CRISANTA
I arrived an hour earlier than the scheduled time. Ang sabi sa email na natanggap ko ay 2:00 PM pero ala una palang ay nasa harapan na ako ng napakatayog na building ng NS Ventures.
Di naman halatang excited ako diba? Hahahaha.
Actually, the location of their main building is quiet far from Kristine and Gideon's residence kung saan ako nanggaling kaya din nagmadali ako, malay ko ba baka traffic maipit pa ko at mawalan ng chance matanggap sa kumpanyang pangarap ko.
Kung ikukumpara ko naman ang layo ng bahay nila Mama, mas malapit ang location nito kaysa sa bahay nila Kristine mula rito. Kaya baka mamaya, doon na rin ako uuwi. Uuwi din naman ang pinsan ko sa bahay nila Tita, kaya isasabay na rin nila si Primo.
"Lord, please guide me." Bulong ko sa sarili bago tuluyang pumasok sa building.
"Good afternoon, ma'am," agad na bati ng guard sa main entrance ng building.
"Good afternoon din po," balik pagbati ko tyaka didiretso na dapat pero minabuti kong magtanong na rin kay kuya kung saan ang restroom para makapag ayos man lamang since maaga pa naman.
Itinuro ni kuyang guard ang daan papuntang rest room na agad ko rin namang nakuha, buti nalang. Kala ko mawawala ako sa sobrang laki ng building.
After ko mag ayos ay nakaramdam ako na parang naiihi. Ano ba namang pantog ito, makakita lang ng cr ay automatic nang nakakaramdam ng iiihi. Jusmeyo!
Pagkapasok ko sa isang cubicle ay saka ko naman narinig na parang may ilang babaeng empleyado ang pumasok, syempre alangan namang ako lang pwede gumamit ng restroom, diba?
I was about to go out after doing my business when I heard their conversation, it's kind of intriguing, so I decided to remain silent and listen to them. Gumana nanaman yung side ng utak ko na may pagka marites! Sorry po.
"Bilis bilisan niyo na yan, bawal tayong pakalat-kalat ngayon at pumasok si Sir!" Animong nagmamadali rin ang tinig ng unang babaeng nagsalita.
"Oo na, oo na, nagmamadali na nga eh," sagot naman ng kasama.
"Kyaahh! Bat kasi pumasok pa? huhu." Hinaing naman ng huli.
Sino kaya ang pinag uusapan nila? Bakit parang takot na takot sila?
"Hello? Alangan di pumasok, eh siya ang may ari. Lutang ka girl?" Boses ng unang nagsalita.
Oh my! Did I heard them right? Ganoon ba talaga ka-terror ang boss ng NS Ventures? Akala ko tsismis lang 'yon, eh. Sabi naman sa nabasa ko sa magazine dati mabait siya. Ideal boss pa nga siya ng lahat, eh.
Naalala ko nanaman tuloy. Ang corny kasi ng mga interview page niya sa mga magazine kasi palaging picture ng NS Ventures building ang naka-feature imbes na mukha niya, pa-curious masyado.
Tanging mga business tycoons lang din ang nakakaalam ng totoo niyang itsura kaya kaming mga nasa laylayan walang idea. Well, except sa mga empleyado niya na strictly prohibited din to disclose any information about their boss.
Anyway, let's not think about it na muna kasi lalo lang akong kinakabahan tuloy.
Sa sobrang pag iisip ko ay di ko namalayan na wala nang ingay na maririnig sa labas, nakaalis na ata yung naguusap-usap kanina. Minabuti kong lumabas na rin at tyaka muling bumalik sa lobby.
Pagkarating sa lobby ay doon ko napagtanto na sobrang dami ng tao ang lakad parito't paroon, may mga naka upo sa waiting area at meron ding mga nagkakape sa isang mini coffee shop na satingin ko ay parte pa rin ng kumpanya. Kita ko mula sa kinatatayuan ko dahil mayroon itong glass wall na mas lalong nagpa-elegante sa itsura nito. Napakayaman ngang tunay ng may ari ng NS Ventures, kitang-kita sa hubog ng emperyo niya.