Affair

68 4 0
                                    

Umaakyat ako kung saan ang aking kwarto

Pag paplanuhan ko muna kung paano ako makakabalik sa totoong mundo

Hmmmmm

Sila lang daw ang nakakapunta sa Totoong Mundo

Imposible

Hmmmm

Nag iisip ako habang naglalakad papunta sa aking silid

Kung may gusto kang malaman san ka dapat pupunta?

Hmmmmm

Saan..Saan 

Sa tauhan ba?..Hindi

Saaa..

AHA

Sa silid aklatan

Pumupunta ako sa silid aklatan pag may gusto akong malaman o matutunan!

Shit naman kung kailan naman talaga kailangan kong tanungin si Acantha saka pa sya wala sa tabi ko

Bigla kong naalala ang sinabi ni Alyanna

Na may silid aklatan ang bawat hari

Pero paano ako makakapunta roon kung di ko naman alam kung saan yun?

Kailangan mahanap ko ang sulosyon ngayong araw!

Wala dapat akong sinasayang na oras 

Speaking of Oras

Anong oras na nga ba?

Huh?!

Orasan ko! naalala kong naiwan ko ito sa Lamesa noong kumakain ako

Tinanggal ko ang relo ko sa kadahilanang natanggal ang Screw nito

Nakalimutan ko sigurong kunin

Naglakad ako papunta sa silid kainan

Nakita ko ang makalumang orasan ngunit hindi naman ako marunong gumamit noon

Kita ko na ang Silid Kainan kaya dinalian kong pang maglakad

Siguro naman wala nang tao roon o kaya

madadatnan ko na lang ay ang mga tauhan ng kahariang ito na naglilinis ng hapag

Sumilip ako 

Nakita ko ang relo ko

Tumpak! walang tao at malinis na ang hapagkainan

Kinuha ko ang orasan ko

at itinago sa bulsa ng pantalon ko

May narinig akong mga yabag na patungo sa akin

Humarap ako at nakita ko si Acantha

Sakto !

Yumuko sya sa harapan ko at sinabing

"Nagbalik na po ako at salamat sa pahintulot nyong kumain muna ako..Magiging mabuti kayong Reyna Maharlikang Coleen" - Acantha 

"Ito naman ang dami dami pang sinasabi..Teka may tanong ako..Hmmm San ba ang silid aklatan?" tanong ko 

"May silid aklatan po para sa lahat sumunod kayo sa aki-" pinutol ko ang mga sinasabi nya

"Saan ang Silid Aklatan ng mapapangasawa ko?" Seryoso kong tanong

Imposibleng Ilagay ang mahalagang impormasyon sa lugar na madali lang mahahawakan at matutuklasan ng lahat

Kaya sa tingin ko isa sa silid aklatan ng tatlong hari na ito ang dito ay itinago

PSYCHOWhere stories live. Discover now