Wiggle Wiggle

3.6K 45 1
                                    

Warning: the scenes ahead are slightly graphic and the words are kind of vulgar. Enjoy reading!

Wiggle Wiggle


ILANG ARAW na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang auction pero sadyang hanggang ngayon ay hinahabol-habol pa rin ako ng magandang-- este, ng bangungunot na iyon.

Gaya nalang ngayon. Humahangos at ang bilis ng puso ko nang mapabangon ako. I was gasping my heart. Nawalan ako ng hangin. At naramdaman ko na may parang malagkit sa gitnang bahagi ng mga hita ko.

"Punyemas." Napahiga ako muli. Napakadilim pa sa labas kaya dapat ay pagod pa ang diwa ko, pero ni hindi ko na mapilit ang sarili kong mapaidlip kasi parating lumalabas sa balintataw ko iyong ginintuang troso ni Wren Mittenaere.

I willed myself to sleep. Gusto ko na kasing matulog talaga, kaso nga lang, sa tuwing napapapikit ako--

"Naman!" Tumayo na lang ako at nag-jogging sa loob ng kwarto ko. I ran around like a madman. Nag-push up din ako pero mahirap kaya nag-sumo squats nalang ako hanggang sa mapagod.

Hingal na hingal ako pagkatapos kong mag-exercise, pero, no effect pa rin. Kahit saan ako lumingon, nandoon ang sandata ni Wren Mittenaere.

Kahit na nuong tumingin ako sa lampshade, naghugis troso ang stand, dagdag pang kulay gold ang kulay niyon.

Gusto ko nang mapasigaw sa frustration. Bwisit, kung kailan pa ako nag-trienta ay tsaka lang ako nagkaroon ng ganito kalalang sexual frustrations. At sa lahat pa ba naman ng lalaking maari akong ma-attract, doon pa sa higante. Wasak kung wasak isipin man lang ang kawit ng lalaking 'yun.

Habang nakahiga at nag-iisip, hindi ko namalayang unti-unting lumiliwanag na pala. I rolled my eyes. Great. I just spent hours thinking about that gigantic golden trunk of Wren Mittenaere.

Bumangon na lang ako at nagtungo sa bathroom.

I need a very cold shower.

"ANO namang gagawin natin sa La Lua?"

"Basta!"

Napailing na lang ako at nagdrive na. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote nitong si Angela at bigla-bigla na lang nagyaya na pumunta kami sa La Lua. Hindi ko nga rin alam kung paano nya ako napasunod kasi kung tutuusin ay hindi naman kami magkaedad, iba-iba ang priorities namin sa buhay, hindi kami gaanong close, sadyang napakakulit lang talaga nitong batang ito kaya naman nakita ko na lang ang sarili kong umu-oo para naman matigil na itong bunganga nito.

Napakalayo ng La Lua. Mabuti naman at kahit papaano ay may hiya itong si Angela at ito na ang nagpa-gas. Nag-drive through din kami sa Jollibee at umorder ako ng dalawang bucket ng friend chicken. Napanganga nga si Angela pero ginusto nya 'yan, matuto syang magtiis.

Pagkatapos ng dalawa at kalahating oras, sa wakas ay nakarating na rin kami sa resort na pag-aari nila JK.

Kahit ilang beses na akong nakapunta dito ay nalulula pa rin ako sa ganda ng lugar. Para kasi syang hidden paradise na tinayuan lang ng isang ala-mansion na hotel, at maraming mga facilities. Dahil medyo pribado ang isla, iba din ang vibe ng lugar. Dahil high-end resort ito, konti lang ang nakaka-afford ditong mga locals. Iyon talagang mga mayayaman at willing magwaldas ng pera, tsaka mostly ay foreigners lang ang mga guests nila dito.

My Baby's Daddy | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon