CHAPTER 2

5 2 0
                                    


Simula nung nagyari ang pag aaway namin ni ate hindi na ako pinapansin ni mama at papa at lahat ng gawain pinapagawa nila saakin habang yung kapatid ko laging nakatutok sa cellphone niya at minsan nung nagpupunas ako ng sahig bigla niyang tinapunan ng tubig at sinabi niyang hindi niya raw sinasadya pinabayaan ko nalang kasi ayoko ng lumaki pa.

Nagpaalam ako kay mama na pupunta ako kila Monica ang pinakamatalik kong kaibigan,pero hindi ako pinayagan kesyo baka raw maglalandi lang ako.

Pumunta nalang ako sa aking silid at tinawagan na lang si Monica na siya nalang ang pumunta rito sa bahay pumayag naman siya agad.

Dumating si Monica at dumiretso kami sa aking silid kasi ayaw niya raw makita o makasalamuha ang demonyo kong kapatid.

''Bess okay ka lang ba?tanong niya saakin na may halong pag aalala.

Ngumiti ako at sinagot sya.

''Oo naman,bakit?''

''Pumayat ka at you look pale,hindi kaba pinapakain dito?''tanong niya.

''Syempre pinapakain nila ako nukaba sadyang payat talaga ako noh.Tsaka wag kang mag alala sakin okay na okay ako.''sagot ko at ngumiti sa kanya.

''Haysss bat ba ang bait bait mo,mukha ka na ngang inaambanduna ng pamilya mo rito may gana ka pang ngumiti.Bess kaibigan mo ko sabihin mo sakin kung nahihirapan kana rito papatuluyin kita sa bahay.''sabi niya saakin.

''Okay na okay nga ako wag ka nga mag alala.Im totally fine.''

Napahaba ang kuwentuhan namin ni Monica hanggang sa nagpaalam na syang uuwi na raw sya dahil may gagawin pa daw siya.

Pagkaalis ni Monica ay pumunta akong sala at uupo sana ng biglang dumating si ate.

''Bawal kang umupo dyan baka madumihan mo pa yung upuan dun ka nga''sabi niya sabay tabig sakin.

''May karapatan ako kasi magulang ko din ang magulang mo.''sagot ko sa kanya.

''Ha!Magulang?Wala kang magulang tandaan mo yan!''sigaw niya sakin habang dinuduro duro niya ako.

Aalis na sana ako papunta sa aking silid ng biglang hinila niya yung buhok ko.

''Arayyy!!! Ate bitiwan mo ko!!!daing ko.

''wag mo kong matawag tawag na ate wala akong kapatid na salot at walang kwenta!!''singhal niya saakin habang hila hila parin ang buhok ko.

''bitiwan mo akooo!!!''sigaw ko sabay tabig sakanya at napatumba siya sa sahig.

At bumukas yung pinto at iniluwa roon ang aming mama at papa.

''Anu nanamang kaguluhan ito?!!!''galit sa sabi ni papa.

Si mama naman ay inakay paupo si ate sa sofa.

''Nagtalo po kami kanina at aalis na po sana ako para hindi na lumaki ang pagtatalo namin bigla niya na lang hinila ang buhok ko.''pagpapaliwanag ko sa kanila.

''Wag ka ngang sinungaling Kelsa kitang kita ko na tinabig mo yung ate mo at natumba siya sa sahig!!!Wala ka na bang respeto sa ate mo?!!!Nakakahiya ka!!Bakit ba naging anak pa kita!!Wala ka talagang kwenta sa pamilyang to!!Puro nalang sakit ang dinadala mo saamin!!galit na galit na sabi ni mama saakin.

''YAN GANYAN DIYAN KAYO MAGALING ANG SABIHAN AKO NG MGA MASASAKIT NA SALITA!!BAKIT NIYO BA AKO GINAGANITO MA!PA!LAHAT GINAWA KO PARA LANG MAPAKITA SA INYO NA MAY KWENTA AKO SA PANGIN NIYO PERO HINDI PA PALA SAPAT SA INYO!HINDI KO ALAM KUNG TOTOONG ANAK NIYO KO!17 YEARS MA!17 YEARS KONG TINIIS ANG LAHAT NG PAGOD ANG LAHAT NG MGA MASASAKIT NA SALITA NA IBINABATO NIYO SAAKIN!NATANONG NIYO NA BA SAKIN KUNG OKAY BA AKO O KAYA KO PA BA?!MA!PA!NI MINSAN BA NAAPPRECIATE MO LAHAT NG EFFORTS KO PARA MAGING KAPAKI PAKINABANG NAMAN AKO?!PURO KAYO SI ATE GANITO,SI ATE GANYAN!PURO NA LANG SIYA!!''pasigaw kong sabi sa kanila.

Sa wakas for 17 years nailabas ko rin ang naramdaman ko.

Sinampal ako ni papa at dinuro duro.

''Wag mong ibulyaw saamin ang mga paghihirap mo kasi nahihirapan kami kesa sayo!!kahit ano pang sasabihin mo wala ka talagang kwenta sa buhay na ito!!galit na galit na saad ni papa saakin.

Napatakbo nalang ako sa silid ko habang umiiyak.

Bakit ganito ang buhay ko?Akala ko pag sinabi ko ang paghihirap ko sakanila magiging okay na,maiintidihan na nila ako,pero hindi pa pala.


ABANDONWhere stories live. Discover now