CHAPTER ONE

38 1 0
                                    

Hindi ko na alam kung ilang beses ko tinignan ang sarili ko sa salamin bago umalis ng salon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko na alam kung ilang beses ko tinignan ang sarili ko sa salamin bago umalis ng salon. Nagbabago pala ang itsura ng tao kapag naaayusan ng tama at nadamitan ng mamahalin. Habang sakay ng limousine, kanina pa malakas ang kaba sa aking dibdib, bumabaliktad din ang sikmura ko sa excitement at nerbyos.

Until now hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko na si Ken! Sa dinami-dami ng kanyang fans ay ako lang naman ang pinalad na manalo sa pa-Valentine's contest ng management niya: A Romantic Date Night with Ken.

I've seen him perform many times dahil isa akong dakilang fangirl. Hanggang kayang puntahan ang mga events ay pinupuntahan. But this is the first time na makaka-interact ko siya.

Lalong napabilis ang kabog ng aking dibdib ng masilayan ko na ang loob ng restaurant. Naturally, romantic and very intimate ang set-up nito, rose petals and candles everywhere. Meron din very sweet na instrumental background music. Except ang daming tao at cameras sa paligid.

Napatigil ako sa aking pag-hinga ng masilayan ko si Ken. Napaka-gwapo niya talaga, lalo na ng ngumiti siya while greeting everyone. Parang slow motion ang pagdating niya sa harapan ko. Hindi ko namalayan na inaabot na pala niya ang bouquet of flowers sa akin.

Hi, I'm Ken.

Oh my gulay, nalulunod ako sa lalim ng boses niya. Bigla akong nautal, ayaw gumana ng utak ko. Narinig ko na lang na tinanong niya ang kanyang assistant kung ano ang pangalan ko.

"It's so nice to meet you. Okay ka lang," tanong ni Ken.

Nagulat ako sa tanong niya. Syempre hindi ako okay.

"I'm so sorry. Yes, I think okay na ako."

Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko, narinig ko din bumungisngis ang ibang tao sa paligid namin. Binulungan niya ako na recording na daw.

Kalma ka lang. Let's just enjoy tonight. Okay," bulong ni Ken

Sagipin sana ako, lunod na lunod na ko. Ngunit tanging tango lang ang nakayanan kong isagot sa kanya.

The night is like a blur. Parang ang bilis lahat ng nangyayari. Most of the time ay puro ngiti or tango lang ata ang sagot ko sa mga tanong or sinasabi niya. Hindi ko na din nalasahan ang pagkain. Ang hirap naman kasi nakakatunaw ang mga titig niya. Iniabot niya ang aking kamay at hinalikan ito. Nakaramdam ako ng kuryente sa aking buong katawan, kumawala na ata ang aking kaluluwa. If this is what it fees like on Cloud 9, then I want to stay here forever.

Hanggang nakarinig na lang ako ng "Cut" at lumapit sa amin ang director.

Tapos na? You got what you need," baling ni Ken sa director

Tanging tango lang ang sagot ng director kanya at binati niya ito for a job well done. Pinasalamatan din ako ng director.

Binalingan ko si Ken upang ipaalam kung gaano ako kasaya sa araw na ito. Ngunit bigla siyang tumayo at nagyaya ng umuwi sa kanyang assistant.

Tila gumuho ang aking mundo. Nanikip ang aking dibdib sa sobrang sakit ng aking naramdaman. Parang may kumuha ng aking puso at dinurog ito sa aking harapan. Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi sa hiyang dulot ng ginawa niya ngunit ng tumingin ako sa paligid halos lahat ay busy sa kanya-kanya nilang gawain.

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik ng limousine. Nag-uunahan tumulo ang mga luha sa aking mata. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi ko na mahal si Ken. Ayaw ko na sa kanya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito sa buong buhay ko. Sa huling pagkakataon, hinayaan kong magpadala sa bugso ng aking damdamin. Gusto kong ilabas lahat ng aking sama ng loob. Napakagat ako sa aking labi, upang pigilan ang aking sigaw na gustong kumawala. Dahil simula sa araw na ito ang huling sandali na iiyak ako dahil sa isang Felip Jhon Suson.

ALAB (Burning)Where stories live. Discover now