"Aray!" Daing ko nang ako ay matumba sa aking inuupuan sa loob ng parke ng aming unibersidad."Damn, Reign! How many times do I have to remind you na 'wag kang umupo sa gilid dahil baka mahulog ka?!" Galit na usal sa'kin nitong lalaking nasa harapan ko at inaalalayan ako ngayon upang makatayo.
"Ayaw ko nga kasing umupo sa gitna kasi nga baka lumubog ako. Tignan mo kaya 'yong gitna, parang masisira na anytime" Yamot na pagkakasabi ko dahil ang sakit na ng pang-upo ko dahil sa hindi ko pagsunod sa lalaking 'to.
"There are so many decent benches here, but why do you have to sit on that every time we are here? " Nagtatakang tanong n'ya sa'kin.
"Ayoko kasing lumapit masyado sa mga tao lalo na't kasama kita. Baka kung ano pa isipin nila." Nahihiyang pagkakasabi ko sakan'ya.
Nakita ko namang naningkit ang kan'yang mga mata na s'ya namang ikina-iwas ko ng tingin.
"Reign, tell me. Ikinakahiya mo ba ako? " Seryosong tanong n'ya na akin namang ikinagulat.
"No! a-ayaw ko lang na may m-masabi sila sa'yo." sabi ko at agad naman s'yang tumayo sa harap ko at pumamewang.
"Bakit? What are they going to say? Na you're gay? Na my bestfriend is gay? Are you worried about that? The fuck, Reign! Ang tagal na na'ting magkaibigan! Ni minsan ba ikinahiya kita sa mga naging kaibigan ko dito sa paaralan natin?! Ni minsan ba nahiya akong kasama kita maglakad?! Binabalewala ba kita whenever I'm with my other friends?! Hindi naman diba?! Kaya if they will say something to you, whatever it is, Damn! I don't fucking care! " Galit n'yang pagkakasabi na naging dahilan ng aking pagyuko.
I really don't know what to say. I realized what Kenzo just said. Oo nga naman, bakit ba ako nahihiya na makasama s'ya kung mismong s'ya na lalaki ay hindi ako ikinakahiya at kaya akong ipagmalaki sa harap ng maraming tao.
Tinignan ko na lang ang aking sapatos dahil sa hiya na aking nararamdaman. I heared him sighed at agad namang lumuhod upang makita ang aking mukha.
"Hey..." he said, making me look at him. I saw his smile and the sadness in me quickly fade when I saw how happy he is when he's with me
"Sorry for shouting you. I didn't mean it. Ikaw kasi eh, kung anu-ano na namang pumapasok d'yan sa utak mo." sabi n'ya at umupo sa tabi ko.
"Come here" Agad naman n'ya akong hinila upang mas mapalapit sa kan'ya at niyakap ako.
"Please don't be ashamed whenever you're with me. We're friends since we're kids for pete sake." He said before hugging me. With his hug, I felt at ease.
"Kenzo 'di ako makahinga ang baho mo!" Reklamo ko at agad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap ko at inamoy ang kan'yang sarili.
Actually, he smells nice and I love his masculine scent. Nahihiya lang ako na kayakap s'ya especially we're here inside the campus.
"I'm not naman ah? I always smell good kaya. And for your information, I'm using the one that you said you're addicted with, then now you're saying na I smell so bad? I'll change my perfume na." Nakangusong sabi n'ya na agad ko namang ikinatawa.
"Binibiro ka lang eh! Atsaka stop doing that face, it doesn't suit you. Mukha kang pato!" natatawang sabi ko sa kan'ya.
"I know. Being unhygienic doesn't suit me. Dapat kapag gwapo, mabango." mayabang n'yang pagkakasabi.
"Hambog talaga." bulong bulong ko sa hangin upang hindi n'ya marinig.
"May sinasabi ka?" buti naman 'di n'ya narinig at baka kilitiin nanaman ako nito. He knows my weakness kasi kaya ang lakas mang-asar.
"Wala, sabi ko ang pangit mo! Kurutin kita d'yan eh" sabi ko at bigla s'yang kinurot.
"Aray! Halikan kita d'yan eh!" he whispered.
"What?" asking him to clarify what I've heard. did he just--?
"Wala. Let's eat na nga then I'll bring you home." pag-iiba n'ya ng usapan.
"Libre mo?" Tanong ko at ngumiti pa ako nang napakalaki upang 'di na talaga s'ya tumanggi.
"When did I let you pay, hmmm? And stop acting cute." Asking me while fixing his uniform, not paying attention to me.
"I was born cute. I'm not acting cute" I said proudly making his face frown.
"I know." He whispered. This man...
"Ano 'yun?" Asking him again, not accepting his compliment. Nahihiya na ako, Kenzo!
"Nothing. Let's go, I'm hungry." reklamo n'ya at agad naman akong hinila palabas ng parke ng paaralan.
"Hey, we're here." he said waking me up. Oh! I fell asleep pala. Well, I'm so full kanina that's why...
Agad naman akong dumilat at lumabas ng kotse nila.
"Thanks for the food. Thanks for the everyday ride!" I said to thank him. He then smirked when he finished messing my hair up.
"Stop over reacting. Of course I need to do that because we're friends. And also, magkalapit lang tayo ng bahay so stop thanking me, silly." Natatawang sabi n'ya. Yeah, he's right. I don't know why did I thanked this man. He doesn't know how to appreciate things.
"Okay, okay. I'll go inside na. Bye Kuya Jed, Bye rin mokong" pagpapaalam ko sa kanila at agad namang tumango ang kanilang driver. He has a driver because he doesn't have license yet and he doesn't know how to drive since we're highschool pa.
Pumasok na ako sa aming gate at hindi pa ako nakakapasok ng aking kwarto nang makatanggap ako ng message mula kay Kenzo.
From: Kenzo Brayden Hambog
Hey, sleep early couz I'll pick you up tomorrow at 7 A.M.Wala nanaman 'tong magawa at tinext nanaman ako. Palagi naman akong sinusundo. Bakit kaya nagtext?
To: Kenzo Brayden Hambog
Hmmm... Okay. Goodnight~!
From: Reign Kylen
I just rested for a while because I was really tired today and a messaged popped up on my phone. Of course it was him.
From: Kenzo Brayden Hambog
A'right. Goodnight. See you tomorrow, baby :)))
Agad naman akong namula nang mabasa ko ito. Hindi ko na s'ya nireplyan at baka humaba nanaman ang aming usapan.
"Hay... Kahit kailan ka talaga Kenzo Brayden." Sabi ko sa sarili ko at agad nang tumayo upang mag-ayos ng sarili nang makatulog na.