CHAPTER 29

46 2 0
                                    

A/N: Grammatical Errors ahead, read at your own risk.

JAVIER'S POV

When you think everything's fine tsaka naman may pasabog na mangyayari sa buhay. Ayos na di ba? Bakit kailangan pang magulo ulit?

I always imagined my future with her kaya ngayon hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Ang daling sabihin na mag-move on, pero napakahirap gawin. Ang daling I-advise sa ibang tao pero kapag sarili na ang gagawa, hindi mo magawa gawa.

Some says na ilabas mo yung nararamdaman mo by crying, but I'm not fan of it. Bilang ko sa daliri kung ilang beses pa lang ako umiyak sa buong buhay ko. Kahit na sobrang sakit na sa loob ko, hindi sumusunod ang mga luha ko sa akin na tumulo. This is not a pride, or ego as a man, this is me being myself na sinasarili lang ang mga bagay bagay.

I know what I was doing is bad, di ko ikakaila yon. Dapat nating ilabas yung mga pent up emotions sa loob natin, for us to have a good or best future. But for me, it is better na sarilihin ko na lang. What if I told someone na may problema na din? Baka makadagdag lang ako. And that's the least I want to happen.

I really tried to stop thinking about what happened earlier. It was full of painful memories na gustong-gusto ko ng kalimutan pa. What's the use of hangin' with it, right? At the end, wala naman akong mapapala but heartbreaks. Yes, I've learned lesson from it, pero hindi ko alam kung ano?

Wag na magtitiwala muli? Piliin na lang yung mamahalin? Wag puso lagi ang gagamitin? Na kaya mataas ang utak kaysa sa puso sapagkat mas mauuna dapat na paganahin ito? Ang dami kong naiisip na lesson, ngunit wala ni isa man dito ang alam kong natutunan ko.

I really want to sleep the pain, ngunit di nakiki-ayon sa akin ang tulog. Kanina pa ako nandidito sa higaan, just rolling and moving my body to where I think will be a good side to let me sleep. I really need to rest my body, mind, and heart.

Pagod na pagod na ako. So so tired.

Narinig ko na may nagbukas ng pintuan ng kwarto ko. "Please, wag muna ngayon. Pagod ako." Tinaklob ko ang kumot ko sa akin.

Naramdaman ko na lang ang paglubog ng kama ko sa kaliwa. "Kuya, andidito lang ako." Mahinang sabi ng kapatid ko, di ko siya nakikita pero alam ko na sobrang lungkot nito.

"I know. But not now."

Nagulat ako ng hilain niya bigla sakin ang kumot na pinantataklob ko. "Kuya naman, kelan pa yon?!" May halong inis na ang boses nito. "Everytime I would asked you if you had problem, lagi mong sinasabi yan. Kelan ka pa magiging ready mag-share? Kapatid mo ko, kuya!"

Hinila ko pabalik sakin ang kumot, ngunit matigas ang pagkakahawak niya dito at hindi binibitawan. "Shiela, please, not now. Masakit ulo ko." Mahinang pakiusap ko sa kapatid ko, baka sakaling pagbigyan ako sa nais.

May tampo at galit sa mga mata nito. "Lagi ka naman ganyan, di mo na ko mapapaalis pa. Halika, baba na tayo." Hinila nito ang kamay ko, di ako nagpatinag.

"Shiela naman!" Nagsisimula na akong mainis sa kaniya. "Kapag sinabi ko kasing wag muna ngayon, wag muna!" Halatang nagulat ito sa pagsigaw ko, kaya nahila ko sa kaniya ang kumot at muling tinaklob sa sarili ko.

Tumahimik ang paligid namin, walang nagsasalita kahit isa hanggang sa narinig ko ang mumunting hikbi. I heaved a sigh, at tinanggal ko ang kumot sa sarili. "I hate you. Hate you. Hate you." I opened my arms at her, but she still mumbling the 'hate you.' Ngunit lumapit pa rin siya sa akin at yumakap. "I still hate you."

"I hate you too." I mumbled back.

Humiwalay na siya sa yakap niya sa akin. "Di na kita pipilitan pa kung ayaw mo sabihin." Napangiti ako sa kaniya, first time niyang di na nagmapilit na malaman. "Pero di ko sinabi na hahayaan na lang kita dyan magmukmok. Di bagay sayo, bantot mo na uy!" Napatawa ako sa kaniya, she really knows how to make me laugh.

JUST        (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon