Hindi biro na may nagkakagusto sayong di maipaliwanag na bagay
Isa ba syang demonyo?
Engkanto?
Makapangyarihang bagay?
Elemento?
Tunghayan ang Estorya ni Coleen
Na pilit tinatakasan si Aclahayr
Magugustuhan din ba sya ni Coleen?
Maari nga bang ang i...
Sinimulan ng aking kamay na sampalin ang sarili kong mga mukha
Panaginip.Panaginip.Panaginip...
"In Jesus Name! Subukan nyo kong saktan!" Sigaw ko sa kanila habang umaagos ang mga luha sa aking mga mata
"PfffT HAHAHAHAHAHAHA" Tawa ng Lalaking naka upo sa Unang Upuan
Na ikinagulat ko
"Walang diyos sa mundo namin" Sinabi ng lalaking nakaupo sa Pangatlong Upuan at binigyan nya ako ng Seryosong mukha
Imposible..
Sinimulan kong umiyak ng umiyak ng umiyak ng Umiyak.
Halos mapaluhod ako dahil namamandin ang aking mga paa
Nakarinig ako ng mga yabag
Ang mga yabag na ito ay papunta sa kinaroroonan namin
Nakarinig ako ng usapan
Ngunit di ko ito na iintindihan
Bigla nalang ako hinawakan sa aking buhok at itinayo
Medyo masakit ang ginawa nitong babaeng to pero anong magagawa ko?
"T-Te-Teka! Saan nyo ko dadalhin?" tanong ko
Biglaan nalang kasi akong binitbit ng dalawang Halimaw
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Di ko napansin na maraming halimaw ang nasa gilid
Mga alagad ba sila?
Sa sobrang dilim ay di ko napansin na may iba pa palang nilalang sa kinalalagyan namin
Binitbit nila ako at kasalukuyang sinusundan ang babae
Saan nanaman nila ako dadalhin
CRRRRRKK* Tunog pagbukas ng pinto
Pintong isa sa nadaanan ko kanina
Isa ang pinto na ito ang kakaiba dahil halos lahat ng pinto sa asylum ay magkakapareho
Nagsalita ang babae
Pawang kinakausap nya ang mga halimaw ngunit di ko naman ito naiintidihan
Bigla nalamang nila ako binitawan
At itinulak papasok sa kwarto
Napaluhod ako ng bumagsak sabay rinig ko ang pag lock ng pintuan
"A-Ah aray tuhod ko" reklamo ko
Tinitignan ko maigi ang sugat ko
"T-Tao!" Isang malamig na tinig ang narinig ko mula sa likuran ko
"Huh!" sabay harap ko
Ano! di lang pala ako nag iisang tao rito?
"Teka Tao ka ba talaga?" tanong nya
"Oo hindi ko alam kung paano ako napunta dito!" sagot ko
Katulad ko rin ba sya
Maganda sya..May makinis na balat at mahabang buhok at mapupulang labi...may katangkaran rin sya.. ng-ngunit Iba ang kulay ng kanyang mga mata..Ito ay pula
"Ako si Alyanna..Tingin ko hindi mo pa alam kung anong lugar to...At sa tingin ko din Asawa mo ang isa sa namumuno sa Mundong ginagalawan mo ngayon..." Sabay ngiti nya sa akin na kung titignan mo ay parang inosente ito
"H-Huh pa-paano?" Pag-aalinlangan ko na parang alam nya ang lugar na ito ay pahabol akong nag tanong..
"Asan ba ako..Maari mo bang-" Pinutol nya ang mga sasabihin ko
"Nasa Bestia Audax ka mundong ginagalawan ng mga Halimaw, Mga kakatwang nilalang.,Engkanto, Multo, Sirena, Lahat ng di maipaliwanang na bagay...Ngunit kaya ka napunta rito dahil kanila Eblis ang lalaking nakaupo sa unang Throno..Aclahayr ang lalaking nakaupo sa gitnang Throno..Asmodeus ang panghuli" Sabay ngiti nya sa akin
Natulala lang ako sa mga palad ko na may simbolo
"Huh? Soo... Fiance ka ni Aclahayr? i mean di pa kayo kasal...-" Pinutol ko ang mga sinabi nya
"A-Alam mo ba kung paano tumakas sa mundong ito?" Tanong ko sa kanya
"Wala ibang nakakaalis dito sa mundong to...Ang makakagawa lang non ay ang Tatlong Ghouls..I mean ang tatlong Magkakapatid na Namumuno dito.."
"Ang mga Ghouls ang makapangyarihan dito...Kaya nga kaya nilang pumunta sa mundo ng mga tao..Pero hindi ka ba masaya? asawa mo ang isa sa mga namumuno dito.."
"Tanggapin mo na lang ang katotohanan..Alam mo bang tao rin ako katulad mo..Siguro nagtataka ka kung bakit pula ang mga mata ko katulad ng sa kanilang tatlo..Kasal na kasi kami ni Asmodeus..at ang paraan ng kasal nila dito ay ang pagtatalik" Tugon nya
Na ang huling sinabi nya ay syang kinagulat ko
"Pag tapos nyo magtalik may parang sumanib sa iyo at paggising mo pula na mga mata mo."
"Isa ka na sa makapangyarihan rito dahil sa napasa sa iyong Inerhiya mula sa makapangyarihang namumuno dito"