Ako yung taong nabubuwisit sa bida ng horror movies na napapanuod ko na kung san madilim dun pa pupunta, kung saan alam nya na andun yung humahabol sa kanya dun pa talaga magsusumiksik. Alam mo yun? Logical thinking dapat lumayo o magtago ka sa mga bagay na nakakatakot para sayo, hindi yung ikaw pa yung lalapit.
Alam mo, ngayon nabubuwisit na ako sa sarili ko. Mali bang gustuhin kong malaman ang nangyari kay Elizabeth kahit na alam kong patay na sya at natatakot ako?
THE VISIT
Sleepless nights ang kapalit ng malaman ko na ang batang nakita ko sa ilalim ng kama ko ay patay na at nagmumulto sa amin. I can't just tell them kasi baka isipin nila freak ako at baka hindi rin naman sila maniwala. Bottomline, sasarilinin ko nalang yung kabaliwang nalaman ko.
I visited the library for paranormal books (di ko alam why these books exist, but they do anyway). Ok given na witching hour ang 3AM so dapat, if you will call a spirit, yan ang best time to do it. Bakit ko sya gustong tawagin? Una, gusto ko malaman kung pano sya namatay at bakit sa bahay sya nagpaparamdam at hindi sa nanay nya. Pangalawa, bakit ako ang napili nyang pagpakitaan at pakiramdaman.
Kakatapos lang ng mid-terms kaya uwian na ng mga estudyante, ganun din ang mga kasama ko sa bahay. Best time para saken na gawin ang plano kong pakikipagcommunicate kay Elizabeth.
First rule: have faith and pray to God before anything else.
Nagsimba ako, nagdasal for guidance. Plastic lang ang hindi kakabahan makipag-usap sa patay na. Nakaluhod ako at nakapikit for a very sincere prayer. Suddenly..
"Bakit ka nagdadasal? natatakot ka ba?"
Shet, sino ba naman ang hindi magugulat. Ang pinagdadasal mong patay eh syang makikita mo sa harapan mo, face to face, at nakangiti? She disappeared after ilang seconds like an apparition. Sa totoo lang hindi naman sya nakakatakot like the ghosts in the movies eh. She is a very pretty child, pero patay na sya.
Second Rule: be firm.
Hindi ako dapat matakot dahil nasa bahay ako ni Lord pero pag-uwi ko ewan ko nalang. I expected paranormal things to happen pero parang normal ang buong bahay buong maghapon. Natutuwa pa nga akong nakinig kay Papa Jack sa TLC at Wild confession eh. Then,
May kumalabog, mabigat na mga paang umaakyat papuntang kwarto ko at isang malakas na pwersang bumukas sa pintuan ko.
3 AM
Kaya pala. Nagtataka ba kayo kung pano ko sya natawag without any encantations? nalaman ko na ang encantations na nakikita natin sa horror films ay isang dramatic expression for movies para ipakita na may tinatawag tayo na spirits. In real life, just think of them and pray for them at sila na mismo ang lalapit sayo. Parang law of attraction, dahil nasa ibang sphere sila, naaattract sila sa sphere natin dahil by simply thinking and calling them, inaalis na natin ang balanse ng both spheres kasi pinapakialaman natin ang sphere nila. Sa kaso ko, nauna si Elizabeth na sumira ng balanse nung nagpakita sya saken kaya nung pinagdasal at tinawag ko sya, lalo syang naattract na lumapit saken.
BINABASA MO ANG
Buhay sa Boarding House
ParanormalNormally pag college diba ngdodorm na tayo or nagboboarding house. Hassle kaya maguwian sa bahay lalo na kung taga makalayo ka. Tara sa boarding house ko for a THRILLING EXPERIENCE, boring ang college pag wala ka neto.