5

24 2 0
                                    

Nakatanaw ako sa labas ng aming silid-aralan. Tahimik na pinagmamasdan ang kalangitan.

Napakagandang tanawin...

Ano kaya pakiramdam ng nasa alapaap? Iyong tipong nararamdaman mo kung gaano kalambot ang ulap. 'Yong tipong ako lang mag-isa. Walang problema, masaya lang.

Agad naman akong natauhan nang biglang may bumato ng papel sa aking ulo.

"Lalim ng iniisip mo, ipa-MMK mo 'yan."

'Yan ang nakasulat sa papel na binato sa'kin at alam ko kung kaninong demonyo 'to nanggaling.

Agad ko namang tinignan si Kenzo at bigla itong dumila at tumawa pa.

Abnormal.

'Di ko na lang ito pinansin at nakinig na lang ako sa tinuturo ng aming guro.

"Hoy!" bungad sa'kin ng lalaking 'to nang matapos ang aming klase.

"Kain tayo?" Ayoko nang makipagtalo. Wala ako sa mood ngayon jusko po!

"Saan?" Walang gana kong tanong sa kaniya.

"Ako pipili ngayon?" Nagtataka n'yang tanong sa'kin. Oo nga pala.

"Hmmm dito na lang tayo sa school kumain. Tinatamad ako ngayon bumyahe eh." Ewan ko ba bakit ang tamad tamad ko ngayon.

Nagulat ako ng ilapat ni Kenzo ang kamay niya sa noo ko.

"Bakit?"

"May sakit ka ba?" Nag-aalala n'yang tanong sa'kin.

"Wala baliw. Wala lang akong gana ngayong araw." Kahit na ayoko, ngumiti pa rin ako sa harap n'ya.

"Hmm sige. 'Di na muna kita kukulitin masyado ngayon." Nakangiti n'yang saad sa'kin.

"Tara na?" Agad naman akong pumayag at hinila na n'ya ako papuntang cafeteria.

Maayos naman dito sa cafeteria namin. Ayoko lang talaga pumunta dito kasi nga palagi na lang kaming pinagtitinginan ni Kenzo. Kung makahawak kasi sa kamay ko wagas, akala mo tatakbuhan ko lagi. Pero sabi nga n'ya, 'wag ko raw pansinin 'yong mga tingin nila dahil wala naman daw s'yang pake kahit anong sabihin ng mga tao. Sus! Dahilan pa s'ya,  crush lang ako nito eh.

"Pumili ka na. Ako na mag-oorder, just stay here." Saad n'ya nang makahanap kami ng table.

"Ikaw na bahala, kahit ano kakainin ko."

"Kahit ano?" Nanghahamon n'yang tanong sa'kin.

"Oo nga! Ang kulit!" Nakakairita naman 'tong isang 'to

"Edi 'wag na tayo mag-order." Sabi n'ya sa'kin na ikinagulat ko.

"Huh? Baliw ka ba? Anong kakainin ko?" 

"Ako." Nakangisi n'yang sabi at ang lagkit pa ng tingin n'ya.

"You'll order or I'll leave?" Seryoso kong tanong sa kan'ya na ikinayamot naman ng mukha n'ya.

"Eto na nga eh! Maldita" Kala mo mananalo ka ah.

Tahimik naman kaming kumakain ni Kenzo nang biglang may tumawag sa kan'ya.

"Kenzo!" Bati ng apat na lalaking ka-edad namin. 'Yan siguro 'yong mga kaibigan n'ya dito na sinasabi niya sa'kin.

"Uy! Kumusta kayo?" Bati ni Kenzo sa apat na lalaking may kasamang tatlong babae and isang gay? Yeah, she's gay. Mukha lang babae.

"Ikaw ang kumusta na? Oh! S'ya ba si Reign? Hi, Reign! Nice to meet you!" Pagpansin sa'kin ng isang lalaki at binati pa ako. Teka bakit nila ako kilala?

Loving the Strong SovereignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon