CHAPTER 3

2 0 0
                                    


Simula nung mga pangyayari palagi nalang ako sa kwarto,hindi na ako kumakain,nawalan na ako ng gana.Gusto ko ng sumuko,bakit kailangan kong danasin ito.

Ni katok nga wala akong natanggap wala talaga silang pakealam saakin.

Minsan dumalaw yung kaibigan ko.

''Kelsa buksan mo tong pinto mag usap tayo.''sabi niya habang kumakatok.

''Pabayaan mo na ako!!Umalis kana!!''sigaw ko sa kanya.

Pagod na pagod na talaga ang katawan ko parang gusto na nitong sumuko anu mang oras.Gusto ko ng magpahinga pagod na pagod na akong umiyak,pagod na pagod na ako masaktan,pagod na pagod na ako sa lahat.

Bakit ba ayaw nila saakin?Totoong anak naman nila ako pero parang isa akong ampon.

Napakasakit dahil sarili mong pamilya ay itinatakwil ka,gusto kang mawala sa mga paningin nila na para kang isa kang sakit.

Gusto ko ng sumuko.

Habang katok ng katok yung kaibigan ko may narinig din ako na galing sa aking mama na nasaktan ako ng husto.

'Pabayaan mo siya dyan.Wag mo ng abalahin pang lumabas yan.Hayaan mo siyang mamatay sa loob.'

Doon na tumulo ang aking mga luha.

Gusto ko ng umalis sa pangungungot na ito.

Kinuha ko ang ibat ibang gamot sa aking kabinet at inilagay ito sa aking mga palad.

Buo na ang desisyon ko gusto ko na talagang magpahinga.

Habang iniinom ko ang halong halo na gamot ay naalala ko nanaman ang mga sakit na naranasan ko sa kamay ng aking magulang.

Nainom ko na lahat at nararamdaman kong iba na ang pakiramdam ko yung pakiramdam na pagpapahinga mo sa mundong ito.

Iyak ako ng iyak habang nararamdaman ko ang aking sarili na nahihilo na at hindi na ako makahinga,hanggang sa nawalan na ako ng malay at bumukas ang pinto at nakita ko ang aking kaibigan at magulang na gulat na gulat sa nangyayari saakin.

Lumapit ang kaibigan ko na umiiyak.

Nginitian ko nalang sila bago pinikit ang aking mga mata na syang hudyat ng aking pagpapahinga matapos kung naranasan ang mga sakit na naramdaman ko sa mundong ito.

ABANDONWhere stories live. Discover now