Wakas

1.1K 14 0
                                    

Gabbi.

"Fierce muna..." sabi nito at nag fierce naman ako at dinig ko ang pag picture at ang pag ilaw ng mga lightings.

"Nice! Attitude! Different poses then smile para naman happy. It's your wedding day!" Ani sa isang bakla na nag picture naman sa gilid

Huh?

"A-Ano 'ho?" Tanong ko

Nagulat ang mga tao doon.

"I-I mean... it's for your wedding day next week" sabi nito na diniinan ang 'for'

Tumango naman ako. They suggested different kinds of poses, emotions, and facial expressions. May props pa sila at inihagis nila ang mga red and white rose petals ng mahina. Next, they suggested na sa malaking hagdan na kami.

The back of my gown at nasa gilid ko at sa mga tatlong hagdan lang ang abot nun, i was shocked kasi naka red carpet na ang hagdan na iyon papasok sa hall. They used different props while i used different poses. Bumukas ang malaking pinto na nasa dulo ng hagdan at laking gulat ko sa nakita ko.

"D-Dad?" Lumapit ko sa kaniya sa taas.

He's wearing a fucking gray tuxedo! His hair is well combed at parang pupunta sa isang meeting!

"What are you doing here?" Tanong ko

"Kasali ako sa photoshoot, Anak" paliwanag neto

"Hindi mo ako sinabihan 'neto!" We laughed and the photographers took pictures of us talking and laughing

"Suprise nga eh"

"Sila Kuya?" Tanong ko at napatigil siya

"You'll see." Humalakhak siya

Sayang saya ka, Dad?

"Let's start." Sabi nito and the doors opened.

May dalawang lalaki ang bumukas nito mula sa loob, but i can't see what's inside dahil sa puting kurtina na nakaharang, madilim din sa loob at walang ilaw.

They continued capturing us hanggang sa pumasok kami. Ang dilim dito

"Bakit tayo nandito, Dad? Ang dilim dito!" Bulong ko at sumara ang pinto sa likod ko

I panicked

"D-Dad... What's going on?" Nautal kong tanong

"You're getting married" sagot nito sabay bukas sa mga ilaw na nandito.

"Holy fucking shit"

Lahat nandito. Yung sekretarya ko, mga kaibigan ko at ang pamilya nila,pamilya ko, pamilya ni Chasimir at ang iilang importanteng tao sa buhay ko. Nakaupo sila sa mga table dito sa venue at tiningnan nila ako, habang ako napaawang ang labi ko sa gulat. Sa dulo ng red carpet may dalawang upuan, may pari sa parang stage doon. Sa maliit na hagdan nakita ko ang pinakamamahal na lalaki sa buong buhay ko. Nakaharap siya sakin, he really looks nervous kasi ilang ulit netong bumuntong hininga. Tinapik siya sa kaniyang best man na si Sebastian. The wedding song started.

Naaalala ko pa nung nalaman ni Graye na hindi siya ang bestman, natatawa na lang ako. Ginawa nalang namin siyang grooms men.

"A-Anong nangyayari, D-Dad?" I asked

"Ikakasal ka na nga." Sagot neto.

Hinawakan ni Dad ang kamay ko at hihilain na sana ako nang hindi ako kumibo. I stood there for a few minutes looking in the red carpeted floor. Nilingon ko ang mga bisita at nakitang gulat na gulat sila. I looked at Chas who's now looking at me intently, worry and sad clearly consumed him by the look in his eyes.

Engineer's Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon