Back Home

3K 42 42
                                    

Medyo matagal ang naging bakasyon namin sa school dahil nga nagblackout sa buong Los Baños at medyo napatagal ang renovation ng school. Nung nakabalik sa boarding house, kamustahan lang.

"Tantado ka talaga Carl bago ka umalis dito muka kang malnourished na bata ngayon muka ka nang kakatayin na baboy haha!" - Kuya Robert

"Naku nagsalita naman yung hindi gagong gupit." - Kuya Carl

"Sabihin nyo namiss nyo lang isat isa haha!" - Kuya Daniel

Kami naman nila Vincent at Roy tahimik lang at natatawa sa pinaggagawa nung tatlo. Oo nga, sa half ng sem nakabuo din naman kami ng masayang barkadahan. Binabawi ko na yung nasabi ko dati na hindi ako excited for my roommates kasi ngayon, parang gusto ko nang hilain ang oras ara makabalik na ako sa boarding house for them.

Matapos lang ang masayang kwentuhan nung kailangan na namin bumalik sa mga kwarto namin. May pasok pa kasi kami bukas.

Naririnig pa din namin ang tawanan sa kabila pero minabuti na muna namin nila Vincent at Roy ang manahimik. Medyo nakakapagod din naman ang byahe at nandun pa yung feeling na nakakatamad pa pumasok dahil sa mahaba-habang bakasyon.

Habang nagaayos ng gamit, may napansin akong pulang tela sa ilalim ng kama ko. Sa natatandaan ko wala naman akong ganitong kulay na damit at lahat ng gamit ko ay kinuha ni mommy nung umuwi kami ng Bulacan.

Hinila ko yung tela, habang tumatagal bumibigat at nahihiraan akong mahila. Hanggang sa biglang may humawak sa kamay ko..

..isang batang babae?


Tumatawang gumagapang palabas sa ilalim ng kama ko habang nakatingin saken at nung makalabas na, dali-daling tumakbo pababa ng hagdan na para bang ang bigat ng mga yabag.


To my surprise, hindi lang ako ang nakakita ng mga nangyari dahil nakatulala lang pala sina Vincent at Roy at napanood ang nangyari from the beginning. Napalabas din ng kwarto sina Kuya Carl dahil sa lakas ng yabag sa hagdan dahil akala nila, nag-aaway na kami.

"What was that? Is that a welcome joke? Who will do that stupid crap?" hindi ko mapigilang pagburst out ng takot ko dahil sa pag-aakalang pinagti-tripan lang nila ako. Im expecting to hear laughs anytime pero hindi yun ang nangyari.

"We dont know whats that either! Bakit may bata dito sa loob ng bahay habang wala tayo fo 2 weeks? Rod dont you think that scare the hell out of us either?" pasigaw na sabi ni Vincent. Naiintindihan ko naman siya dahil ako man, hindi ko din maexplain yung takot na nararamdaman ko ng mga panahon na yun.

"Teka ano bang nangyayari? Anong bata? and can you explain bakit may nagdadabog sa inyo sa hagdan?" si Kuya Daniel.


Si Roy ang nagkwento sa nangyari dahil medyo mainit pa kami parehas ni Vincent sa naging diskusyon kanina.

"Ang mabuti pa bukas na bukas, pumunta tayo sa caretaker ng bahay para itanong kung bakit may bata dito. Kung may mga nakakasok dito habang wala tayo, it will not be safe for us. For now, Vincent at Rod palamig muna kayo. Nobody wants this to hapen kaya matulog na muna kayo at magpahinga" sabi ni kuya Carl.


Makakatulog ba kayo kung kayo ang nasa kalagayan ko? Di ko maubos maisip kung anong nangyari. Pero siguro tama nga si Kuya Carl, itatanong nalang namin sa caretaker. Hindi ko a yun nakikita dahil si mommy lang ang nakipagnegotiate ara dito sa boarding house. Baka napabayaan lang yung bata dito sa bahay.


Kinaumagahan, gaya ng napag-usaan nagpunta nga kami sa caretaker few blocks away lang nakatira from sa bahay. Isang medyo may katabaang babae yung humarap sa amin. Si kuya Carl at Daniel ang nakipag-usap sa kanya habang ang nakakuha naman ng atensyon ko e ang matanda na nakaupo lang at nakatingin.

"Hi Lola! kamusta ko kayo?"

"Hijo, nakita mo ba si Elizabeth? napakabait na bata nun si Elizabeth ko eh. Nawawala kasi sya."

"Kelan pa po sya nawala? Kelan nyo po ba sya huling nakita? may picture po ba kayo nya?"

Nakita ko na from malungkot na mata, biglang nagliwanang yung mata yung matanda, siguro dahil nagpakita ako ng interes sa kwento nya.

"Eto oh litrato nya, napakaganda nya hindi ba? kaya lang hindi pa kasi sya umuuwi"


Teka, eto yung bata na nakita ko ah. Baka apo nya.


"E lola kahapon lang po naki-"

"Nanay naman bakit po kayo nakikipag-usap dyan? magpahinga nalang po kayo sa loob. Sandali lang totoy ha, ipaasok ko lang si nanay sa loob." sabi nung matabang babae na kausap nila kuya Carl.

"Sige po."


Pagbalik nung ale, kinausap ko sya. Kailangan nila malaman na yung batang hinahana nila nasa bahay lang kahapon.

"E Ate, yung pong apo ni lola na hinahanap nya, yun po yung batang nakita namin sa bahay."

"Anong apo? imposible yun no kasi ako lang ang apo ni nanay. Kapatid kasi sya ng lola ko kaya ako ngayon ang nag-aalaga sa kanya."

"E sino po si Elizabeth?"

"Yung bata sa picture? anak nya yun. matagal na yun patay. Nabaliw sya dahil dun kaya ganyan sya ngayon. At yung bata? naku maniwala kayo saken. Ako ang nagbantay sa bahay nyo at isang beses ko lang yun nabuksan. Nun lang pabalik na kayo para maglinis. Wala pa naman akong anak para may isamang bata sa bahay habang naglilinis noh. Kung gusto nyo bukas na bukas din papapalitan natin ang mga kandato ng pinto para sure kayo na secured pa din ang bahay nyo."

"A eh, sigo po salamat"

"Sige na kanina pa kasi kami tapos magusa nung mga kasama mo. Kumain ka muna ng meryenda dun"

"Opo."

"O ayan na ha, wala naman daw syang kasamang bata nung naglinis kaya baka mga nantitrip lang na mga bata. Wag ka mag-alala Rod. Vincent bati-bati na ha? mga batang to." si kuya Carl.

"Guys naniniwala ba kayo sa multo? sabi ko.

"Ano naman yang pauso mo? hindi nga sabi multo ang nakita nyo eh. nanti-trip lang yun na bata." si Kuya Daniel.

"Wala lang sorry natanong ko lang."


Ako lang ba ang weird o talagang nakakakita na ako ng paranormal things? bakit ako?

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Author's note:

Salamat po sa mga nagbabasa ng storya na to. Habang nagiisip ng magandang update, narealize ko, sa mga writers ng on-going stories tulad nito, hanga ako sa bilis ng utak nyo magisip ng update! Mabuhay kayong lahat haha.. Mahirap kaya magisip ng susunod na pangyayari taz dahil on-going hihingian ka ng update!! Pero eto na po, maikli lang sya and I dont know if this will meet your expectations pero I hope you like it.

P.S

sa mga nanghihingi ng soft copies, ahm, sabihin nyo po kung ano yung soft copy (tanga lang sulat lang kasi ako ng sulat wala naman akong common sense haha). How can I give something I dont know how to make, or I dont even know what it is right? so let me know para magawan ko kayo then happy-happy na tayong lahat :)

Love you all! =mwah,mwah tsup,tsup=

-venusVSathena-

Buhay sa Boarding HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon