HULING PARTE

1.7K 26 1
                                    


Hey! Hi po. Hindi ko ba pwedeng makilala ang ibang nagbabasa? Huhu. Sana pwede, hindi naman ako Allien eh.

Anthony's POV

Noon pa man ay gustong-gusto ko na si Fey. Ginawa ko ang lahat. Niligawan siya't lahat lahat na nga ginawa ko. Umabot pa sa nakatikman ko ang bugbog mula sa kuya niya.

Pero ayos lang..kapag nagmahal ka ay handa kang magoakatanga. Martyr nga kung sabihin nila. At least may pusong nagmamahal.

Nang malaman ko na may kinahuhumalingan si Fey ay nalungkot ako. Wala na siguro akong pag-asa pero susubukan ko parin.

Ako at si Tin lang ang sinasabihan ni Fey tungkol sa isang probinsiyano na gusto niya. Well, social media nga naman di'ba?

Ipinakilala ni Fey si Hans sa pamilya niya. Walang naging angal dahil basta't para sa kasiyahan ni Fey ay ibibigay nila lahat. Kahit pa sabihing anak ito sa labas.

Nakilala ko si Hans. Kung sino at ano siya. Nabasted ako dahil sa kaniya. Pero wala akong pinagsisisihan dahil nakita ko ang ngiti ni Fey na si Hans lang ang nakaukit sa labi ng babaeng iniibig ko.

Nang magpropose si Hans kay Fey ay hindi na ako umangal. Mahal ko eh. At wala akong magagawa dahil mahal niya ay iba. Hindi ko naman maaaring utusan na mahalin niya ako.

"Tin, sabihin mo nga sa akin. Martyr ba ako? Hindi ba ako gwapo? Wala ba sa akin ang katangian ng probinsiyanong iyon?" Tanong ko.

"Lasing ka na, Anthony." Aniya kaya natawa ako at umiling lang.

"Wala naman yatang masamang mag-mahal diba? Ang masama ay kapag nasaktan ka na? Dapat ba lagi kang handa once na nafall ka ng sorpresa ay masasaktan ka rin ng pasorpresa? Tin, binigay at ginawa ko naman na ang lahat. Pero bakit siya at hindi ako? Tin." Sambit ko. Wala akong balak umiyak. Marami pang babae ang darating.

"Tama na, Anthony." Tanging aniya. Gabi-gabi akong ganito. Tumigil na lang ako dahil alam kong wala akong mapapala. Masisira lang ang atay ko. Sayang ang buhay ko.

Isang araw tumawag sa akin si Fey. Umiiyak na parang bata. Ngayon ko lang nakitang umiyak ang babaeng mahal ko. Naramdaman ko rin na hindi pa nawawala ang nararamdaman ko kay Fey.

Naghiwalay sila...sobrang saya ko man pero nasasaktan ako dahil nasasaktan ang babaeng mahal ko. Humingi ako ng pahintulot na pakasalan si Fey oras na maghiwalay na sila ng lalaking iyon at pumayag naman ang pamilya niya.

Sobrang saya ko na sinagot niya ako. Pumayag siya na magpakasal. Pero batid ko na napilitan lang siya. Kilala ko si Fey. Mas kilala ko siya kumpara sa sarili ko. How cruel, right?!

"Saan ka galing?" Tanong ng dad ni Fey nang umaga na si Fey umuwi. Naroon ako para yayain siyang magdate.

"Dad, mom, kuya....A-Anthony..."Aniya at yumuko. Nagulat kami nang may pumasok at lumitaw mula sa likuran ni Fey.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ni tito.




Fey's POV

"Paano naman ako, Fey? Sinagot mo ako. Kahapon lang." Kinausap ko si Anthony na kami lang.

"Alam mo naman kung sino ang mahal ko diba?" Marahan kong tanong.

"At hindi ako iyon." Aniya.

"Nabigla mo ako kahapon, Anthony. Patawarin mo ako." Sambit ko. Nakita kong nagbabadya ang mga luha sa mata niya.

"K-Kasalanan ko din naman, Fey. Oo binigla kita. K-Kasi ganoon kita kamahal, Fey." Pinipigilan niyang umiyak.

"Anthony..."

"Kapag mahal mo ang isang tao. Lahat kaya mo ibigay. Lahat kaya mo ipaubaya. Siguro nga ay nandito ako sa mundo para ipaubaya ka. Saluhin ka kapag durog ka na. Kaibigan mo kasi ako eh habang para sa akin ay mahal kita. Mahal kita, Fey at ang masama ay higit pa sa isang kaibigan." Aniya.

Masaya ako at natanggap ni Anthony ang lahat. Alam kong nasasaktan siya pero alam kong mali. Sinubukan ko naman na magkagusto sa kaniya pero wala parin. Mas hindi ko na sinubukan nang umamin sa akin si Tin na may gusto siya kay Anthony.

Ikinasal kami ni Hans na walang humahadlang. Walang masasaktan. At walang naiipit na iba.

Nalaman din namin na nabaliw ang ina ng yumaong anak ni Hans.








The End...



AKO ANG KABET (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon