Emery.
Dalawang araw na ang nakalipas mula noong nawala yung mga open letters ko. Hindi ko talaga siya mahanap. Hinalughog ko na lahat-lahat, simula sa kwarto ko hanggang sa makarating ako sa sala. Mukha na nga akong tanga dahil nakarating na rin ako pati sa kusina. Naiirita ako dahil hindi ko matandaan kung saan ko siya nilagay, ang alam ko talaga nakalagay 'yun sa loob ng cabinet ko. Nasa loob lang 'yun ng shoe box ko.
Isang normal na araw na naman para sa akin. Naging iritable talaga ako simula noong nawala ang open letters ko. Hindi ko naman sasayangin ang oras ko sa paghahanap kung hindi importante ang mga 'yun sa akin.
Naghahanda na ako ngayon para sa pagpasok ko sa school. Mukhang mahuhuli na naman ako sa klase dahil mas inuna ko na naman ang paghahanap ng mga lintik na mga opne letters na 'yan kaysa sa paggawa ko ng mga requirements. Nakabusangot akong nakatingin sa salamin sa sobrang inis. "Ang pangit mo, Emery. Ang panget mo." sabi ko sa sarili ko.
I'm Sophie Emery Villavencio, 19 years old. Mas gusto kong tinatawag akong 'Emery' parang ang common kasi ng 'Sophie', mas gusto ko rin kasin naiiba ako sa mga baga-bagay. I'm taking BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa University of the Philippines. Somehow 'di ko alam kung bakit ako nakapasok sa school na 'yun, hindi naman kasi ako ganoong katalino , kumbaga tama lang. Ewan ko nga rin kung tama ba 'tong school na pinasukan ko, hindi ko na rin kasi alam kung paano ako makakalabas dito. Mahilig rin pala ako sa chocolates; parang bata 'di ba? Kaya nga sabi ni Mama, bungal-bungal daw ako noon. Naniniwala ako sa konsepto ng 'end of the world' . Alam mo 'yung kahit na nasa makabagong panahon na tayo, research pa rin about conspiracy theories tungkol sa 'end of the world' ang pinaglalaanan ko ng free time ko.
"Ma, aalis na po ako!" Sigaw ko kay Mama.
"Hindi na ako makakakain ng almusal, late na rin kasi ako." Dugtong ko at dali-dali akong dumiretso sa labas ng bahay.
Ngunit bago pa man ako makalabas ng bahay, may pahabol pa si Mama, "Magbaon ka na lang kaya?!"
"Huwag na, Ma! Doon na lang ako kakain sa school!" Sagot ko.
"Ingat, anak! 'Wag kang magpapakapagod ha? Baka mabawasan ang dugo natin."
"Opo, ma! Bye!" At tuluyan na rin akong umalis ng bahay. Ang daming sinasabi ni Mama. Well, hindi ko naman siya masisisi kung masyado siyang over-protective pagdating sa akin. Noong bata pa kasi ako, muntikan na akong mamatay dahil sa anemia. Bale, pangalawang buhay ko na 'to kay iniingatan ko na rin pero kung minsan sinusuway ko na rin sila Mama, madalas kasing kailangan talagang magpuyat dahil sa mga requirements.
Sumilip akong muli sa pintuan namin, "Ma, wala ka ba talagang nakitang shoe box?"
"Maraming shoe box diyan ah? Ano bang shoe box 'yuyng hinahanap mo?"
"Ibang shoe box kasi 'yun! aish! Sige na, aalis na nga ako!" Asar kong sigaw kay Mama, nasaan ba kasi 'yun?
BINABASA MO ANG
Ang Dalawampu't Limang Bukas na Sulat sa 'Di Malamang Ruta
Storie d'amoreKung ang mga salitang isinulat ng puso'y mapunta sa maling tao, magiging tama kaya ito? Kung ang nga sulat ang magiging ugnayan ng dalawang pusong hindi magkakilala, mauuwi kaya sila sa iisang ruta? Basahin ang mga inilathalang sulat ni Emery para...