Jungmo's POV
"Woaahhh! Namiss ko tooo!" masayang sabi ni hera at pumunta malapit sa dagat.
"Ganda diba?" sabi ko at tinignan ang dagat. "Pero mas maganda ka." pagpapatuloy ko.
"Sus. Bola pa more" sabi lang niya.
"De, totoo talaga yun." sabi ko.
"Jungmo, hindi ko inexpect na magiging ganito tayo ngayon." sambit niya habang nakatingin sa akin.
"Hera, makinig ka sa akin, okay?" sabi ko sakanya at umupo na muna kami sa buhangin.
"Isang taong dati ay hiling ko lang na maging akin. Siya yung taong nagparamdam sa akin ng lahat ng emosyon. Pero ang pinakagusto ko? Ginawa niyang masaya ang buhay ko." sabi ko. Nakikinig lang siya.
"Hindi nagtagal, naging kami pagkatapos niyang umalis. Tapos ako, naghanap ng iba para maramdaman na nasa tabi ko ang gusto ko. Sa mga panahong iyon, naging makasarili ako. Hindi ko inisip ang mga pwedeng mangyari. Hindi ko inisip ang magiging epekto nito sa aming relasyon. Hindi ko inisip yung taong nararamdaman nung taong pinakanagmamahal sa akin. Naging tanga ako." deretsong sabi ko. Hinawakan ko naman siya sa balikat.
"Pero habang may kasama akong iba, siya parin. Siya parin yung hinahanap ng puso ko. Siya lang yung nakapagbigay ng saya sa buong buhay ko. Ngayon, sa ikalawang pagkakataon, nandito na siya sa tabi ko." sambit ko. napasandal naman siya sa balikat ko.
"Salamat dahil hindi ka sumuko, hera." sabi ko sakanya.
"Jungmo, kahit anong sakit ang natanggap ko sayo, deretsahan man o hindi, hindi ko parin maitatanggi na mahal na mahal parin kita. Tanga na kung sabihin nila, pero wala akong pakialam." sabi niya sa akin.
"Jungmo, kung totoo na to, please lang. Huwag mo na sana akong saktan. Sana tuparin mo lahat ng mga pangako mo kasama ako." pagpapatuloy niya.
Wala na akong hihilingin pa. Hinding hindi ko na siya papakawalan pa.
"Maglakad lakad muna tayo?" pag aaya niya.
Habang naglalakad kami sa gilid ng dagat, hinawakan ko yung kamay niya. Hinawakan ko ng mahigpit.
"Si dexter?" biglang naalala ko.
"Kaibigan ko yun. Ginawa kong parang boyfriend ko. Pero nakafocus ka masyado kay amber." sabi niya.
"Kala ko pa naman kung ano. Nagselos pa ko dun" sabi ko pero hininaan ko para di niya marinig.
"Ha? selos?" tanong niya.
"Wala."
"Jungmo, siguro kung hindi ako bumalik-" pinutol ko na ang mga sinasabi niya.
"Hera. Dati na yun. Nandito na tayo ngayon oh. Masaya. Wwalang pumipigil sa atin. Nandito ka sa tabi ko, nandito ako sa tabi mo." sambit ko.
"Oo na." sabi niya lang.
"Hera, kung hihilingin ako sayo ngayon ng second chance, pwede pa ba?" tanong ko sakanya.
"Hmmm????" pagiisip niya. Teka nga?
"So you're doubting huh?" sabi ko at ngumisi.
"Sus. Oa. Joke lang eh. Shempre oo." sabi niya at ngumiti.
"Kung liligawan kita ngayon, pwede ba?" deretsong sabi ko sakanya.
"Hmmm, pwede naman." sabi niya.
"Ay sige. Nagtatanong lang." sambit ko.
"Bwisit. Napakapaasa mo talaga!" sabi niya at binitawan ang kamay ko. Napakapikon naman nito hahaha.
"Biro lang naman eh. Shempre liligawan kita." sabi ko at kinuha ulit yung kamay niya.
"Alam mo ba, may sinabi sakin si minhee." sabi niya. Parang alam ko na to ah.
"Oo na. Ako na yung nasuntok." pagaamin ko.
"Bat di mo sinuntok?" tanong niya
"Sus. Bat naman susuntukin ko?" sabi ko sakanya. "Kaibigan ko yun tsaka alam ko naman na kasalanan ko eh." pagpapatuloy ko.
"Hay nako. Kung sana di mo ako sinaktan noon, tayo parin hanggang ngayon." sambit nanaman ulit niya.
"Hera. Kung hindi nangyari iyon, wala tayo dito. Tsaka pinagsisihan ko naman na eh." sabi ko sakanya.
"Hera, tutal nandito na tayo. Hindi ko na papatagalin." sabi ko at huminto kami kakalakad.
"Inaamin ko, nagkamali ako. Inaamin ko, nasaktan ko ang puso mo. Iniwan kitang walang dahilan. Sumama ako sa iba na hindi man lang ako nagpaalam." pakantang sabi ko.
"Nanghihinayang? HAHAHA." tawa niya.
"Shhh. itutuloy ko na." sabi ko.
"Nabalitaan kong lagi ka raw tulala. Dinibdib mo aking pagkawala. Lagi ka raw umiiyak, lagi mo raw akong hinahanap. Di ka parin nagbabago, mahal mo parin ako." pagpapatuloy ko.
"Ganda naman ng boses mo." sabi niya.
"Nanghihinayang ang puso ko. Sa piling ko ay lumuha ka lang. Nasaktan lamang kita. Sana hindi nalang kita iniwan. Iniwan kitang nagiisa at nagdurusa." sabi ko. ginaya ko na lahat ng lyrics. Hahaha
"Hera, I've lost you once. I won't let that happen again." as I've said those words, I can't stop looking at her. Those eyes.
"Hera, will you be my girlfriend, again?" sambit ko sakanya.
"I will, Jungmo. I will be your girlfriend." sagit niya sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan. Nagpapasalamat.
"I love you. Very very much, my hera."
"I love you forever, my mogu."
Dear ssz,
Ngayong nasa akin na ang taong pinakamamahal ko. Hinding hindi ko na uulitin ang nakaraan. Hinding hindi ko na sasayangin ang mga oras na magkasama kami. Mahal na mahal ko si hera. Mahal na mahal.
- mogu
THE END
BINABASA MO ANG
lost • jungmo
Fanfiction- in which jungmo lost someone he cared and lost his opportunity to tell his feelings towards the woman he loves the most. Will his efforts be appreciated or understood? Will he wait for her to come back? Or he will give up? An epistolary and narrat...