Hi my name is Rodney, isang kwelang freshie from Bulacan. I have no choice but to be on a boarding house kasi naman sa Bulacan pa ako uuwi tas sa Los Baños ako mag-aaral ng college.
I'm not so excited about sa magiging roommates ko o sa mga magiging housemates ko. E kasi magulo na sa bahay namin so hindi na surprising magiging mas magulo dito sa boarding house.
Pero nung tumagal, I have experienced something na bumago ng lahat.(pag-lipat)
Ang mahal kong nanay, gawa ng likas na relihiyosa, hindi pumayag na di ko dala yung isa sa mga Santo Niño sa bahay na lilipatan ko. Nung bata pa daw kasi ako, meron akong mga "Bantay" na kinukuha ako, alam nyo na mga engkanto at duwende at tanging si Sto. Niño ang naging sandalan ng nanay ko.
Ok naman yung bahay, 2-storey. Sa baba yung sala at kusina tas sa taas yung 2 kwarto. Tig-3 sa bawat room. Puro lalake kami dito.
Ang nanay ko, nag-iinsist na ilagay si Sto. Niño sa may sala para daw bungad palang e maitaboy na ang masamang elemento. Praning talaga eh. Sabi ko sa kanya baka matakot yung mga housemates ko pero naginsist pa din sya.
Kahit nawirduhan saken yung mga housemates ko, nirespeto pa din nila ang kagustuhan ng nanay ko. Nilapag ko xa sa mini altar sa tabi mismo ng pinto.
Naging ok naman ang lahat. Sina Vincent at Roy ang kasama ko sa kwarto kasi parehas kaming freshman habang sina kuya Carl, Robert at Daniel naman sa kabilang room, puro nasa 3rd year na.
One day...
"Ui Rod, no offense ha, medyo creepy na kasi yung santo mo dun sa baba, puede bang sa kwarto nyo na lang yun?" sabi saken ni kuya Daniel.
"Oo nga pre, no offense talaga, alam ko naman medyo religious si mommy eh" sabi nman ni kuya Robert, mommy din kasi tawag nila sa nanay ko.
"Sorry mga tol ha, sige iaakyat ko na."Bumaba ako para kunin si Sto. Niño but to my surprise, di ko na sya mabuhat. Parang nakasemento na sya sa altar. E nung dumating ako dito buhat-buhat ko yun sa byahe mula Bulacan.
"Oi Rod parang problemado ka?" tanong ni Roy.
"Oo nga eh, kasi pinapaakyat na nila kuya Daniel tong santo sa taas dun sa kwaro natin, e kaya lang di ko na mabuhat eh"
"Ok ka lang? e santo lang yan kaya magaan lang yan noh. Ako na nga lang magbubuhat"
Binuhat na nga yun ni Roy pero same lang, hindi din nya nabuhat. Hanggang sa naabutan na kami ng lahat at sinubukan na din nilang tanggalin pero bigo dn sila."Lakas ng power ni mommy, ayaw talaga patanggal hahaha!" sabi naman ni vincent.
"Baliw ginawa mu naman witch yung nanay ko haha"
"sige na nga hayaan mu nalang yung santo dyan baka magalit nga si mommy pag naalis yan dyan haha" sagot naman ni Kuya Daniel.Wala naman kakaibang nangyari since tnry namin na tanggalin ang santo sa altar. Isang araw nung magkainuman sa bahay kasi kakatapos lang ng midterm, nakatuwaan na naman namin si Sto. Niño. Isa-isa namin sinubukan na tanggalin. Nauna si Kuya Daniel dahil sya naman ang panimuno ng trip na yun. Di nya natanggal, ganun din yung iba. Ako yung pinakahuling sumubok and to everyone's surprise, natanggal ko.
"Whoa!! so kamusta naman ang accomplishment mo bunso? hahaha at dahil dyan ang price mo e iakyat na si baby Jesus ok?" sabi ni kuya Carl.
At dahil hilo na ako dahil sa tama ng alak, sinamahan na ako nila Roy at Vincent sa kwarto para alalayan ako. Nagtatawanan pa kami habang naglalakad pero natigilan kami nung paghakbang ko sa hagdan parang may naririnig kami na nagcrack. Binalewala lang namin yun at patuloy na umakyat. Nung mailapag na namin si Sto. Niño sa lameseta...
"P***inang yan pare ano ba kasing ginawa mo?" sigaw ni Vincent, di ko alam kung sa gulat o sa takot.Nabasag kasi si Sto. Niño pagkalapag ko sa lameseta.
Nag-akyatan sina kuya Carl, Daniel at Robert at pati sila nagulat. At dahil sa kumusyon, nagsalita si kuya Daniel.
"Tsk, mga bading akala ko kung anong nangyari. Sa physics kasi mga bro, kapag maxado naintan ang isang matigas na bagay mdyo nagmomoist yun taz bigla nyong ipapasok sa malamig e may aircon dito so tendency magiging brittle yan kaya yan nabasag."
"wahahaha andami mong alam noh? hahaha" sabi ni kuya Carl.
Nagtawanan nalang kaming lahat at from there nakalimutan na namin yung pangyayari. That time, mas natakot pa ako sa sasabihin ng nanay ko pag nalaman nya na nabasag yung Sto. Niño nya. Pero kung iisipin nga naman, bakit nga kaya nagaganun yung santo na yun?
BINABASA MO ANG
Buhay sa Boarding House
FantastiqueNormally pag college diba ngdodorm na tayo or nagboboarding house. Hassle kaya maguwian sa bahay lalo na kung taga makalayo ka. Tara sa boarding house ko for a THRILLING EXPERIENCE, boring ang college pag wala ka neto.