PROLOGUE

15 0 0
                                    

Emery.

"Emery, anak! Pakihanda na lahat ng dadalhin sa kabilang bahay. Yung mga damit mong 'di mo na ginagamit, ilagay mo na rin para maibenta sa ukayan ng kumare ko." Sigaw ni mama. Nag-aayos na rito sa bahay, inaalis na yung mga 'di na ginagamit, ewan ko ba kung anong naisipan nito. Ang hilig niyang magmadali, nakakainis, kakagising ko pa lang pero inutusan na ako. Mamimili pa tuloy ako.

"Teka lang, ma! Kakagising ko pa lang!" Sagot ko kay mama habang nag-aayos na sila ng mga gamit sa baba. Ito pa rin ako nakatunganga. Mukhang 'di na rin ako mamimili dahil nakahiwalay naman na ang mga ginagamit ko pa sa hindi. Madali na lang isalansan sa paper bag 'yon.

Tatlong katok ang narinig ko mula sa pinto. Mukhang galit, ang bigat kasi ng pagkabagsak ng kamao, mukhang si mama ito. "Ano ba, Emery?! Dalian mo na diyan, nagmamadali na kami ikaw 'di mo pa inaayos yung pinapaayos ko sa'yo."

Nagulat ako nang buksan ni mama ang pintuan ng kwarto ko. Malamang, nagulat rin ako sa sigaw niya.

"Opo, ito na." Wala na lang rin akong nagawa at napakamot na lang ako sa batok at bumaba na rin agad si Mama.

Binuksan ko ang cabinet ko at nakita ko ang napakagulo kong gamit. Napa-buntong hininga na lang ako at wala na akong nagawa kung 'di magmadali dahil panigurado bebengga na ako kay mama.

Sinalansan ko lahat ng gamit ko sa isang malaking balikabayan box na dala ni mama nung umakyat siya kanina lang, hindi kasi ata kasya sa iang paper bag ito. Sa sobrang pagmamadali, hindi ko na tinignan at nilagay ko na lang basta-basta lahat sa maleta. Sinara ko ang maleta at ibinababa ko na ito sa sala.

"Ma, ito na oh. Saan niyo po ba ito dadahilhin?" Tanong ko habang hinihingal, mabigat pala ito dapat pinabuhat ko na lang kay Tito Jojo.

"Aba, wala ka na 'don. Imbis na nakakalat lang ito sa kwarto mo, ipabenta mo na lang. Nakatulong pa tayo, nak."

"Jojo, buhatin mo na nga itong maleta ni Emery at ilagay mo na sa van." Dugtong ni mama.

"Eh kanino nga--"

"Sige anak, mauna na kami ha, nagmamadali kami, magluto ka na lang diyan!" Hindi ko na natapos kung anong itatanong ko at nagpaalam na rin kasi sila mama. Kanino kaya nila dadalhin ang mga iyon?

"Ma, uwian niyo ako ng chocolates ha!" Sigaw ko.

Habang nakatingin ako mula sa labas, naaninag ko ang isang mailbox at naalala ko ang mga sulat na isinulat ko. Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko para i-check ko ang mga ito sa loob ng cabinet.

Pagkabukas ko ng cabinet, wala akong nadatnan.

"NASAAN YUNG MGA OPEN LETTERS KO?"

Ang Dalawampu't Limang Bukas na Sulat sa 'Di Malamang RutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon