Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama habang pinagmamasdan ang ganda ng aking kwarto. It's Saturday and I'm planning to clean my room because I really don't know what I will do today. I immediately stood up to look at it for me to know what I will do first.Napagpasyahan kong unahin muna ang aking hinihigaan kahit maayos na 'to dahil palagi ko naman itong inaayos tuwing ako ay gigising. Pinagpag ko lang ito at inayos ang nagusot na parte dahil sa pag-higa para naman maayos tignan.
Agad akong dumiretso sa aking study table at inayos ang mga papel na aking ginamit noong mga nakaraang araw at pinagkukuha ang mga gamit na papel upang maitapon ito.
Habang ako ay naglilinis, napansin ko ang picture frame na kasama ko si Kenzo. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Agad namang kumawala ang ngiti sa aking mga labi. Ito ang una naming litrato na magkasama ni Kenzo at ika-pitong kaarawan n'ya ito. Agad naman akong natuwa nang maalala kung ano ang nangyari noong mga panahong iyon.
Ako ay natauhan nang marinig na tumutunog ang aking telepono. Dali dali ko itong kinuha at nakita kong si Kenzo lang pala ang tumatawag. Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam kong manggugulo na naman itong lalaking 'to.
"Oh? Anong problema mo?" Walang gana kong saad sa kan'ya at kinuha ang upuan sa study table upang makapagpahinga.
"Hindi naman halatang ayaw mo ako kausap?" Sarkastikong tanong n'ya sa'kin at agad naman akong napairap sa hangin.
"I'm cleaning my room, okay?" Mataray na saad ko at narinig ko naman ang kaniyang pagpapakawala ng mahinang tawa mula sa kabilang linya.
"Kaya naman pala. By the way, tapos mo na ba mga assignments?" Seryosong tanong n'ya sa'kin mula sa kabilang linya.
"Hindi pa." tipid kong saad sa kan'ya.
"Hmm... So, can we do it together?" Masiglang tanong n'ya sa'kin at halata sa tono n'ya na s'ya ay umaasa na papayag ako.
"No." Walang ganang saad ko sakan'ya at narinig ko naman ang kaniyang pagmamaktol mula sa kabilang linya.
"You can't do anything once na and'yan na ako sa bahay n'yo dahil alam kong 'di mo matatanggihan 'tong kagwapuhan ko." Mayabang n'yang saad sa'kin. Hambog! Kahit kailan hambog!
"Mamaya ka na pumunta! Naglilinis pa ako!" Naiinis kong saad sa kan'ya. I accepted my defeat since I can't do anything about it because this man is so stubborn, that's why I agreed with him and decided what time he can go.
I immediately put down my phone and continued cleaning my room.
After cleaning my room, I lie down on my bed to have a quick rest. I just rested for a while before I call Kenzo because knowing him, I can't easily experience peace when he's around because he'll surely tell what's going on with his life.
Nang makuntento na ako sa pagpapahinga, akmang tatawagan ko na si Kenzo ngunit nagulat ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang anak ni Satanas este ang aking kaibigan na si Kenzo. Good thing I already have my rest.
"Reign! Thank God you're now done cleaning you're room. Gano'n ka na ba kakalat at napakatagal mo maglinis? I went to nanay first before going in your room. Nagmeryenda na rin pala ako kasi nadaanan ko kusina n'yo kaya ayun, I checked your fridge then the blueberry cheesecake got my attention so I ate it. Oh by the way, did you rest na?" Walang gana lamang akong nakatingin sa kan'ya habang salita nang salita ng kung ano-ano papunta sa higaan ko. Look how talkative he is. Sabi ko sa inyo ang dami na naman n'yang sasabihin kahit na 'di ko naman tinatanong. Pati pagmeryenda, sinabi. And that's my cheesecake!
"Opo. Nakapagpahinga na po ako kaya nagpapasalamat ako na matagal ka pa dumating dahil kung maaga kang pumunta, masasalpakan ko na naman ng papel 'yang bunganga mo sa sobrang inis." Saad ko sakanya.