ko at di pa rin gumagalaw sa kinatatayuan ko. Malaya niyang nakikita ang mukha ko kaya kung magsumbong man siya sa mga pulis ay agad niyang madedescribe kung sino ang nagtangkang patayin siya. Ang tanong, kung mabubuhay pa siya oras na kalabitin ko ang gantilyo ng baril na hawak ko.
Saglit itong napaisip sa tanong ko at pagkakuwan ay nanglaki ang dalawa nitong mga mata. Bumaha ang takot sa mga mata nito habang umiiling-iling. Mukhang alam na niya kung sino ako.
"H-Hindi. Hindi ikaw si Yensa."
"Ako 'to Angeline. Ang babaing sinira mo ang pagkatao sa harap ni Paul. Ang babaing pumatay daw sa pinakamamahal niyang ina na kung tutuusin hindi naman talaga ako ang pumatay. At alam mo kung sino. Hindi ba ikaw 'yon Angeline? Pinasabog mo pa ang sinasakyan kong kotse para maitago ang katotohanan, " Saad ko. "Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nabago ko ang dating pangit na mukha ko." Pagpapatuloy ko pa.
Hindi siya nakaimik sa mga sinabi ko. Naging malikot ang mga mata niya. I think ngayon lang siya na off-guard kaya parang tanga siyang naghahanap ng pwede niyang ipanglaban sa akin. Mas lalo akong napangisi nang wala siyang mahanap. Humakbang ako palapit sa kaniya. Ayaw ko mang gawin ito sa kaniya pero wala akong magawa lalo na't nangingibabaw sa akin ang galit at poot. Pero napatigil ako nang magsalita ito. Humigpit ang pagkakahawak ko sa baril.
"Kahit kailan hindi ka mamahalin ni Spade. Sabihin mo man sa kaniya ang katotohanan na hindi ikaw ang pumatay sa Mama niya at ako ang gumawa no'n, hindi ka pa rin niya pakikinggan. Nakatatak na sa isip niya na ikaw ang pumatay at wala nang iba.Hindi-hindi ka niya mamapatawad lalo na ngayon na papatayin mo ang fiancee niya tiyak madadagdagan kasalanan mo.Hahaha!" Aniya na sinabay pa ng nakakainsultong tawa. Akala niya maapektuhan ako s mga sinasabi niya? Dyan siya nagkakamali.
"Bakit sa tingin mo minahal ko din siya? Hindi ko siya minahal, gaya mo ginamit ko din siya kaya ayos lang sa akin kung mas lalo siyang magalit sa akin. Wala akong pakialam bastang ang mahalaga sa akin ay ang mamatay ka kaya ito na ang katapusan mo soon-to-be Mrs. Dalton!" Ipapaputok ko na sana ang baril ko sa kaniya ng biglang nabasag ang glass window sa may bandang kinaroroonan ko. Napatili si Angeline sa sobrang gulat at takot. Ako naman hindi agad nakatalima pero mabilis din nakatago sa may dingding. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Napaka! Napatay ko na sana ang babaing iyon kung wala lang panira! Sino ba kasi---naputol ang pag-iisip ko ng may naramdaman akong baril na nakatutok sa may leeg ko. Pag-angat ko ng mukha, sumalubong sa akin ang mga mata niyang kulay abo. Hindi ko alam biglang tumambol ng malakas ang puso ko kahit natatakpan ng facemask ang kalahating mukha niya alam ko na kung sino siya.
Axile Paul Dalton A. K. A. Spade.
Diniinan nito ang baril sa may leeg ko bago tumingin sa kinaroroonan ni Angeline na ngayon ay pinapaligiran na ng tatlong lalaki.
"Kayo na bahala sa kaniya. Kailangan niyang managot sa batas. " Madiin na saad niya sa tatlong lalaki na mabilis namang tumango. Kahit nahihirapan ako sa kinakalagyan ko pinagmasdan ko si Angeline kung paano siya tangayin ng tatlong lalaki. Nagpupumiglas siya at nagsisigaw. Nagbabanta pa nga siya na mananagot ang mga ito sa fiancee niya na ikinailing at ikinatawa naman ng mga ito.
Nang mawala ito sa paningin namin binaba ng lalaking nasa tabi ko ang baril na nakatutok sa akin saka hinagis iyon kung saan. Padaskol nitong inagaw ang baril na hawak ko bago ako nito diniin sa pader. Nahihirapan ako dahil ramdam ko ang panganib na nagmumula sa kaniya. Napapikit ako ng mas lalo nitong nilapit ang mukha sa akin.
"Open your eyes, Belle. I know you know me. " Puno ng awtoridad na utos nito.
Napasinghap ako ng maramdam ko ang isang kamay nito na pumulupot sa beywang ko. Napamulat ako ng wala sa oras at nakita kong dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na facemask. Nabibitin ang hininga ko dahil sa intensidad ng paraan ng pagtitig niya. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi ko gamit ang isa pa niyang kamay. Gusto kong maiyak dahil nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal, lungkot, at pag-aalala.
"Kaya pala hindi kita nahahanap...dahil wala na ang dating Yensa na nakilala ko. Ibang Belle na," Saad niya saka sinipat ang buong mukha ko.
"Ang ganda mo na," Pagpapatuloy niya pa.
"P-Paul," Nauutal na sambit ko sa pangalan niya at ilang sandali may tumulong luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang puno ng pagod na mukha niya pero napakagwapo pa rin. Akala ko matapos kong magdesisyon na kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya ay wala na akong mararamdam sa oras na muli kaming magkaharap. Nagkamali ako ,dahil habang nararamdaman ko ang masuyo niyang paghaplos sa akin ngayon bumabalik sa aking isipan ang mga dahilan kung bakit ko siya minahal.
"Shhss. Kahit iba na ang mukha mo ngayon ay mamahalin pa rin kita kaya 'wag kang mag-aalala. Hindi ka na magtatago. Wala nang mananakit sa'yo. But please... Pakasalan mo lang ako." Aniya sa nagmamakaawang tinig hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya. Hinawakan ko ang mukha niya.
"Mahal kita Paul at handa akong magpakasal sa'yo," Puno ng emosyon na sabi ko dahilan para matigilan siya. Napatitig ito sa akin at pagkakuwan ay mabilis ako nitong hinagkan sa mga labi. Marahan at puno ng pagmamahal ang bawat paghalik niya sa akin. Nang maubosan kami ng hangin ay doon lang kami ng naghiwalay.
"Bukas na ang kasal natin." Aniya dahilan para mapaawang ang mga labi ko.
--------------
Anumang hitsura mo kung tunay ang pag-ibig tiyak na malalasap niyo ang tunay na kaligayahan. Hindi mukha ang minamahal kundi ang pagkatao. At mahalaga sa isang relasyon ang pakikinig at pag-uunawa.
©©©©©©©
Kung nagustuhan niyo ang bawat parte ng ROSAS na 'to ay maaari kayong mag-vote o mag-comment. Maraming salamat!
floomacille

BINABASA MO ANG
R O S A S (One-shot Story Compilation)
RomansaWhen we say I Love You, we meant it. Because we are the ROSAS. __________ This is my one-shot stories compilation. Ito ang mga kwentong hindi ko nagawang maging nobela kaya pinili ko na lang na kunin ang pinakamain scene. I hope you will like it.