CHAPTER TWO

20 0 0
                                    

Tuwing gumigising ako sa umaga, I am reminded na hindi panaginip ang lahat ng nangyari last Valentine's Day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tuwing gumigising ako sa umaga, I am reminded na hindi panaginip ang lahat ng nangyari last Valentine's Day. Dahil isa itong bangungot. My bedroom walls are so bare now. Wala ni isa mang bakas na sa maraming taon na laging bumubungad sa pag-gising ko ay ang mukha ni Ken.

Each day naaalala ko pa rin ang lahat ng masakit na naranasan ko that fateful night. Ngunit katulad ng ipinangako ko ni isang luha wala akong inaaksaya para sa lalaking yon. Ayaw ko na din marinig ang pangalan niya or ang mga kanta niya, lalong lalo na makita siya kahit sa magazine or TV.

Iginugol ko na lang ang oras ko sa ibang bagay as long as hindi konektado kay "He who must not be named".

I'm thankful that I live alone, malayo sa pamilya. Kaya wala rin narinig na kwento sa akin ang aking mga magulang at kapatid. Sabi ng Kuya ko baka daw gusto ko lang kimkimin lahat ng kilig. They had no idea sa mga nangyari except sa napanood nila sa TV at nabasa sa iba't-ibang newspapers.

Tanging ang bestfriend at co-worker ko lang na si Jillian ang nakaalam ng mga nangyari. Kahit tuksuhin ako sa work ay pawang ngiti lang ang sagot ko. Hindi naman magbabago ang nakaraan if I talked about it. Nailabas ko naman na ang lahat ng sama ng loob ko in the best way I can.

Isinumpa ko na ang pagiging fangirl. Ireally just want to move on and for once be a normal woman again and mag focus na lang sa mas may kabuluhang bagay. I worked hard and played harder.

This morning, nagulat ako ng makarating sa office. Hindi pa ako nakakaupo sa aking desk ay pinatawag na ako ng aking manager. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib, I tried to wrack my brain kung may kasalanan ba akong nagawa.

Dali-dali akong napapunta sa office ng aking boss pero halos mahulog ang puso ko sa bumungad sa akin doon...si Ken na naka-ngisi ng makita ako.

"Long time no see. Have a seat please," malumanay ang kanyang boses.

Napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko namalayan na nakanga-nga pala ako until Ken held my chin to close my mouth.

Bahagya siyang natawa, "nagulat ka ba?" Mapangkutya ang kanyang ngiti. He held both my shoulders upang alalayan ako sa pag-upo sa sofa.

Namamanhid ang buo kong katawan. The least person na gusto kong makita ang kaharap ko ngayon. Umupo siya sa aking tabi. Nahimasmasan ako sa mapang-akit na kanyang bango. Napalunok ako sa sobrang lapit ng kanyang mukha na tila pinagaaralan niya ang aking itsura.

Inilabas niya ang isang makapal na mga papel. "Ikaw ito, ano?"

I was confused sa tanong niya. Kumunot ang aking noo at hinablot ang mga papel mula sa pagkakahawak niya. Nagulat ako sa mga nakasulat doon. Highlighted sa comments section ang mga mapanglait na salita laban sa kanya.

"Nakasulat yan lahat sa Youtube video ng Valentine's Date natin. Huwag ka na mag deny kasi alam ko ikaw yan," mapagkutya ang kanyang boses.

Nainis ako sa paratang niya, "May proof ka? Na trace mo ba sa akin? Ang tagal na nun tapos ngayon mo lang ako hinarap?"

"Nakita mo mga nakasulat?" Bakas sa gigil ng boses niya ang pagka-inis din. "Alam na alam ang mga nangyari behind the scenes. Siyempre ikaw yun."

Binalibag ko ang papel sa coffee table sa harap namin "Nagpapatawa ka? Hind ko alam comedian ka pala. Ang daming tao doon hindi lang ako. Kasalanan ko ba na if nalaman na nila kung gaano kagaspang ang ugali mo?"

"Oh oh! Ikaw nga yung nag comment. Ganyan na ganyan ang nakasulat."

"Hoy wag ka magbibintang. Hindi copyrighted ang ganyang comment kasi talaga naman masama ang ugali mo. After ng date natin never ako nanood ng kahit anong videos na nandoon ka or nakinig ng songs mo. Hindi mo na ako fan ano?" I crossed my arms to emphasize my point.

Nabanaag ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. "Bakit?"

Hinawi niya ang kanyang buhok paalis sa kanyang mata. He looked confused. Panandalian kong nakalimutan ang galit ko sa kanya. Gusto ko siyang yakapin bigla at aluin upang hindi na siya malungkot. Mabuti na lang at mas nanaig pa rin ang aking inis. Hindi ako dapat marupok dahil pride ko ang pinaglalaban ko dito.

"Unless you have proof, huwag ka basta basta nambibintang. I can sue you for libel," ang matapang kong sagot.

Inabot ni Ken ang mga papel from the coffee table, "This is libel!" Napatayo siya at nagtaas ng boses, "ikaw pa ang matapang."

Tinapatan ko din ng mataas na boses ang boses niya at napatayo sa sobrang galit. "Prove it first and ako na mismo ang sasama sa iyo sa police. Harrassment ito ha. Pinuntahan mo pa talaga ako sa work."

"You want proof? I'll give you proof. But from now on I'll be watching you," pagbabanta ni Ken.

Nung nakaalis na siya, bumigay na ng tuluyan ang mga tuhod kong kanina pa nanginginig. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALAB (Burning)Where stories live. Discover now