KinabayoSINUSUNDAN na naman ako ng lalaking iyon, si Agent X44. Masaya akong kumakain ng isaw sa may kanto nang mamataan ko syang sunod ng sunod sa akin. Buong maghapon nya talaga akong sinusundan. Hindi man lang sya napapagod.
Nilapitan ko sya ng hindi ko na matiis na hayaan na lang sya. Sinalubong ng lalaki ang tingin ko.
"Hindi ka pa rin ba susuko?" Sabi ko sa kanya at umiling lang ito at hindi na nagsalita pa.
Napabuntong-hininga ako at inabot sa kanya iyong dalawang piraso ng isaw na bitbit ko.
"Ayoko na dyan. Kainin mo kung hindi isusumbong kita. Ibili mo na lang din ako ng mineral dyan. Yung Wilkins ha," utos ko sa kanya at inabutan sya ng pera kaso ay hindi nito tinanggap ang pera pero pumayag naman syang bumili ng tubig. Yun nga lang, kahit na tumatawid na sya sa kalye ay nasa akin pa rin ang tingin nya.
Napanguso na lang ako at pinuntahan ang stall ni Mang Karding. Tumusok ako ng limang piraso ng fishballs at pagkatapos kong lagyan iyon ng sauce ay nilantakan ko agad iyon. Mabilis kong naubos iyon. Ang takaw ko naman na kasi. Dumagdag ako ng may sampung piraso pa at kumain ng kumain.
Ilang sandali pa, bumalik na ang lalaki bitbit ang Wilkins na hinihingi ko. Nagpasalamat lang ako at nagpabalot ng limang piraso ng tokneneng. Si X44 na rin ang nagdala niyon at sya na mismo ang nagbayad.
Naglakad ako patungo sa bahay at nakita ko na may nag-aabang na namang lalaki sa maliit kong gate. Si James Bond. Napabuntong-hininga ako. Andami na naman ng dalang groceries nito na parang halos isang buong barangay ang pakakainin ko.
"Sir." Napalingon ako kay X44 na may dala ng tokneneng ko. X44 ang tawag ko sa kanya kasi magkahawig sila ni Vhong Navarro. May kausap ito sa telepono. Kilala ko kung sino iyon.
"Pakausap dyan sa amo mo," sabi ko pero umiling lang sya. Gusto ko nang mag-ala Hulk sa bwisit pero bago pa ako magtransform ay hinablot ko na lang ang tokneneng ko at pumasok na lang ako sa bahay.
Bwisit na Wren na iyon, ayaw akong kausapin. Gusto ko lang namang ipaalam sa kanya na bwisit na bwisit na ako sa mga bantay kong mga goons. Hindi naman ako kriminal pero kung makabantay sila sa akin parang maligat lang sila saglit ay makakagawa na ako ng karumal-dumal na krimen.
Iniwan nya nga ako, nag-iwan naman sya ng mga alagad nyang nakakabwisit. Pero in all fairness, kahit ganoon ay medyo okay naman kasi nakakatipid ako sa pagkain ko. Ultimo pagbili ko lang nga ng isaw, libre pa.
In-on ko ang tv kong bago habang ipinapasok nila James Bond ang mga groceries. Gusto ko sanang magdabog kasi nabubwisit ako sa laki ng tv ko. Smart TV pa iyon na curved kaya halos magkanda-duling na ako kasi napakaliit lang ng sala ko tapos iyong tv ko ganoon kalaki. Kaso nga lang, hindi na ako nagreklamo pa. The last time na nagreklamo ako, nagkaroon lang naman ako ng bagong-bagong bathtub sa banyo. Ayoko na ulit na mangyari 'yon.
Nanood ako ng Discovery Channel. Naka-feature doon ang mga inventions ni Wren Mittenaere. Tapos ilang sandali pa ay nakita ko doon ang gwapong mukha nya. Mabilis kong in-off ang tv.
Naduling ako bigla, tangina.
Hinayaan ko na lang si James Bond na magluto at pumunta na ako kwarto ko para magsnack ulit. Bukod sa pagbabantay sa akin 24/7 ni James Bond ay may talent din ito sa pagluluto. Hindi din naman ako hinahayaan nitong makialam pa sa kusina at dahil hiyang-hiya naman ako sa sarap at sosyal nitong magluto ay hinahayaan ko na lang ito.
Sa loob ng kwarto ko kinain iyong tokneneng ko. Hinatiran pa ako ng plato at bowl ni X44 para makakain ako ng maigi kahit hindi ko sya inutusan. Kakaiba.
BINABASA MO ANG
My Baby's Daddy | R-18
RomanceKung lumandi, siguraduhing may proteksyon. (Reposted from Bedtime Stories)