May isang babae na matagal ng inambandona ng kanyang sariling magulang. Palagi syang inaapi ng kanyang magulang palagi sya nitong pinagbubuhatan ng kamay,palagi syang kinukumpara sakanyang ate kesyo mas magaling daw ito sa kanya kailangan maging gaya sya ng kanyang ate.Palagi yung ate niya ang binibilhan ng mga bagong gamit tulad ng damit o kahit ano pang gamit pero hindi sya tumatanim ng masamang loob sa kanyang magulang dahil itinatatak niya palagi sa kanyang puso't isipan na mahal sya ng kanyang ate at lalong lalo na ng kanyang mama at papa.
Isang araw nag announce ung guro nila na may field trip sila sa Baguio tuwang tuwa sya dito kasi hindi pa sya roon nakakapunta at mas lalong hindi nya pa naeexperience mag fieldtrip palaging ate niya ang nakakaranas nun.
Pagdating niya sa bahay nila ay pumunta sya sala at nakita niya ang kanyang ate,mama at papa na masayang nagkekwuntuhan.
''Ma,Pa may fieldtrip po kami sa Baguio gusto ko pong sumama.''saad ko nakangiti.
''Bakit ka pa samama roon?Dito kanalang sa bahay at maglinis dito at tsaka may fieldtrip din yung ate mo,sya ang papayagan ko na sumama.''sagot ni mama sakin.
''Ganun po ba?Sige po.''sagot ko sabay ngiti ng pilit.
Dumiretso na ko sa aking silid at nag ayos ng aking sarili.
Pumasok ang aking kapatid sa aking silid na hindi man lang kumakatok.
Nakahalukipkip ito ''Kawawa ka naman sis hindi ka pinapasama nila mama at papa sa mga fieldtrip buti pa ko pinapasama.Mahal na mahal talaga ako nila at ikaw hindi isa kalang pabigat sa pamilyang to bat hindi ka nalang lumayas dito tutal wala namang pakialam sayo sila mama't papa eh.''sabi niya sakin na sinasabayan nya pa ng nakakainis na tawa.
''Hindi yan totoo!Mahal ako nila mama at papa!''giit ko sa kanya.
''HAHAHAHHA Ikaw?Mahal nila?Walang nagmamahal sayo!Kung mahal ka nila bat ako palaging pinupuri? ikaw napuri ka na ba nila?Diba hindi pa?Kasi mas mahal nila ako at ikaw kahit kelan hindi ka nila mamahalin!''sumbat nya sakin.
Hindi ko mapigilan mainis sa kanya,kinalma ko muna yung sarili ko bago ko sya sinagot.
''Kaya hindi nila ako binibigyan ng atensyon kasi masyado kang bida-bida.Pag may sasabihin ako kila mama at papa lagi kang sumisingit!Masyado kang attension seeker!''galit na bulyaw ko sakanya.
Nakita ko syang nagpipigil ng galit sakin,lumapit sya sakin ng mapilis at biglang sinabunutan ako.
''Wala kang karapatan na sabihin saakin ang mga yan dahil kahit ano pa ang sabihin mo wala ka paring kwenta sa pamilyang to!!bulyaw nya habang hila hila ang aking buhok.
''Arayyyyyyyy!!!Bitiwan mo koooo!!!!!''sigaw ko habang iniinda yung sakit ng pagkasabunot niya saakin.
Hindi ko napigil ang sarili ko na sampalin sya ng malakas na nakita ng aking mama at papa.
''Anung sa tingin mo ang ginagawa mo sa ate mo Kelsa?!!''pagalit na sabi sakin ni mama habang inaalo yung kapatid kong umiiyak.Napakagaling umarte.
''Siya naman nauna eh sinabunutan niya ko kaya nasampal ko siya.''pagtatanggol ko saaking sarili.
''Totoo ba iyon Katie?''tanong ni mama kay ate.
''Hindi po totoo yun ma ,sa katunayan nga po pumunta po ako dito sa kwarto niya upang tawagin para sana gumala sa labas tapos pinagsisigawan niya pa ako at sinampal po.''paawang sambit niya.
''Bat mo naman yun ginawa Kelsa sa ate mo!!Wala ka talagang respeto wala ka na ngang kwenta dito iyan pa ipinapakita mong ugali samin!!Simula ngayon huwag ka ng lumabas sa bahay na ito kung hindi ko sinasabi sa iyo!!''galit na galit na sabi ni mama saakin sabay alis nila habang akay yung kapatid ko at ako ang naiwan na mag isa na hindi man lang naipagtanggol ang aking sarili.
Napaupo nalang ako sabay yakap ng aking mga tuhod at ibinuhos ang luha kong kanina pa gustong lumabas dahil sa masasakit na salita ang dinanas ko.
Bakit ganito ang buhay ko?Ganito ba ako kamalas?Kailan pa ako magkakaroon ng maganda at payapang buhay?Tanong ko sa sarili ko.
'Sana isa lang itong masamang panaginip',sambit ko sa aking sarili.
YOU ARE READING
ABANDON
Short StoryThe story is all about a girl who abandoned with her own family. This is just a short story.