Hi guys! Hope you'll support my second story!
CLOVIC'S POV------
Alam kong hindi to totoo.
Lahat to ginawa ko para mapansin lang niya ako pero bakit ganun parin?
Hindi pa ba sapat lahat ng yun?
Kulang pa ba?
Yan na lang lagi ang tanong ko sa sarili ko.
Ako na lang lagi ang nasasaktan.
Wala ba akong karapatang lumigaya?
Ako si Clovic Sebastian,isang simpleng teenager.Nag-aaral ako sa isang private school sa Manila. My parent's are always in abroad because of our business. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako hanggang nalaman naming may anak pala sa labas si Papa.
Labis na nalungkot si Mama lalo na nung patirahin niya sa bahay ang anak niya sa labas.
Simula noon lagi na lang yung anak niya sa labas yung center of attention niya.
"Dad, you promise me to go to my performance, right?"
"I'm so sorry honey but Hazel's perfoemance will also be on that day. I got to go with her, Mom can go with you"
Yan na lang lagi. Siya ang perfect sa lahat.
"Dad look! I got top 6 in our class!"
"Oh sweet heart I'm proud of you"
"Can we celebrate? I want to have this moment with you"
"Sorry Clo, may pupuntahan pa kasi kame ni Hazel mamaya. I'll celebrate it with you if I got a time Ok?"
HAZEL.
HAZEL.
HAZEL.
Sawa na ako sa pangalan niya.
Pero lahat nagbago dahil sa aksidenteng yun.
Lahat nagulat sa nangyari lalo na si Daddy.
Si Hazel nakitang patay sa loob ng kwarto niya DUGUAN!
Paranggusto kong masuka sa nakita ko.
Parang di ko ma-explain ang nararamdaman ko nung araw na yun.
Awa - dahil sa kahit ganun eh hindi kame nag-away nun kahit kailan at dahil din Daddy dahil alam kung sobra siyang nasaktan sa nangyari.
Galit - dahil sa inagaw niya lahat sa akin.
Walang nakakaala ko sino ang pwedeng pumatay kay Hazel. Ayon sa mga pulis eh ginahasa daw si Hazel bago pinatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanya. Sabi pa nila, hindi daw sila makakuha ng lead dahil malinis ang pagkatrabaho ng suspect. Walang iniwang ebidensya.
Pagkalipas ng 1 taon, hindi parin namatay ang issuetungkol sa kawawa kong kapatid. Pati ako, minsan umiiyak pagnaaalala ko ang nangyari.
Paglipas ng panahon, hindi ko namamalayan 1st death anniversary na ni Hazel pero di parin naman nalalaman ko sino nga talaga ang pumatay sa kanya.
Pero di namin alam nasa paligid lang pala ang salarin.
![](https://img.wattpad.com/cover/2562513-288-k851715.jpg)