CRISANTA
“IS this some kind of joke?!” I hissed.
“Why? What happened?” Mabilis na lumakad palapit sa kinaroroonan ko si Gideon habang hawak sa magkabilang kamay sina Celes at Primo.
Well, I was again at their house, I mean 'still' since we're supposed to be going home at my Mom's but couldn't get to. Kristine on the other hand, was at the kitchen preparing our dinner habang si Gideon naman ang taga saway ng mga bata dahil nga kailangan kong basahing mabuti ang basta ko nalang pinirmahang kontrata kanina.
“Shall I call Warren?” Halos maluha luha pa akong humarap kay Gideon nang tuluyan na silang makalapit ng mga bata. (Warren is a Lawyer friend of the family)
“Why do you need a lawyer? Is it serious?” Agaran naman niyang sagot sa akin. “Kids, behave!” dagdag pa niyang saway sa mga bata na mabilis din namang nagsitahimik.
“I-I think, I got scammed?” I'm not sure. I was really confused and kind of shocked with what it says in the contract.
“Let me see. Bakit, ano bang sabi diyan?” Akmang aabutin ni Gideon yung hawak kong folder pero mabilis ko rin itong nailayo sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya.
Sino ba namang hindi magsasalubong ang kilay, eh, para akong tanga sa mga kilos ko. I just remembered kasi na may nakasulat sa pinaka unahan ng kontrata about confidentiality. Nag iingat lang ako.
“A-Ah, kasi ano, n-namali lang yata ako ng pagkakaintindi, hehe.” Para na kong baliw na ewan nito. “Can I, uhm, use your study for a moment? Kailangan ko lang siguro magfocus para maunawaan ko ng mabuti kung ano ba tong trabahong napasok ko,” dagdag request ko pa. Litong-lito na rin ako.
Buti nalang kahit parang alanganin at di kumbinsido si Gideon ay hinayaan nalang din niya ko at nangako pang siya na muna magbabantay kay Primo kaya dali-dali na rin akong gumayak at naglock sa study niya.
Pagkapasok at pagkalapag ko ng folder sa lamesa ay agad akong napatitig ng mariin sa mga nakasulat sa papel.
During the probation period, effective immediately upon signing the contract:
I. Party B (which is me) shall accompany Party A (Mr. Alfano) to all events and gatherings for a duration of three (3) months.
II. Party B must always be available when called by Party A and promptly arrive at the designated place/address.
III. Party B must adhere to any dress code provided for specific events and---- blah blah blah
WHAT THE!!! I'm a freakin' MARKETING STRATEGIST for goodness sake! Bakit parang malala pa sa pagiging personal assistant tong trabahong binigay sa akin? Kung training man ito, paano naging related to sa trabahong inapplyan ko?! Is he a pervert? Bakit ko siya kailangang samahan sa mga lakad niya? Ano siya bata?
Pinaglololoko ba ko ng bwakanang yun? Balak pa yata akong gawing yaya. Arggghh!!!
But, what can I do? Napirmahan ko na ang kontrata, di na ko makakaatras pa, besides kasama sa confidentiality agreement na once mag back out ako, magbabayad ako ng tumatagingting na 500,000.
Kaka-end lang ng contract ko sa previous work ko, saan ako kukuha ng kalahating milyong piso? May ipon naman sana ako, pero para yun sa future ng pamilya ko, di ko isasakripisyo yun dahil lang sa katangahan ko.
Kung di sana ko nagpadalos-dalos at nagpadala sa galit ko kanina, edi wala sana kong problema ngayon. Hays.
I am still in the middle of processing all of this shit when suddenly my phone rang. It's not a phone call, it's just a text and also a messenger notification.
Blangkong napatitig nalang muli ako sa aking cellphone nang makitang text at chat iyon mula kay Mr. Alfano. Hindi na rin ako nagulat pa dahil parang expected ko na rin naman nang kokontakin niya ko anytime soon dahil sa laman ng kontratang binigay niya sakin, we do really need each others’ contact information. Malas ko, nasa resume ko na nakalagay lahat.
Nicòlo Svro is the name that registered on my phone as his messenger account. Dati ba tong jjmon? May nawawalang vowels, eh. Sure akong siya si Mr. Alfano kasi nagpakilala pa rin naman. Okay, professionalism check.
Nicòlo Svro: Good evening, Ms. Ferrante! This is Nicòlo Severo Alfano, the CEO of NS Venture. I hope you have already understood the content of the contract and are clear on the terms I require for my employee. Are you?
Parehas lang naman ang text niya sa number ko at ang chat niya sa messenger. Grabe naman maniguro to, pwede namang isa nalang. He also sent me a friend request on Facebook. Wow?
Ia-accept ko ba or not? Pwede naman kasing mag-usap kahit di friends sa fb diba? Pero since umaatake nanaman ang pagkadetective Conan ko, i-stalk muna natin ang account niya syempre.
At katulad ng inaasahan.... napaka BORING ng buhay niya. Puro shared posts lang ng balita tungkol sa kumpanya niya ang laman. Pati profile picture niya, main building nila. No wonder, wala ni isang taga labas ang nakakaalam ng itsura niya.
Bigla tuloy nag flashback sa utak ko yung mukha niya kanina---- ang mukhang y-yon....
Wala sa sariling nabitawan ko ang cellphone ko at halos hindi makagalaw nang may marealize ako.
Dahil sa gulat ko sa laman ng kontrata ay nakalimutan ko ang isang bagay na pinaka importante sa lahat. Ang dahilan kung bakit basta nalang ako pumirma kahit di sigurado kung anong trabaho ang naghihintay sa akin.
At ito ay ang katotohanang.....SIYA ang lalaking yon.
“S-Siya ang a-ama ng anak ko.” Wala sa sariling sambit ko bago nanghihinang napaupo sa sahig.
Naikuyom ang aking mga palad. Ngayon lang nag sink in sa akin ang lahat. Kung gaano kabigat itong pinasok ko at kung gaano kadelikado pag nalaman niya ang totoo.
Mabilis na nagunahan sa pagtulo ang aking mga luha nang tuluyan ko nang mapagtanto ang lahat.
Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Pilit ko ring pinipigilang makagawa ng kahit na anong ingay kahit pa halos gusto ko nang humagulhol sa iyak.
Nicòlo Severo Alfano is the CEO of NS Venture. He is powerful and he can do anything once he knew about my secret.
Pero—bilang isang ina, kaya ko ring gawin ang lahat para sa anak ko!
To be continued...
©Makireimi