Troso

6.6K 51 14
                                    


A/N: Reposted story ito. Very light lang, no conflicts or heavy plots, iyong tipong joke-joke lang, trip-trip at puro kagagahan lang tapos putukan here and there lang ganern.

Dedicated ito sa lahat ng mga single at virgins, kaway-kaway mga kababayan ko!


TROSO

"ISASALI nyo si Bona?! Ano sya, bayaran?!" Napangiwi ako ng sinigawan ako ni sir Daniel.

Ito iyong kapatid ni Astrid. Gwapo, medyo fuckboy ang datingan, at sinisigawan ako ng mga sandaling iyon.

Hindi ko maintindihan. Ang pagkakaalam ko, wala dapat si Daniel sa event. Ako mismo ang nag-abot ng invitation sa kanya. Sabi nya hindi raw sya makakarating. May dadaluhan raw syang science convention. Hindi nga ako makapaniwala na nagmula iyon sa bibig mismo ni Daniel na walang ibang ginawa sa buhay kundi ang maging driver at yayo ng mga pamangkin nito. Pero nagulat na lang ako't nandito ito ngayon at heto nga at sinisigawan ako.

"Ay naku, sir Dan, hindi naman po sa ganon--" hindi ko man lang natapos ang sinasabi ko, nakasigaw na naman sya ulit.

"Anong hindi?! Tangina ha! Walang sinuman ang pwedeng--"

Napahinga nalang ako. I wanted to explain na si Astrid mismo ang naglagay doon sa pangalan ni miss Yvonne "Bona" Narciso, iyong magandang scientist na sikat na sikat ngayon at laman ng kabi-kabilang balita. Tsaka, I don't get it. Hindi naman nakakagulat na may kakilala si Astrid na isang tanyag na babae tulad ni Bona kasi grabe naman ang connections ng mga Alliarde, pero hindi ako na-inform na mukhang close na close din pala si Daniel dito. Ngayon ko lang nalaman na may isang tulad ni Bona Narciso pala na kaibigan si Daniel. They seemed too close, too, kasi umabot na nga sa punto na pinapagalitan na ako ni Daniel na usually ay sobrang cool lang sa mga bagay-bagay. Napaka-possessive naman nyang kaibigan kung ganun.

Sa totoo lang, I was still thinking about JK nung makita ko sya bigla kanina at biglang nakalimutan ko si JK kasi gusto ko agad na mag-fangirl. Grabe, nung makita ko sya, gusto ko agad iwagayway ang bandila ng Pilipinas.

I can't help but be in awe of her. Super-ganda ng babae sa personal. She's very petite, mukha syang half-chinese at half-puti, mestisahin talaga at sobrang parang barbie. She even dress like barbie.

Sa pagkakaalam ko, scientist din ang rumored boyfriend nya, si Wren Mittenaere. I've seen a couple of articles about the guy even before I knew of miss Bona, and I must say, kung totoo man ang balita, isa silang power couple. Siguro kung magkakaanak sila, it would be the next Einstein or something.

"Oy, ano ka ba? Ang strong mo naman! 'Wag highblood, mang Kanor!" Natawa ako kasi kilala ni miss Bona di mang Kanor. Miss Bona tapped his shoulder jokingly to lighten the situation at iyong galit na galit na si Daniel ay biglang huminahon.

Doon na kumunot ang noo ko nang maaninag ko ang kung ano sa mga mata ni Daniel. Biglang pumungay iyon. His eyes seemed to mirror longing, regret, pain, protectiveness... Oh my.

Bigla kong natutop ang bibig ko. Mukha kasing may hidden desire itong kapatid ni Astrid kay miss Bona.

Nangingiti akong pasimpleng umalis muna. Babalikan ko na lang si miss Bona sa ilang saglit. I guess they are about to talk with something private and I don't wanna meddle with that kasi privacy nila iyon.

My Baby's Daddy | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon