"COMPETITION"
(BRENT'S POV)
Tapos ko nang turuan si zyril kaya pauwi na ako dahil gabi na.
Tahimik lang kami sa buong byahe at walang umiimik sa amin.
Di na gaano katulin ang pagpapatakbo ni zyril dahil napakiusapan ko naman sya na kung pwede bagalan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan niya.
Pero syempre nung una literal niyang binagalan kulang na nga lang maglakad ako nung isang araw dahil sobrang bagal talaga ng pagpapatakbo niya.
Sinabihan ko siya na normal lang, yung di gaano mabilis at di gaano mabagal naintindihan niya naman yung sinabi ko.
Nang makita ko na ang kantuhan namin binuksan ko ang pinto ng kotse at isasara ko na sana ito ng may sinabi sya sakin.
" Brent aasahan kita bukas" ngumiti ito sa akin at isinara na niya ang pinto ng kanyang kotse at umalis na .
Naiwan ako dito na tulala at iniisip ang kanyang mga sinabi sa akin.
Kakaiba ang kilos niya simula nung madalas ko siyang makasama na kumain sa pergola kakaiba na ang kilos niya.
Tama ba yung narinig ko? Tinawag niya ba ang pangalan ko? Oh baka nabibingi na ako?
Pumasok na ako sa bahay namin dahil nilalamok na ako kakaisip dun sa labas tungkol dun sa huling sinabi sa akin ni zyril.
Kinuha ko yung rosas na kinuha ko kanina sa upuan ko. Ibinabad ko ito sa garapon na may tubig.
Inilagay ko na ito sa lamesa at dumiretso na ako sa kwarto para matulog.
~~~~~~~
(ZYRIL'S POV)
Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko pagkasama ko si brent. Hindi sa nagagalit ako kundi masaya ako.Masaya ako sa tuwing magkasama kami nakakalimutan ko lahat ng problema ko sa tuwing kasama ko sya.
Madalas ko syang inaasar hindi para galitin natutuwa lang ako sa itsura niya sa tuwing nagagalit sya ang cute niya kase hahaha.
Siya lang yung taong nagagawang kausapin ako kahit sa maraming tao. Dahil lahat sila takot sakin. Lahat sila tingin sakin masama.
At lahat sila ang tinitingnan lang ay ang kamalian ko. Wala silang ginawa kundi ang siraan ako kahit ang mga magulang ko nagawa akong siraan.
Siya lang yung hindi takot sakin, hindi takot kausapin at tanungin kung anong problema.
Hindi man naging maganda ang pinag samahan namin nung una pero pilit niya pa din na iniintindi ako.
~~~~~~
Magsisimula na ang game pero di ko pa din makita ang bakulaw na yun.
Madaming studyante ang nanonood dito nilibot ko ang tingin ko at umaasang makikita ko ang bakulaw na yun ngunit wala akong nakitang Brent Narcisco.
YOU ARE READING
EMBRACING THE FIRE WITHIN YOU
Novela JuvenilAng babae na nabubuhay lang sa puro gulo at kalokohan feeling niya kasi na boring ang buhay niya kapag wala siyang nagagawang kalokohan. Maging sa eskwelahan ay wala siyang kaibigan natatakot kasi sila na mapadamay sa mga kinasasangkutan na gulo n...