IKAAPAT NA PARTE

1.9K 22 0
                                    

Fey's POV

Nagising akong akala ko ay nandito si Hans. Pero nagkamali ako dahil si Anthony ang naroon at hawak ang kamay ko.

Hindi naman sa umasa akong naroon si Hans. Pero naramdaman ko siya. Alam kong naaninag ko siya kanina.

"Pwede ka na umuwi mamaya kapag gusto mo na umuwi." Sambit ni Anthony. Naramdaman ko ang kauting kirot sa noo ko.

"Gusto ko na umuwi ngayon." Sambit ko at umupo na.

"Sigurado ka?" Tanong ni Tin. Tumango naman ako.

"S-Si Hans—"

"Huwag mo nang hanapin ang wala, Fey." Walang ganang sambit ni Anthony.

Lumipas pa ang ilang araw na hindi ko alam kung nasaan si Hans. Kung ayos lang ba siya. Gusto ko magtanong kina dad at kuya pero hindi ko magawa.

Umalis ako ng bahay para puntahan ang bahay ni Hans. Naabutan kong house for sale na 'yong bahay. Ibig sabihin ay wala na siya doon...

'Nasaan ka Hans?'

Bigo akong nagmaneho pabalik sa bahay. Nagulat ako sa mga taong nandoon pagdating ko. Sinalubong nila ako na may malalaking ngiti. 'Anong mayroon?'

"Fey." Malambing na pagtawag sa akin ni Anthony. Naglalakad ito palapit sa akin.

"Anthony?" Maang na tanong ko. Imbis na sabihin nito kung ano ang mayroon ay lumuhod ito sa harap ko. Matindi ang kabang nararamdaman ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.

"Ang lamig naman ng kamay mo." Aniya at ngumiti. Ako naman ay nakakunot ang noo.

"An–"

"Alam mo, hindi ko alam kung saan ako magsisimula, Fey. Pero alam kong matatapos ang sasabihin ko sa tanong na... WILL YOU BE MY WIFE? WILL YOU MARRY ME?" Mapanuyong tanong niya. Ang masigasig na manliligaw ko ay nagpopropose sa akin. Niyaya akong magpakasal?

Paano ito? Hindi ako handa. Nakita ko ang mga mata at ngiti ng mga nakatingin sa akin. Kapuwa naghihintay ng sagot ko. Nahihirapan akong sumagot ng naaayon sa puso ko dahil nakikita ko ang saya sa mga mata nila. Lalo na ng mga magulang ko. At si Kuya.

"Ant—"

"Oo at hindi lang ang hinihingi kong sagot, Fey." Aniya kaya tiningnan ko siya na nakatingala parin sa akin.

"Mahal kita, Fey. Mahal na mahal kita noon pa. Pakakasalan mo ba ako?" Tanong niya ulit. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango.

Takot akong ipahiya ko siya sa harapan mismo ng maraming tao. Mabilis siya tumayo nang isuot niya ang singsing nang matanggal niya ang singsing na bigay ni Hans.

Agad niys akong niyakap na siya namang tinugunan ko.

Pero ang hindi ko akalain na gagawin niya ay ang halikan niya akong biglang. Nagulat ako sa gawa niya.

Hindi ko nagawang tumugon sa halik niya hanggang sa siya na ang tumigil.

Nagkaroon ng salo-salo sa bahay. Nang gabi na ay nawala na sila. Naglalayag parin ang isip ko. Kaya ko na bang pakawalan at kalimutan si Hans? Magagawa ko bang itapon at isuko n lang lahat ng nakaraan namin?

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Sobrang miss ko na si Hans. Gustong- gusto ko ns siya makita, mayakap. Mahal na mahal ko siya.

Nang hating gabi na at hindi ako makatulog ay umalis ako sa bahay. Naglalayag parin ang isip ko. Hindi ko nga alam kung saan ako tutungo.

Namataan ko na lang na napunta na ako sa bahay namin ni Hans. Kinuha ko ang susi at binuksan ang bahay.

Binuksan ko ang ilaw. Marami na kaming plinano ni Hans para sa future namin. Ngayon ay nabago na ito. Dahil sa sekreto ay naglalaho na lshat.

Papasok na sana ako ss kuwarto nang may marinig akong nahulog na bote sa kusina.

Nang buksan ko ang ilaw ay nakita ko si Hans na naroon sa isang sulok at panay ang tungga ng alak. Hindi niya yata namalayan na narito ako sa bahay.

"Ikakasal ka na pala sa iba. Invited ba ako?" Mapait na niya. Mariin akong napapikit .

"Hans." Sambit ko at humakbang papalapit sa kaniya.

"Mas magaling naman yata siya sa akin. Sobrang galing nga ng paghalik niya kanina sa fiancee ko. Ex- Fiancee, rather." Mapait na aniya at tumayo.

Natigil ako sa paglapit nang siya na ang naglalakad palapit sa akin. Tila matutumba na ito. Nilagay sa niya sa mesa ang bote na hawak niya.

"Hans." Sambit ko at inalalayan siya nang matutumba siya. Ngumiti siya sa akin ng mapait at inayos ang pagtayo. Hinarap niya ako.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, Fey. Nasasaktan ako dahil din naman sa kagagawan ko. Sobrang sakit!" Aniya at pinalo ang siriling dibdib.

"Hans..."

"Kasalanan ko naman, di'ba? Huh? Dapat nga ay masaya ako dahil nalaman mo ang totoo. Hindi ko naman inisip na hahantomg sa ganito. Na sa iba ka ikakasal. Sobrang sakit, Fey." Aniya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinaplos ito.

"Mahal na mahal kita. Hindi kita masisisi sa pagkasira natin dahil alam kong ako ang nagsimula. Pero hindi ko sinasadya..." Aniya at umiiyak na.

Napaluha na rin ako pero pinupunasan niya ito. Nang hindi na matigil ang pagluha ko at sumabay ang hikbi ay hinalikan niya ang ibaba ng mata ko.

"Huwag kang umiyak, please. Dapat nga ay masaya ka dahil nakawala ka sa pagkakatali sa lalaking manloloko." Anito. Masakit para sa akin ang mga sinasabi niya. Hindi ko siya magawang tugunan sa mga sinasabi niya.

Nang lampasan niya ako ay napayuko ako. Humarap ako sa kaniya at niyakap siya patalikod.

"Ikakasal ka na, mahal ko." Aniya.

"Hans." Sambit ko. Tinanggal niya ang paglapulupot ng braso ko sa kaniya. Humarap siyang muli sa akin.

"Mahal mo pa ba ako?" Tanong niya.

Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Mahal ko pa siya at kahit katiting ay hindi iyon nabawasan.

Kaya ako nasasaktan ng sobra dahil sa mahal ko siya.

Hindi ko inaasahan na hahapitin niya ako at hahalikan. Nagawa kong tumugon sa kaniya kaagad. Nalalasahan ko ang alak mula sa kaniya. Lumalim ng lumalim ang halik niya sa siya namang tinugunan ko.

Mas inilapit niya pa ako sa kaniya. Natigil ako sa paghalik nang maramdaman kong tinatanggal niya ang sing-sing na suot ko at itinapon iyon kung saan.

"Ako ang pakakasalan mo dahil ako ang naunang nagyaya sa iyo. Ako ang una sa lahat ng iyo, Babe." Aniya at niyakap ako.

Nahirapan akong gumalaw nang maramdaman ko ang bigat niya. Nakatulog siya sa balikat ko habang yakap ako.

"Mahal na mahal kita, Hans. Alam ko lahat. Narinig ko lahat ng sinabi mo sa ospital. Patawarin mo ako kung hinusgahan kita kaagad." Sambit ko at hinalikan siya sa leeg. Alam kong may kiliti siya roon kaya nagising siya.

"Huwag na huwag mo akong iiwan, Fey. Sabihin mo na lang kung iiwan mo ako para patayin ko na lang ang sarili ko kung mawawala ka rin lang naman sa akin." Aniya.

"Mahal na mahal kita, Hans."

Sobrang mahal na mahal kita...

AKO ANG KABET (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon