"RED ROSE"
(BRENT'S POV)Hindi mawala sa pagtataka ko ang rosas na nakalagay sa ibabaw ng arm chair ko kung kanino ito nanggaling.
Kahapon din ay nakatanggap ako nito. Sa tuwing pauwi na ako nadadatnan ko ang rosas na pula sa ibabaw ng lamesa ng upuan ko.
At pag papasok naman ako dito may nakalagay na card naman sa upuan ko.
Simula nung nakatanggap ako ng card araw araw na itong nagpapadala sa akin at sa hapon naman ay rosas .
Ngunit walang nakalagay na pangalan sa rosas o kahit na anong key word man lang.
Sa palagay ko ay iisa lang ang nagpapadala ng rosas at pink na card kung ganun bakit hindi pa niya sabay na ipadala sa akin?
Minsan nga binalak kong hulihin kung sino ba talaga ang nagpapadala sakin ng mga rosas .
Muntik ko na sana na malaman kung sino pero tinawag ako ng adviser namin at may ipinaasikaso kaya hindi ko na nalaman kung sino ito.
Maaga akong pumasok at nakita ko si zyril na kauna-unahang pumasok dito wala pa ang mga kaklase namin.
Isang himala at ang aga pumasok ng babaeng halimaw na ito. Lagi siyang nalalate at bilang lang ang pagpasok niya ng sakto sa oras.
Sa tingin ko ngayon lang siya pumasok ng sobrang aga. Nakatungo ito sa arm chair at sa tingin ko ay antok na antok ito.
Kita ko ang upuan ko at may card na pink na naman ang nakalagay duon tulad ng aking inaasahan.
Grabe ang aga niya naman pumunta dito grabeng effort naman ang ginagawa niya para lang maibigay ito.
Tiningnan ko si zyril na natutulog pa din . Hindi kaya sya ang nagbibigay ng mga nito? Atsaka bat ang aga niya pumunta dito?Hindi nga kaya siya?!
Bakit nya naman gagawin yun? Ah basta baka nagkataon lang. Oh baka naman nadito na ang card na ito bago pa siya dumating?
Hala edi siguro nakita niya kung sino yung naglagay nito sa upuan ko? Atsaka Kung ganun nabasa na kaya niya ito?
Nung makita kong nagising na si zyril nagdadalawang isip ako kung itatanong ko ba na binasa niya ba ito o nakita niya ba kung sino ang naglagay nito.
"Hoy! Na-nakita mo ba kung sinong naglagay nito sa upuan ko?"
Nakatingin siya sa hawak ko habang inaantay ko ang isasagot niya.
"Malay ko" Ang tanging narinig ko lang sa kanya.
Magtatanong na ulit ako sana ako sa kanya pero bumalik ulit siya sa pagkakatulog niya.
Umupo ako sa upuan ko at inilapag ang bag ko mukang hindi na niya pinag iinteresan ang card na pink na hawak ko.
Dati kasi lagi niyang inaagaw ito sakin at hindi niya talaga titigilan hangga't hindi niya nababasa. Kaya imposible na siya ang nagbibigay nito.
YOU ARE READING
EMBRACING THE FIRE WITHIN YOU
Teen FictionAng babae na nabubuhay lang sa puro gulo at kalokohan feeling niya kasi na boring ang buhay niya kapag wala siyang nagagawang kalokohan. Maging sa eskwelahan ay wala siyang kaibigan natatakot kasi sila na mapadamay sa mga kinasasangkutan na gulo n...