"Dalhin mo na sya dito pag-gising sya"
(Kasalukuyang nakikipagusap sya sa isa sa mga tauhan nya)
"Matalino ba sya?" -Asmodeus
"Maganda? Maganda?" -Eblis
Nanatili akong tahimik
...
"Asmodeus pwede bang si Alyanna ang magturo kay Coleen." pabor ko
"Nah...Bahala kayo.." -Asmodeus
Tinawag ko ang isa sa mga tauhan ko para puntahan si alyanna at ipasabi ang kautusan galing sa akin
(paparating na sila Coleen)
"Sya na ba yan?" - Eblis
Tumango lang ako
Tignan mo tong babaeng to mukha nanamang tanga
Pffft taenang mukha yan
Ngayon lang ba sya nakakita ng gwapong katulad ko...
Hay nako... Dapat pala pumili ako ng matino-tino
Di ko naman alam na lalaki syang a-anga anga sayang ganda...
Ay Aba!
May balak pang tumakas ni hindi marunong gumalang sa amin
Tama talaga na si Alyanna ang pinagkatiwalaan ko
S-Sana naman katulad sya ni Alyanna...
"Persona non grata san ka pupunta?" tanong ko
"Ah-eheh...Ako po ba?" - Coleen
Hay nako..malamang sya sino pala ako?...a-anga anga
Tinanggal ko ang Mask ko sa pagkairita ko ay winasak ko pa ito
Kung naunahan ko lang si Asmodeus na kunin si Alyanna...
Stupido ko naman pumili ng mapapangasawa...
"Sya na ba ang sic semper tyrannis?" - Eblis
"A-aAko? ang Sic?..Ang ano po?" - Coleen
"Oo ang asawa ni Aclahayr"- Eblis
Pinapahiya ako nitong babaeng to sa mga kapatid ko
Tignan mo binibigyan nanaman kami ng ganyang mukha
Kung di lang ganon kahirap pumunta sa walang kwentang mundo meron sya pinatay ko nato kanina pa
"Sino sy-sya?" - Coleen
Fck...Nakakahiya na
"persona non grata hindi mo kilala ang mapapangasawa mo?" sabay ngiti ko...
'Ngiting binibigay ko sa lahat ng pinatay ko'
"I-ikaw! h-hindi..pa-paano?" - Coleen
Nababaliw na tong babaeng to...
"In Jesus Name! Subukan nyo kong saktan!" - Coleen
Pffttt Ano daw?
"PfffT HAHAHAHAHAHAHA" - Eblis
"Walang diyos sa mundo namin" - Asmodeus
Hu-Huh? anong ginawa namin at umiiyak to?
Pero di ko pa nakikitang umiyak si Alyanna sa kamay ni Asmodeus
Paano na lang kung napunta sya sakin ganon din ba ang magiging lagay ni Alyanna?
Matapang..Matalino at Mapanlinlang si Alyanna at nagustuhan ko sa lahat the way na mag seduce sya
Iba- iba kay coleen napakahina...
Pero sya ang ibinigay ng tadhana
Kung tadhanang iligtas ko sya noong pitong taong gulang sya
Baka tadhana din na ako ang papatay sa kanya Hmmhp
"Handa na ba si Alyanna?" tanong ko sa isa sa mga tauhan kong babae
"Opo pinatatawag na nga po sya ni Alyanna..Kasi daw po may iba daw po syang gagawin mamaya"
"Huh ano naman daw?" tanong ko
"Bakit? diba dapat ako ang nagtatanong nyan kasi Asawa ko sya?"-Asmodeus
Medyo nagkaroon ng tensyon sa paguusap namin na hindi naiintindihan ni Coleen
Umiwas nalang ako ng tingin kay Asmodeus
Dahil di ko naman ito asawa
At huli na ang lahat Nagpakasal na sila mamatay lang si alyanna kapag nagpakasal kami nito
"Alisin nyo na nga ang basura sa Harapan ko" utos ko
Dahil nakakahiya na sa mga Kapatid ko
Naturingan akong pinakamalakas sa Bestia Audax
Tas ganto ang mapapangasawa ko
How Useless...
"Ayon na pala ang mapapangasawa mo? nothing special..hmm" - Eblis
Hindi ko pinatulan ang pang-aasar bagkus ay nanahimik lamang
Nanatiling tahimik si Asmodeus na parang may malalim na iniisip
Habang si Eblis ay patuloy na nangaasar sa akin
Anong iniisip mo Asmodeus?
Si Alyanna?
O ang pagkawalang kwenta ng mapapangasawa ko?
O di naman kaya'y ang pagiging inutil ko ng mga oras na pumili ako ng asawa sa mundo ng mga tao
Dahil ang paraan lamang na mapasakin si alyanna ay ang patayin ang Mismong Asawa nito...
...
....
.....
(VOTEEE MAHIHIRAPAN PO AKONG MAG UPDATEEE KASI PO DAPAT NASA BAHAY LAMANG WALA PO KASI AKONG SARILING PHONE SALAMAT SA PAGBABASA WAG NYO MASYADONG MAHALIN ANG STORYA KO BAKA DI ITO UMABOT NG ENDING)
YOU ARE READING
PSYCHO
RomansaHindi biro na may nagkakagusto sayong di maipaliwanag na bagay Isa ba syang demonyo? Engkanto? Makapangyarihang bagay? Elemento? Tunghayan ang Estorya ni Coleen Na pilit tinatakasan si Aclahayr Magugustuhan din ba sya ni Coleen? Maari nga bang ang i...