69

85 9 2
                                    

Jungmo's POV

Nandito kami ngayon sa living room ng dorm namin. Nagulat kaming lahat nung bumaba si minhee.


"Tangina mo!" sigaw niya at sinuntok ako.


"Hoy ano bang problema mo!?" tanong ko sakanya. Tangina bat ako sinusugod nito!


"Putangina mo at nung babae mo jungmo! Masaya ka na ba? At nasaktan mo si Hera!??" gigil na gigil na sabi niya sa akin. Nagulat naman tong mga kasama ko.


"Ano bang pakialam mo minhee?! Ahh. Sinabi nanaman sayo ni Hera!? Tangina!! Magsama kayo!" sigaw ko sakanya. Susugurin na sana niya ako pero hinawakan siya nina serim hyung at wonjin. Si allen at woobin naman ang nakahawak sa akin.


"Tangina mo! Hanggang ngayon issue pa ba yan sayo!? Tangina kaibigan nating lahat si hera!!" sigaw niya sa akin.


"Wala akong paki! Ikaw lang naman kasi ang importante sakanya!!" sigaw ko pabalik.


"Aba putangina mo talaga jungmo! Simula nung naging kayo, hindi na kami nag uusap!! Kasi alam ko yang pagkachildish mo! Palagi nalang sarili mo yang inuuna mo! HINDI MO INIINTINDI SI HERA!" sigaw niya sa akin. Galit na galit.


"Minhee, tama na." pagtitigil sakanya ni serim hyung. Pero nakatingin parin siya ng masama sa akin.

"Hindi mo ba alam na si Yna ang nagsabi lahat sa akin!? Tangina Jungmo, nasaan ka raw palagi?! Nung mga panahong nasasaktan si hera, nasaan ka?! IKAW YUNG BOYFRIEND NIYA JUNGMO, PERO TRINATO MO LANG SIYANG WALA SIMULA NUNG SINAGOT KA NIYA!!" sigaw ni minhee. Napatahimik ako. Napagtanto ko ang lahat.

Ganun na ba talaga ako kasama?

lost • jungmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon