CHAPTER 1: THE BOSS

25 2 0
                                    

"THE BOSS"


(Zyril's POV)

"Mom ayoko nga sabing pumasok!" Padabog kong sinara yung pinto at isinubsob ko yung mukha ko sa unan. Pinipilit akong pumasok ni mom sa school.

Si mom lang naman ang gustong gusto ako pumasok sa school eh. Kahit ilang beses kong sabihin na ayaw ko nang mag aral pilit niya pa din akong pinapapasok sa lecheng school na yan.

"Akala ko ba zyril napag-usapan na natin ito!"

Nakapang business attire si mom at may client daw siyang kailangan puntahan.

Nag aayos ng sala si mommy habang ako ay patuloy na ginigising ng mga maid dito sa kwarto ko.

Ewan ko ba kay mommy kung para saan pa ang maid na ito kung sya din naman ang naglilinis ng sala. Kahit wala namang kailangan na linisin dun.

Kinukuha ako ni mom ng body guard pero ayoko hindi ko magagawa ang mga gusto ko kung may mga nakabuntot sa akin.

"All of you get out! arrgggh!! "Rinig sa buong bahay ang sigaw ko.

"Pero maam zyril utos po ito ni maam Leny" Sumabat pa talaga itong maid na ito ha.

"I said get out or I'll kill you into my room!"

Agad namang lumabas yung maid.

"Yaya sige na ako na bahala Kay zyril"

Umupo si mommy sa tabi ng kama katabi ko.

"Zyril di ba nag usap na tayo tungkol dito"

"Pero--"

"Wala ng pero pero you agree with the deal right?"

Tumayo ako sa kama ko at nakangiti naman sakin si mom.

I rolled my eyes at kahit labag man sa loob ko wala na kong nagawa may deal kasi kami ni mom.

After 2 years ay pupunta na ulit ako sa U.S pero sa ngayon dito muna ako at susundin ang lahat ng sinasabi niya at pag 18 yrs. Old nako hindi na niya ako papakialaman sa gusto kong gawin.

Dumiretso na ako sa comfort room para maligo  matagal din akong naligo mahigit isang oras. Narinig kong kumatok na naman si mom sa kwarto ko.

"Zyril I have to go nagpahanda na naman ako ng pagkain kay yaya ching kaya kumain kana lang pag tapos mo diyan."

Hindi ako umiimik pero ang alam ko umalis na sya.

Madalas gabi na umuuwi si mom dahil nga sa business kaya ako at mga maid na lang ang natitira dito. Oo lahat na materyal na gusto ko nakukuha ko. Pero hindi sapat yon sa kagustuhan ko.

Malaki ang bahay namin may sarili din akong sasakyan pero walang kwenta lahat  nang yan para sakin.

Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong magbihis, kita ko naman si yaya ching at parang binabantayan ako kung papasok ba ako.

"Kumain ka muna zyril bago  ka pumasok"

"Hindi na yaya sa school na lang ako kakain"

Kita ko ang kulay itim kong sasakyan na napakalinis.
Kinuha ko na yung susi ng sasakyan ko at pinaharurot ang kotse ko.

(Brent's POV)

Maaga akong nagising dahil excited na akong pumasok. Nagluto ako ng pagkain namin ng mga kapatid ko habang si inay ay tulog pa.

Syempre bilang kuya obligasyon kong tulungan si inay  habang si tatay ay namamasada ng jeep.

EMBRACING THE FIRE WITHIN YOUWhere stories live. Discover now