Etherian Year 111-Day 163/365
[Actual: CXI-CLXIII/CCCLXV]Ang kasalukyang petsa ngayon sa loob ng laro.
Ang taon ng pagsilang kong muli sa mundo ng Virtual Reality ng Ethereal Online after beta-testing. Sa wakas at narito muli ako para makipagsapalaran.
Noong November last year lang ang official worldwide release nito. Ilang buwan din akong napag-iwanan kaya alam kong may mga players nang malalakas.
Matapos kong imulat ang aking mga mata at mapansin ang maraming mga manlalaro, may lumitaw na «System Window Screen» sa harapan ko.
[Congratulations! You succesfully created your avatar!]
Nagpakita pa ito ng map ng kasalukuyang lokasyon ko at ng mensahe.
[You are in Engrande Town]
Mayroon ding nagsasalita sa loob ng isipan ko. Isang cheerful at robotic na bosses ang naririnig at maalab ang pagtanggap nito sa akin.
[Do you want to proceed to tutorial mode?]
May lumitaw na text sa paningin ko at may choices ito na "Yes" or "No". Itinapat ko ang virtual cursor sa "No" kasi hindi ko na kailangan ng tutorial mode.
[Do you have anything else you need to know about basic fundamentals of the game?]
Nag-reply ako ng "Nothing else, thanks."
[May the Grand Deity guide your way, hero.]
Iyan ang huling sinabi ng game system at nawala narin ang robotic na boses na maririnig ko.
"Hmmmm.."
Anong una kong gagawin?
Napahawak ako sa baba ko at nag-iisip nang maigi bago umalis dito sa Respawning Area. Napansin kong buhay na buhay ang kapaligiran kahit na madilim na. Busy ang lahat at manghang-mangha sila sa larong ito. Kapansin-pansin ang mga ngiti nila sa kanilang mukha na kasama ang mga kaibigan nila sa paglalaro.Mukhang ako lang ata ang naglalaro ng Ethereal Online ng mag-isa.
Maliwang ang kapaligiran ng gabi dahil sa liwanag ng mga sulo alinsabay ng liwanag ng System Window Screen ng mga players. Masaya rin ang lahat dahil sa medieval style ng environment. Parang lang nag-travel way back lang kami sa 5th Century. Maririnig din ang triumph mood ng background music ng Engrande City.
Lumakad ako paalis hanggang sa labas ng Respawning Zone.
I put my right hand forward then I put my index finger and middle together downwards to open the «Main Menu Window».Right! Alam ko na.
May naalala ako. Naalala ko yung sinabi sa akin ni Auntie Brenda sa messenger. Kaya agad kong tinignan ang inventory.Whews.. Mga default starting items ito eh.
Napansin ko rin ang starting «Minn» ko na 500 copper.Pagkatapos ko tignan ang inventory, napansin ko na mayroon akong message dito sa laro. Nakakuha ako ng dalawang gift code na galing sa unknown sender. Kahit na unknown ito, alam ko parin na nanggaling ito kay Auntie Brenda. Ginamit ko kasi ang lumang username ng avatar ko during beta-testing
Sumulat ako sa ere ng letter "C" para mabuksan ang «Gift Code Window». Inilagay ko ang unang code sa at pinindot ang "Claim".
Yes!
Gumana yung code at nag transfer na sa inventory ko yung showcased items. Nadagdagan din ng 100 Silver at 1000 Copper ang Minn ko."Wow..."
Ang dami naman nito. Gusto talaga ni tita na mag-enjoy ako sa game.
Namangha ako sa rami ng items na nakuha ko including VXP Elixirs, Teleport Scrolls, Health and Energy Potion, Revival Amulet at isang Imperial Beginner Set.
YOU ARE READING
Game Hero: Ethereal Online (Incomplete)
FantasíaSynopsis: Aries Zayn Celestine is a Senior high school student who transferred in public school. He encountered the most popular female student in their campus and unexpectedly get into trouble. He regretted his fresh start of school life in p...