4

32 3 0
                                    


Pabalik na kami ng bahay at hanggang ngayon naiinis pa rin ako kay Kenzo dahil sa bwiset naming pinanood. 'Di ko alam kung bakit ba ako naiinis sa kan'ya eh kasalanan ko naman kung bakit horror pinanood namin. Kung nagsuggest sana ako na comedy or romance 'yong panonoorin  no'ng tinanong n'ya ako, edi sana 'di ako naiinis sa kan'ya.

"Walang nakakatawa, Kenzo Brayden." Hindi talaga s'ya matigil katatawa. Parang tanga lang.

"What? I'm not laughing!" Sabi n'ya kahit nakikita ko naman sa gilid na bumubungisngis s'ya.

"Titigil ka o hindi ka matutulog sa bahay?" Sabi ko na nagpatahimik sa kan'ya.

"Oo na. Tampo tampo ka pa kasi kanina sa'kin edi sana nakapili tayo ng gusto mong movie." Nakanguso n'yang sabi at umayos ng upo.

Hindi ko na lang s'ya pinansin at umirap na lang ako sa hangin dahil baka saan pa umabot 'tong pag-aaway namin.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad naman akong dumiretso sa kwarto ni nanay para ipaalam na dito matutulog si Kenzo.

"'Wag kayong masyadong maingay at gabi na ah?" Sabi ni nanay sa aming dalawa. Kailan ba tumahimik 'tong lalaking 'to?

Agad naman akong pumunta sa aking kwarto upang makapagpalit at makapagpahinga na kami ni Kenzo. May mga damit s'ya dito dahil madalas naman 'tong natutulog dito lalo na kapag bakasyon. Akala mo rest house n'ya.

"Kylen alam mo ba...na ang ganda mo?" Nagsisimula na namang mang-gago 'tong lalaking 'to.

"Wag mo ako inisin ngayon, Kenzo. Inaantok na ako."

"Eto naman, pinapangiti ka lang eh. Kanina ka pa kasi badtrip." Malumanay n'yang saad habang nakanguso.

Tinignan ko lang s'ya nang seryoso at nakita kong ngumiti s'ya sa'kin. His smile looks diffident. Anong meron?  Hindi ko alam ang dahilan pero napangiti ako nang makita ang kan'yang maamong mukha. Bakit ba kasi ang gwapo nitong nilalang na 'to?

Agad ko namang binalik ang aking atensyon sa pag-aayos ng aking higaan nang makatulog na kami.

Hihiga na sana ako nang bigla akong tawagin ni Kenzo at agad naman akong napatingin sa kanya.

"Reign, pwede bang 'wag muna tayong matulog?" Nahihiya n'yang sabi sa akin. Hindi ko alam pero nawala ang inis ko sa kan'ya simula no'ng nginitian ako nitong lalaking 'to. Ano ba 'yan kasi Kenzo eh.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kan'ya. Paniguradong makikipagkwentuhan na naman ito.

"Wala lang. Usap lang tayo." Kalmado n'yang sabi sa akin. Sabi na nga eh.

"Hmm... Sige pero baba muna tayo, kuha muna tayong pagkain." Pagpayag ko sa sinabi n'ya. Hindi ko naman matanggihan ang isang 'to dahil sa'kin lang naman s'ya nagsasabi ng mga nangyayari sa buhay n'ya.

Agad naman itong ngumiti at hinila ako palabas ng kwarto upang makakuha kami ng pagkain.

Nang makabalik kami sa kwarto, agad naman naming hinalo ang mga chichirya at isinantabi muna ito upang una naming makain ang fries. Nagluto kami ng fries at napakakulit talaga ni Brayden tuwing nagluluto kaming dalawa.

"Oh sige, anong problema ng bestfriend ko?" Panimula ko at agad naman s'yang napangiti sa aking sinabi.

"Ahh..ehhh..wala naman, Reign. Gusto ko lang makipagkwentuhan sa'yo." Sabi n'ya sa akin.

"Hay nako ka talaga. Oh sige, magkwento ka na, makikinig ako." Natatawa ko namang sabi sa kan'ya nanahimik upang hayaan s'yang magkwento ng mga gusto n'yang ilahad.

Kita ko ang hirap sa kan'yang mga mata na ani mo'y may gustong sabihin na tila hindi ko magugustuhan. Ano ba naman ito.

Loving the Strong SovereignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon