Prologue

324 11 0
                                    

Isang ordinaryong mag-aaral lamang si Jewel Jhanzy Alcazar. Kilala sa kanilang eskwelahan bilang isang nerd. Kakaibang nerd.

Lapitin din siya ng panunukso ngunit hindi niya ito pinapansin. Mas importante sa kaniya ang pag-aaral.

Ngunit kahit paulit-ulit siyang nagsusunog ng kilay, hindi niya pa rin magawang manguna sa klase.

'BOBONG NERD' ika nga nila. Paano kasi'y nerd lang daw siya sa hitsura at hindi sa utak.

Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Kerby Ryvandel Montenegro. Gwapo, matangkad, mabait, at matalino.

Siya kaya ang maging dahilan ng pagkatuklas ni Jewel sa kaniyang kakayahan?

Siya kaya ang maging inspirasyon ng dalaga?

Magkaroon kaya sila ng happy ending na tinatawag nila?

Mula noon, lagi nalang siyang napapangiti mag-isa at binabanggit sa isip ang mga salitang...


Hey, Mr. Transferee






A/N: Suportahan niyo po sana!

Hey, Mr. TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon